Chapter Two - Via's Secrets Were Revealed

156 4 1
                                    

Yes, I’m inlove with my bestfriend.

Isang bagay na hindi ko maintidihan kung bakit. Kung paano nangyari. Kung totoo pa bang na-fall na ako sa kanya.

Baka nga dahil sya lagi yung nag cocomfort sakin tuwing may problema ako. At ganun di naman ako sa kanya.

Pero normal lang yun sa mag ‘Bestfriend’.

Pero bakit, ako nasasaktan tuwing nakikita ko silang dalawa ni Sab. Bakit ako natitigilan kapag bigla nalang yayakapin ni Sab si Jerome. Bakit ako nagseselos sa kanilang dalawa?

Isang araw ang nagpakumpirma sa akin sa nararamdaman ko ito.

*flashback*

Pupunta ako ngayon sa bahay nila Sab. May group study kami para sa exam sa Chemistry. Kaming apat nila Jerome at Jane, isa ko pang close friend. Hindi makakapunta si Luis dahil may practice ang basketball varsity. 

Para akong balisang ewan.

Ang tahi tahimik ko. Di ako maka imik tuwing nag uusap yung dalawa. Parang nanonood lang ng isang love story sa pelikula.

Nagtatawanan kasi yung dalawa. Barahan, biruan at kung ano ano. Para ngang sila lang dalawa ang tao. Nahiya naman kami ni Jane.

Bigla nalang dumating yung makulit na kapatid ni Sab, si Christine, younger sister. Ang kulit kulit. Paikot ikot habang nag aaral kami.

Sobrang na upset si Sab at napaiyak.

One thing I hated about Sab. Pagiging iyakin nya. It’s just so irritating. May isang movie lang na may namatay, iiyak na. Pati nga kay Rizal, naiiyak sya. Kahit maliit na bagay iniiyakan nya. Hindi ko masabing naiinis ako dahil I’m sure muka naman akong masama, sya na nga tong naiyak. Sya pa ‘tong pagsasabihan ko.

Minsan tuloy, ginagawa nya lang yun just to seek others’ attention.

Anyway. There she goes.

She cried again and of course, Jerome will be the first person to comfort her. As a friend, pumunta ako sa kanya at inabutan ng favourite nyang ice cream. Just to make her feel better.

At buti nalang hindi ako sumabog sa selos.

*end of flashback*

May aaminin ako.

Naiingit ako kay Sab.

She has everything and everyone.

Mayaman, maganda, matalino.

It’s just a very wrong idea to envy her. Di ko alam kung bakit. Pero naiinis ako sa tuwing icocompare ako sakanya.

*flashback*

Sabay kaming mag o-audition ni Sab para sa drama club. May school play kasi at parehas naming gustong makasali sa main cast nito. Parehas kaming ang audition para sa role ng leading lady.

Acting ang talent ko. At parehas kaming magaling ni Sab doon.

“We chose Ms. Via Villanueva to be the leading lady for the school play!”

Nalungkot ako dahil nakita ko ang disappointment sa mga mata ni Sab. Na nag papanggap nalang syang masaya para sa akin dahil gusto nya ring makuha iyon.

Natapos ang school play at alam ko sa sarili ko  na nagampanan ko ng maayos ang role ko.

“Sino yung gumanap na Anna?” rinig kong sabi ng isang fourth year

“Ah, Via ata pangalan?”

“Sana si Sab nalang yung gumanap na Anna. Hindi bagay dun sa Via eh”

“Oo nga, siguro mas maganda kung si Sab yun.”

“Mas magaling pa si Sab dun”

*end of flashback*

Nakakalungkot kasi walang bagay na makikilalang magaling ako,  bilang ako. Dahil lahat ng kaya kong gawin ay nahihigitan ni Sab.

Sana man lang kahit sa isang bagay, makilala ako. Hindi nalang lahat sa kanya. Lahat ng atensyon kuha nya.

Kahit ang bestfriend ko, sa kanya na rin.

Wala naman akong magagawa. Bestfriend lang ako. Sya ang mahal.

Kahit anong gawin ko, isa lang akong hamak na bestfriend. Kaibigan at hanggang doon lang iyon.

Mahal ko sya higit pa sa kaibigan. Pero ayokong masira ang friendship na meron kami.

Mas hahayaan ko nalang masaktan ang sariili ko habang nakikita silang dalawa kesa naman malaman nya ang sikreto ko at layuan nya ako at tuluyang masira ang pagkakaibigan naming dalawa.

Minsan naisip ko.

Kung ako ba si Sab? Mamahalin pa kaya nya ako?

Me As HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon