Kahit ilang beses pa akong masaktan dahil sayo, di kita iiwan, di ako susuko. Dahil kung may 100 dahilan para iwan ka, hahanap pa rin ako ng isang dahilan para ipaglaban ka
Matagal kong tinagong mahal kita. Ginawa ko ang lahat para sayo. Binigay ko na pati puso at kaluluwa ko pero hindi mo pa rin ako napansin. Ang masakit pa dun, nang naglakas loob akong sabihin sayong mahal kita, ang sinabi mo lang, “Ows? Talaga?”
Nagseselos ako sa mga taong nagiging malapit sayo. Lalo na at wala ako. Hindi naman sa selfish ako o possessive. Takot lang akong maging masaya ka sa iba at makalimutan mo kung paano kita napasaya.
Sorry kung hanggang ngayon nami-miss pa rin kita, sorry kung hanggang ngayon masaya ako pag naalala ka. Sorry kung hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita, sorry kung ganito pa rin ang nararamdaman ko sayo kahit na sinabi mo na wag na akong umasa.
Simpleng lovelife lang naman ang gusto ko. Tama na sakin yung mahal mo ako at mahal kita. Yung makasama ka hindi man araw-araw, pero siguradong may oras tayo para sa isa’t isa. At syempre yung pangako natin na “tayo lang at wala ng iba”.