[9]

18 1 0
                                    

ayun nga hinatak ko sila papunta sa palengke silang apat. papalag pa dapat si jolibee eh wala rin siyang nagawa kasi wala silang dinner pag di sila sumama! 

"usapan magluluto ka lang ng dinner eh, hinatak mo pa kami dito" -Jolibee

"sana kasi bago mo ko dinala sa condo niyo sinugarado mo munang may lulutuin ako di ka rin nagiisip eh! may barya ba kayo?" kasalukuyan kaming nasa jeep papunta sa palengke 

"o eto na ibayad mo jess o" -Lucas

"500? wala na bang ibabarya yang mga pera niyo? singkwenta lang ayos na eh"

"bat kasi nageexpect kang may barya kami pambayad ng jeep? nakita mong may mga kotse kami eh" -jolibee

"oh edi kayo na mayaman letche to ako na nga lang magbabayad. bayaran niyo to mamaya ha wala akong pamasahe pauwe. manong bayad ho o lima palengke lang" inabot naman ni kuyang chinito yung bayad ko namin pala. makalipas ang ilang minuto naka baba na rin kami sa palengke. halata naman na diring diri sila sa wet and dry market halatang halata naman kasi sakanila na hindi sila nagpupunta sa ganitong lugar.

"ganito ba talaga dito jess kadiri ang putik" - Arnold

"arte naman lalaki ba talaga tsk tsk mga nak mayaman nga naman" dumiretcho na ko sa loob ng palengke naghahanap ako ng pwedeng ulamin pero wala naman akong maisip na pwedeng ulamin nila. ako pwede ako ng kahit ano eh sila? arte nitong mga to eh

"ang ingay naman dito bilisan mo na nga bumili!" -jolibee

"arte nito edi maglista ka ng noisy jan para manahimik sila! ano ba kasi gusto niyong ulamin?"

"adobo nalang tayo Jess!" -Lucas

"game! adobo lang pala eh tara dun sa babuyan!" nauna kong maglakad sakanila kasi di naman nila alam ang pasikot sikot sa palengke dito. antagal nilang makasunod sakin pano lahat ng madaanan iniinspeksyon nila parang mga bata eh 

"jess ano to? bat kulay pula yung isda?" - Arnold

"dalagang bukid yan"

"dalaga ba talaga to? pano kung lalaki to? edi binatang bukid ganon?" -Arnold

"tanga mo talaga tol! tara na Jess yaan mo tong si Arnold" naglakad na palayo si Glen sumunod naman ako.

nakapamili na ko ng mga kakailanganin ko para makapagluto ng adobo. si jolibee nagbayad ng lahat since idea niya to at si lucas naman ang nagbitbit. pinagtalunan pa ni lucas at arnold kung sino ang magbibitbit pero sininghalan sila ni jolibee kaya gumive up nalang si arnold at si lucas ang may bitbit ng mga pinamili ko.

"Glen tawag ka trike" utos ko kay glen

"huh pano ba?" -Glen

"pati pag tawag ng trike di niyo alam? psh. sumipol ka pag may lumingon tawagin mo na" sinunod nga ni glen yung utos ko kaya nakasakay na kami agad. pagdating sa condo nila sumalampak agad sa sofa yung mga lalaking kasama ko aba? walang pagtulong sa katawan?

"uyy di niyo manlang bako tutulungan?" sumilip ako mula sa kusina at nagvivideo games nanaman sila haaay kailangan nilang matuto ng gawaing bahay. pano nalang kung magpamilya sila? wala manlang silang alam?

"kaya mo na yan. kaya nga kita dinala dito para ipagluto kami diba?" sigaw naman pabalik ni jolibee na hindi inaalis ang tingin sa video games.

"psh bahala nga kayo" bumalik nalang ako saloob ng kusina par amagluto. naghihiwa ako ng patatas para sa sahog nung adobo nung mahiwa ko yung daliri ko tanga lang.

"ouch shit" napalakas ata ako ng sigaw kasi lumapit silang apat para tignan kung anong nangyari

"bakit? anong nangyari? ayos ka lang? andaming dugo ah" lumapit si Arnold sakin tapos ininspeksyong yung sugat ko

"ayos lang ako teka yung adobo masusunog na di ko pa nahahalo yan" lalapit na sana ako dun sa kalan para haluin yung niluluto ko pero pagkalagpas ko kay Jolibee hinatak niya ko sa braso at pinaupo sa isa sa mg aupuan sa dining table. napatingin naman ako sakanya

"tanga ka ba? magluluto ka ganyan yang daliri mo? gsuto mong mapunta sa pagkain yang dugo mo? magisip ka nga" umalis siya saglit at pagbalik niya may dala na siyang medicine kit at ginamot niya yung sugat ko 

"maghihiwa nalang kasi di pa ayusin eh" -Jolibee

"bumubulong ka nanaman jan bubuyog ka talaga" -ako

"sa susunod nga magingat ka para kang bata eh, napakareckless mo"

"grabe ka naman naghiwa lang ng patatas reckless agad?"

"wag mo kong pilosopohin wala ako sa mood ah"

"o sorry na aray! dahan dahan naman mahapdi kaya!" diinan daw ba kasi yung paglagay ng alcohol

"sorry" hinipan niyayungdaliriko para mawala yung hapdi. nagulat naman ako kasi marunong pala siyang magsorry?

"o ayan na tapusin mo na yung niluluto mo nang makaalis ka na" binitbit na niya palabas yung medicine kit at ako naman ipinagpatuloy ang pagluluto. after 30 mins luto na at ready to eat na!

"KAINAN NA!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

opposites attract ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon