The next day…
Pumasok ako sa room at hinanap siya pero wala pa ata, baka late, ala-una na kasi nung naka-uwi kami kagabi, baka tinanghali ng gising, pero naghapon nalang wala parin siya, siguro nakipag-bonding lang sa parents niya, birthday niya rin naman. Kaya bago ako umuwi dumaan muna ako sa bahay nila, pero walang tao dun, hindi pa siguro nakakauwi kaya umuwi narin ako at magdamag na pinagmasdan ang picture naming kahapon, ang saya niyang tignan.
Pero the next day, wala parin siya, matapos mag-quiz nag-recording na si ma’am ng scores, pero nag-skip yung pagtawag niya, hindi natawag si naz, nagtaka naman ako ng biglang may nagtanong galing sa likod, yung katabi niya pala.
“Ma’am, bat di po natawag si Zandra.?”
“Hindi niya ba nasabi? Pumunta ang parents niya dito kahapon para kausapin ang principal, they are leaving for states, yun lang ang alam ko.”
Halos mahulog ako sa kinauupuan ko, a-aalis? Bat sila aalis? Bakit wala siyang nasabi?
Buong maghapon akong nakatulala, It can’t be, she promised, bat di man lang siya nagpaalam?a-akala ko ba.. hindi, babalik pa siya, alam ko, sinabi niyang mahal niya ako.
Everyday was hell for me, parang laging mabigat ang loob ko, it even crossed my mind that she doesn’t love me anymore, that I should give up, but no, I’ll hang on, A month without her was the worst days of my life, I miss her so much, babalik pa nga ba siya? O aasa nalang ako sa wala?.
Lutang ang isip ko habang naglalakad sa corridor, ang daming tanong, doubts and mostly pain, I know I can’t bear being left behind, I hate that, but I love her to the point that I’m willing to experience that again and wait for her to come back, nabalik ako sa realidad ng marinig ang mga nagsihulugang libro sa unahan, tinulungan ko naman yung babaeng pulutin yung mga libro, pero halos mabitiwan ko yun lahat nang makita ko ang mukha niya..
“N-naz…” bigla ko siyang niyakap.
“I missed you, akala ko di ka na babalik, akala ko iniwan mo na talaga ako.” Grabeng tuwa ang nararamdaman ko ngayon, parang nabuhayan ulit ako ng loob, she’s back.
“I’m sorry, pero hindi ako si naz, baka nagkakamali ka lang, hindi kita kilala, mauna na ako baka kasi malate na ako.” Ngumiti siya at umalis, parang gumuho yung mundo habang pinagmamasdan ko ang likod niya palayo, h-hindi.. hindi to pwede, siya si naz, para akong napako sa kinatatayuan ko at naramdaman kong may mainit na tubig na tumulo sa mata ko, hindi ko alam kung nagbibiro ba siya kasi kanina habang tinititigan ko yung mata niya, hindi ko nakita ang naz na kilala ko, parang wala lang sa kanya, nagbago narin siya, mas maputla at tumaas na yung buhok niya, nag-iba narin yung pananamit niya, at mas babae na siyang kumilos.
Pumasok ako sa room at umupo sa likuran at pinagmasdan siyang masayang nakikipag-usap sa katabi niya.
“Bro, anong nangyari kay naz, bat hindi niya na tayo naalala?.”
“hindi ko rin alam.” Matipid kong sagot habang nakatingin parin sa kanya, totoo ba talaga to? Hindi niya na ako naalala?
“Naz, ako si Alex, si ‘naz’, hindi mo ba talaga ako naalala?.” Habang hawak-hawak ko ang kamay niya.
“Pwede bang bitiwan mo ako? Hindi nga kita kilala, ilang ulit ko bang sasabihin yan sayo? 3 weeks na hindi mo parin ba nakukuha yun? Wala akong pakealam kahit ano pang gawin mo, lubayan mo na ako please… nakakapagod na to, ilang ulit ba kitang ipagtatabuyan para matanggap mo yun?.” Alam kong ang tanga ko na, ilang ulit nga ba niyang dapat ipamukha saking hindi siya yung naz na mahal ko, sabi ng isip ko, tama na, tama na yung tatlong linggong pagpapamukha niya sakin nun, pero sinasabi ng puso ko na hindi, siya si naz, siya si naz ko.
“At pwede ba wag mo akong tawaging naz? Hindi naz ang pangalan ko.” At kinalas niya yung pagkakahawak ko sa kamay niya, napaluhod nalang ako habang iniisip lahat ng pinagdaanan namin ni naz, nung birthday niya, nung huling beses kong narinig mula sa kanya na mahal niya ako, is this the sign I need to give up? No.. not until the real naz tells me to give up, parang hindi ko na kaya lahat ng sakit na nararamdaman ko araw-araw habang nakikitang siyang iniiwasan ako, gusto ko nang sumuko dahil parang bumubalik yung pakiramdam na iniiwan ako ng nanay ko.
Sa loob ng tatlong linggong yun, sinubukan ko lahat para ipaalala sa kanya yung ‘kami’ pero sa tuwing gagawin ko yung, ipinagtatabuyan niya ako, kaya ko pa nga ba to? Sabi nila sumuko nalang daw ako at maghanap nalang ng iba kesa pahirapan ko pa lalo ang sarili ko sa bagay na alam kong hindi na mababalik, pero nangako akong hindi ako bibitaw.. unless.. u-unless she tells me to, Kung sinabi niya lang sanang ayaw na niya, kung sinabi niya lang na di niya na ako mahal, kahit masakit, Ill be the one to let go..
“Naz, sabay na tayong umuwi” masigla kong anyaya sa kanya, susunukan ko parin kahit mukha na akong tanga,walang buhay na humarap sakin sabay sabing
“may sundo ako” tumayo narin siya’t lumabas na ng room, naiwan akong nakatayo habang pinagmamasdan siyang lumabas, kaya ko bang tiisin ang ganitong sakit ?
Sa araw-araw, nasasaktan ako kasi ganito yung pakikitungo niya sakin, mahal ko siya at sinabi niyang mahal niya rin ako, pero bakit ganito?
Parang anlamig na niya sakin,
“naz, tara tayo nalang sabay umuwi” anyaya sakin ng bestfriend niya.
Napapangiti ako tuwing naalala yung mga pagkakataong masaya kaming magkasama, na parang walang problema, hindi tulad ngayon, she’s so close yet so far to reach, she doen’t even say anything or show any signs, she’s far different from the ‘naz’ I knew, minsan nakakapagod nang isipin na ginagawa ko naman lahat, pero tuwing nakikita ko siyang nakikipagtawanan sa mga kaibigan namin, naiisip kong, ba’t di niya kayang gawin yun kasama ako, sinubukan kong kausapin yung parents niya, pero wala raw sila, nasa states, nag-iba narin yung address nila.
“naz, just try, try to remember please? I don’t want to give up on us, just say something…”napansin kong huminga siya ng malalim saka ako hinarap, emotionless, pero yung mga mata niya, they are telling me something
“Sige, uwi na ako”
“Naz, mahal kita! Ang sakit isiping parang wala ka man lang pakealam, sabihin mo naman oh?nagpapanggap ka lang ba? Naz ako to! Sinabi mong wag kong kakalimutang mahal mo ako.”
Tumigil siya pero hindi humarap at nagpatuloy sa paglalakad ng hindi man lang ako sinasagot.
Gabi-gabi nalang akong napapatulala at minsan di ko na namamalayang may tumutulo na palang luha galing sa mga mata ko, sobra na akong nasasaktan, tuwing maaalala ko kung anong meron kami noon.
2 araw nalang, anniversary na namin, hindi ko kakayaning mawala siya sakin pero nagmumukha na akong tanga sa kakasunod sa kanya, last na talaga to, pag wala pang nangyari, pipilitin ko nang iwasan siya,
“Naz, gusto ko lang namang makasama ka uli’t, na tumawa ka na ulit kasama ako, na sabihin mo sakin ulit na mahal mo ako, na wag mo na akong balewalain, masakit para sakin na iniiwasan ako ng nag-iisang babaeng mahal ko” habang nakaharap sa langit, oo, panghuli na to, kung gugustuhin niyang umalis na talaga sa buhay niya, gagawin ko na para sumaya na siya.
BINABASA MO ANG
Worth Letting Go
Teen FictionWho'll give up first? Love was never fair to the both of them but they fought. Just when they reached the point of giving up, they realized the love's worth. Who's the 'Naz' ?