Chapter 4: "Family Gathering"

6 1 0
                                    

"Ang pagtitipon ng bawat pamilya ay ang pinaka-importanteng okasyon simbolo ito na nagkakaisa kayo."

KINABUKASAN

"Best, isang araw lang akong wala may iphone 7+ kana? at sino namang ulol na nalinlang mo?" birong saad ni Kim.

"Ako lang naman! Si Clifford Evans, anak ng may-ari nitong school, isang CASANOVA, Crush ng Campus at vocalist ng C4 Band." sabay akbay kay Jay Anne.

"Clifford, huwag mo nga akong akbayan, nakakahiya naman! Tingnan mo tiningnan nila tayo." nahihiya niyang saad.

"Best! Ang haba ng hair mo ha? Kayo na ba? Bakit hindi ako na-inform?Ang daya mo naman best! Hala ka magtatampo na ako sayo." tampo niyang sabi.

"Oo kami na! Hahaha" biro ni Clifford.

"Hwag kang maniwala sa kanya best! Buliro talaga yan. Mamaya ko na lang sayo ikukwento ang mga pangyayari kahapon. Tayo na baka may klase na tayo." anyaya ni Jay Anne sa kanila.

FRIDAY NIGHT- Tumawag si Clifford kay Jay Anne.

"Hello? Sino to?" tanong ni J-Anne sa kabilang linya.

"Bulag ka ba? Basahin mo nga kung ano ang nakaregister na name sa contact mo!Bakit nakakainis ka?" inis niyang sagot.

"Sorry ha? Bulag ako! Hindi ko kasi kilala si "Myhoney"! hmmpf" saad ni J-Anne..

"Haha! Masanay ka na! Kasi bukas Honey na ang endearment natin." tawa niyang sagot.

"Yacks! Hindi ko feel. Pwede friend lang tawag ko sayo?" may paawa effect sa boses niya.

"Gaga ka talaga kahit kailan! Mas lalong hindi sila maniniwala. Alam mo J-Anne? I am slowly fallen for you na!" seryoso niyang sabi kay J-Anne.

"Cliff?, antok lang yan. Matulog ka na." change topic niya dahil kinilig rin siya sa sinabi ni Clifford.Naguguluhan siya kung totoo ba ang sinabi nito. Pero para sa kanya its just a deal dapat hindi siya Ma-Fall kay Clifford.

"Bahala ka! Kung ayaw mong maniwala basta bukas mga 1pm susunduin na kita." paalala niya.

"Bakit ang aga naman? Di ba 6pm pa mag-start?" tanong niya.

"Mag-shopping pa tayo, don't tell me. Mag-T-shirt ka lang tapos jeans? Dapat formal ang soutin Mo! Basta ako na ang bahala sayo bukas, Hwag kang mag-alala. Trust me." seryosong saad ni Clifford.

"Ok! I trust you! Pangalawang pagkakataon mo na yang sinasabi sa akin na I trust you! Lagot ka sa akin kung hindi ka mapagkatiwalaan! hmmpf!" pabebe niyang sagot.

"Sige na..Good nyt hon. I love you!" seryosong sabi ni Clifford.

"Ano ba! Cliff, Sige good nyt! Thank you! Bye!" sabay end call.

"Ano ba to? Bakit ang lakas ng pintig ng puso ko?Dont tell me, Na-Inlove na ako kay Clifford. God please help me. Ayaw ko pang ma-inlove." bulong niya sa sarili hanggang sa nakatulog siya.

*PHONE RINGING*

"Ano ba yan! Ang ingay naman!" sabay sagot.
"Hello? ang aga mo namang tumawag inaantok pa ako." sagot niya sa kabilang linya.

"Good morning hon, It's already 9am. Maligo kana nga! Ang baho mo! Dont forget to eat. I love you. Bye!" sabay end call.

"Hey! Clifford! Bwisit ka talaga! Grrr! "
"Oh my God! Saan na si Mamcy hindi pa yon kumakain. Lagot ka talaga sa akin Clifford! Badtrip!" galit niyang sigaw.

Accidentally Inlove To A Perfect Stranger #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon