Chapter 32. Courage

130 3 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit. Pero naiiinis ako sa sarili ko.

[Vinz' POV]

*flashback*

"VINZ!" Huh? Si Jess.

"Ano? Kita mong natutulog yung tao eh."

"AH! Why are you sleeping at a time like this! Hurry!!"

"H-HOOOY! Bitawan mo nga ako!" Hilain ba naman ako nung loko? Pero di nga, anong bang problema ng babaeng to?

Nasa labas na kami ng school. At nakita ko si Maki.

"Ano to Jess? May suprise ba ako?" Ngiti ko pang sinabi sa kanya. Pero nakatitig lang siya kay Maki.

"You'll see... Its a "surprise" alright" 

Matapos ng sinabi niya. Nagulat ako sa nakita ko.

Hindi ko alam kung magagalit ba ako.

Hindi ko alam kung susugurin ko ba yung mga lokong yun.

Pero nasasaktan ako sa nakita ko. Kaya tumalikod nalang ako palayo sa kanila.

"HEY YOU!" 

"ANO?!"

"Just like that? You're running away? After what you've seen? Unbelievable."

"What do you expect me to do?! Sugurin sila?"

"EXACTLY! That's why I came get you! To atleast say something to them! Or.. anything!"

"It's not worth it Jess. Hayaan mo na sila."

*end of flashback*

And there. As if lahat ba ng mga efforts ko napunta lang sa wala. Galit na galit ako. Pero hindi ko alam kung saan at kanino ba talaga ako magagalit.

Sa kanya o sa sarili ko?

Mabilis kumalat ang balita dito. At alam narin ng buong klase ang ginawa ni Maki. Hindi na lang ako nagsasalita. Kapag tinatanong kung okay ba ako, nag-ooo na lang ako.

Naiinis ako. 

Kasi hinayaan kong maloko ako ng ganun ganun lang.

[Kylie's POV]

"Keviiiiiiiiiiin. Samahan mo naman ako." Ginugulo ko lang naman siya. Walang magawa eh..

"Saan nanaman? Dito na lang kasi tayo." 

"Hehe. Gutom ako ngayong araw eh. Tara na."

"Ayokong tumayo. Bahala ka jan."

"Sungit naman neto. Che!"

 -____- Ang sama sama talaga ng lalakeng yun. Hmp. Edi ako na lang mag-isa.. Tss. Okay lang. Babawian ko na lang siya minsan. Muahaha. 

Pababa na ako sa stairs nang nakita tapos ko siya. *doki* Pero... Mukhang malungkot? Anong meron? "Huy! Musta na!"

Lumingon siya pero walang halong emosyon... "HUUY. Ano ba? Musta na sabi ko."

Tinitigan niya ako ng 1.. 2.. 3.. *doki*

"Hello." 

-____- Anak ng. May kausap ba akong multo?

"May problema ka ba? Mukhang malungkot ka..." 

"Ahhh. AH! Di ah. Kai naman. Okay lang ako" binigyan niya ako ng ngiti. pero halata ko namang pilit "San punta mo?"

"Sa baba lang. Bibili lang ng makakain. Hehe. Sige ah. Una na ako." 

"KAI!"

*doki*

"Wait lang. Samahan na kita. Madapa ka pa jan."

"Kahit kelan talaga!" *doki* "di ako bata!" Kylie. Hinay lang...

"Bata ka parin sa mga mata ko. Hahaha." Ang sama -___- Ang sama sama talaga.

Sinamahan talaga niya ako hanggang sa canteen. Kahit ba wala siyang binili. Bakit kaya? Baka gustong maglakad? Papahangin? Malay ko ba dito. Baka gusto lang akong asarin sa pagka-"bata" ko. -____-

Paakyat na kami tapos tumigil siya bigla. "Pwedeng magtanong?"

"Nagtatanong ka na? XD" Sorry.. Diko maiwasang mamilosopo. Haha

"Kai..."

Nakatingin lang siya sa akin.. Hinihintay ang sagot ko. 

*doki* 

"Ano ba kasi yun?"

Iniwas niya tingin niya sa akin. Kinamot yung ulo niya. Sabay hinga ng malalim.

"Kayo-" Kami? 

"Ikaw at si-" Ako at si anooo???

"Kayo na ba ni Kevin?" Ahhh. Kami ni Kevin.. Kevin? KEVIN??

Notice Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon