Simula

7 3 0
                                    


Simula

=KATHRYN=

"Isang mapagpalang hapon sa ating lahat narito tayo upang tunghayan ang pagtatapos ng ating mga mahal na mag-aaral sa sekondarya"-rinig kong sabi ng emcee

Nandito kami ngayon sa likod ng entablado kung saan gaganapin ang aming pagtatapos. Habang abala ang aking mga kamag-aral sa pag-kabisado ng kanilang mga sasabihin ako naman laging sumisilip sa labas. Sana makarating sila. Ang aking mga magulang at kapatid

"Ohh my gulay kinakabahan ako"- sabi ni Sharlene isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan.

"Kumalma ka nga para namang andaming manonood sa atin eh"-sabi ko sabay hagod sa kanyang likod sana lang ay di na sya kabahan dahil kapag ganun baka pati ako mahawa

tsk

"Eh kasi naman pupunta daw si Nash dito ehh kinakabahan ako! anong gagawin ko Kathryn?"

"Eh diba nga anak sya ng mayor...expect mo ng pupunta sya dito tsaka nasaan na ba si Janella baka hindi na sya tumuloy huh"-sabi ko dahil batid kong pati sya ay nag-aalala na rin sa isa pa naming kaibigan

Kumpara sa aming tatlo si janella ang pinaka-angat sa larangan ng pamumuhay hindi naman kami ganoon kahirap sapat lang ang kinikita ng aking mga magulang sa pagsasaka upang kami ay mabuhay marahil iyon ang dahilan kung bakit hindi pa sila dumarating. Sa pag-aasikaso sa aming maliit na lupain

Tatlo kaming mag-kakaibigan mula noong elementarya. Matibay ang aming naging pundasyon sa pagbuo ng aming pag-kakaibigan na hindi masisira ninuman

"Hi girls sorry late ako sa call time natin huh andun kasi yung parents ko ehh..."

Dumating rin sa wakas si Janella. Sya yung tipo ng babaeng sikat sa school namin na kung tawagin ay 'it girl' kuno?
Maganda,maputi,matangkad,matalino at syempre mabait kami naman ni Sharleen simple lang may pagkaka-iba lang kami ng ugali masyadong malakas ang energy nya kumpara sakin kaya nga nagtataka ako ngayon hindi naman kasi sya yung tipong mahiyain

"Oh nandyan ka na pala janelle kamusta ang naging pag-uusap nyo ng parents mo? Ano raw? Makakapunta ba sila?"-sunod na sunod na tanong ko

"Iwan? Hahabol nalang raw sila kapag may oras pa, nga pala makakapunta raw ba kayo ni Sharleen sabi ni mommy?"

Hindi ko na napagtuunan ng pansin ang Tanong ni Janelle dahil dumating na yung mga inaasahan ko. Sila mama. Agad naman kaming pumunta roon sa kinaroroonan nila. Sumama sakin si Sharleen dahil nadun rin yung mga magulang nya.

Isa sa mga trabahador namin yung magulang ni Sharleen. Matalik na magkaibigan yung parents namin kaya hindi sila naghihiwalay

"Ma,pa mabuti at nakarating kayo"

"Oo nga eh ito kasing tatay mong magaling nag-abang pa ng jeep pwede naman kaming maglakad malapit lang naman tong school nyo nak eh"

"Mahal para bongga..graduation to ng anak natin eh"

Nakita ko ang ang pamumula ng pisngi ni mama sa sinabi ni papa na mahal

That Summer (Summer Series No.1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon