Entry 1

26 1 2
                                    

Alexzander’s POV

Ang gandang pagmasdan ng paglubog ng araw habang nakaupo sa buhangin sa dalampasigan, naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran.

“Naz.” May namumuong ngiti mula sa labi ko.

“Naz,” sagot naman niya. Oo, pareho kaming Naz. Endearment kumbaga, pero siguro tadhana 'to. It might sound gay that a guy believes in destiny but yeah, there's nothing wrong in believing. Nakakagulat nga nung una kaming nagkakilala nang tinawag siya ng kaibigan niya at akala kong ako, dun kami nagkakilala hanggang sa naging magkaklase kami at hindi ko inakalang magkakagusto ako sa kanya.

“Bat ka nga ba tinawag na Naz?” Habang nakayakap pa rin sa likod ko.

“Hindi ko rin alam eh. Basta ang alam ko, isang araw ‘Naz’ na tawag sakin.” Naramdaman kong may isinuot siyang kwintas sa leeg ko at sabay na umupo sa tabi ko.

Ngumit siya ng malapad sabay pakita sakin ng suot niyang kwintas. Magkapares pala yun at may pendant na EiffelTower. Dun kasi namin parehong gustong makapunta.

“You like it?” Tanong niya, tumango naman ako. Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at huminga ng malalim.

“Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang ang isang Alexzander  Avellano ay magiging boyfriend ko. Tinitilian, sanhi ng stiff neck at laman ng panaginip ng mga babae sa school. Who would have thought that you would fall for me? Ang ganda ko kasi diba? Hahahaha,” ayan na naman siya. Kung ano-anong pinagsasabi pero totoo naman, lahat kasi parang dinadaan niya sa biro.

“Kaya nga eh. Walang sinabi ang kagwapuhan ko sa kagandahan mo! Ang swerte ko nga rin dahil ang isang Zandra Coronelle ay magiging girlfriend ko. Kahit kalog man siya at parang baliw kung minsan, kahit humuhilik man siya at natutulog sa klase, kahit PG man siyang kumain, kahit walang poise man siyang  tumawa, kahi---”

“Oo na, tama na! Alam ko nang imperfect ako, sorry naman ha!” Sabay siyang nag-pout,  napatawa nalang ako.

“Pero alam mo, kahit ganun ka pa, okay lang. Your imperfection makes us fit together. Simula nung iwan kami ni mama, hindi na ako naniniwala sa pagmamahal. Ayoko kasing naiiwan, nadala na ako sa pakiramdam, ayoko ng ganun, naalala mo nung niligawan kita? Isinakay kita sa bangka nun, alam mo kung bakit?”

Tumingin siya sa mata ko. “Bakit nga ba?”

Napabuntong hininga ako sabay tingin sa malayo habang nakangiting inaaalala yung panahong yun.

“Natatakot ako na baka hindi mo ako gusto, na baka takbuhan mo ako. Hahaha. Ang babaw ng reason, pero yun yung totoo, ayoko ng naiiwan. I’ve had enough of that. Kaya kita isinakay sa bangka kasi alam kong wala ka namang matatakbuhan, masakit makita ang isang taong tinatalikuran ka.” Ayoko nang mabuhay sa nakaraan, pero tuwing naiisip ko yung nakaraang yun, nararamdaman ko yung eksaktong pakiramdam ng nag-iisa. “I was the happiest man alive the moment you said yes. Hahaha.”

Worth Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon