Mahalin mo lang ako ng totoo, kahit may gwapo pang dumaan,
Pipikit talaga ako.
Kung naghihintay ka ng magmamahal sayo,
Sandali naman dahil kakagising ko lang.
Sana naging damit na lang ako,
Para kahit minsan, itry mo kung bagay ako sayo.
Kung wala kang maisip na iregalo sa taong mahal mo.
Halikan mo na lang. Tapos sabihin mo..
“Kung ayaw mo, ibalik mo na lang”
Ang pagiging cute ay di nakikita sa panlabas na kaanyuan.
Dahil ang pagiging totoong cute ay nakikita sa paglabas ko ng pinto.
Hindi mo pa nga ako binabato, tinamaan na ako sayo.
Ang pagmamahal ko sa EX ko ay parang ulam namin kanina.
UBOS NA!!!
Kapag ba, umupo ako sa tabi mo tapos may umupo sa gitna natin,
Ibig sabihin ba nun may namamagitan na satin?
Para daw ma inlove ka, kailangan daw kitang mapatawa.
Pero bakit sa tuwing tumatawa ka, ako ang lalong naiinlove sayo.
Isusulat ko sa isang malaking kahoy na mahal na mahal kita.
Tapos ihahampas ko sayo para damang dama mo talaga.