After 3 weeks.

Kinalimutan na namin ni Jai ang nangyari, okay na kami. Wala ng away-away. 3 weeks na ang nakalipas..


"Ang tagal naman ni Shar" reklamo ni Jai, sabay tingin sa relo niya..



"5 minutes na lang late na talagaaa!" sabi nito sabay kamot sa ulo.




May nakita siyang babaeng bumaba ng sasakyan...Si  Shar yun.



"Ang tagal mo naman!" reklamo nito sabay hawak sa bewang.


"Sorry masama kasi----"

"Shar, okay ka lang?"

Dali-daling tumakbo si Shar sa CR ng girls para sumuka. Mukhang masama nga ang timpla niya ngayon.


Nag-aantay lang si Jai sa labas ng CR Girls..

"Ano? Kamusta?" tanong ni Jai


"May nakain lang siguro ako..Tara na?" yaya ni Shar kay Jai.



Recess Time....


Hindi magkasama si Jai at Shar ngayon dahil may training si Jai ngayon kaya't si Alexa ang kasabay ni Shar.


"Bes!! Ayan na ang carbonara mo!''


"Pwe!! Ano ba yan carbonara?! Ang baho naman panis na ata yan eh!' reklamo ni Sharlene


"Ayy! Ang arti naman neto. Oh ayan sayo na yang macaronni ko!"


"Isa pa toh!! Dyusko, napakabaho!! Pwe!! Ilayo mo nga sa akin yan!!" inarte ni Shar



"Arte mo naman.. Ang selan girl. Kanina nagsusuka ngayon naman.... OMG.. O M G .. O MY NASH.. OMG. BAKA!!... baka buntis ka shar!''



"ANOOOOO?! Alexa, hindi pwede. Hindi talaga.. Tulungan mo ko. Please magagalit si Daddy pag nalaman niya ito please!'' umiiyak at nagmamakaawa si Shar


Niyakap na lang siya ni Alexa. Si Alexa lang kasi ang bukod tanging sinabihan ni Shar sa nangyari.



CR.....




"Oh ano raw sabi?" natataranta na tanong ni Shar.


"Teka lang.." habang tinitig na titig si Alexa sa pregnancy Test


"Girl.... positive!" gulat ni Alexa


Nagulat si Shar at nalaglag ang panga niya sa narinig. Nauutal at naiiyak na siya.

"Huh?! Hindi pwede.. Hindi.. Try mo ulit!"


"Try?! Pang 5 na naten ito eh!"


"Alexa, hindi pwede!! Hindi.. Paano si Jai?! Magagalit si daddy.. Alexaaa!!" reklamo ng umiiyak na si Sharlene.



Niyakap na lang siya ni Alexa at sinabing hindi niya iiwan ito.



6 ng gabi...

6 na ng gabi ng natapos ang training nila Jai. Nagulat si Jai ng nakita niyang nasa labas ng gym si Shar at tulala


"Oh bakit andito ka pa? Tara na hatid na kita!" yaya nito.


"Jai buntis ako!"



Natigilan si Jai sa pag kuha ng mga gamit ni Shar sa narinig na sinabi nito


"Babe, hindi magandang biro yan"



"Jai, hindi ako nagbibiro. Buntis ako, yung kaninang umaga diba nagsusuka ako nung break time, at nung nag try ako ng pregnancy test.... POSITIVE JAI!! POSITIVE!!!" umiiyak na sinabi ni Sharlene



"Ha?! Ano?! Shar hindi pa ako handa. Hindi pa ako ready. Ipalaglag na lang natin. Nag-aaral ka pa, nagaaral pa ako may mga pangarap pa tayo sa buhay"



Sinampal ni Shar si Jai,

"Eh gago ka pala eh!! Jai, hindi ko pwedeng ipalaglag ito. Ano bubuntisin buntisin mo ko tapos hindi mo ko pananagutan!"


"Shar.. Komplikado.. Komplikado talaga. Magagalit daddy mo, hindi pa tayo tapos sa pag-aaral..Paano kita bubuhayin, paano ko bubuhayin ang anak naten?"


"Anong gusto mong sabihin?! Na hindi mo ko pananagutan. Diyan ka magaling Jai eh, ang lusutan ang problema. Jai bata to. Buhay ng anak natin nakasalalsy rito. Hindi ito simpleng basketball lang..."



"Shar.. I'm sorry.. Hindi ko talaga-"

Hindi na natapos ang sinasabi ni Jai nang bigla siyang sampalin ni Sharlene.

"DUWAG!"



It's too late (Jailene OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon