Chapter Three - Mysterious Year End Party

125 2 0
                                    

Magkakaron kami ng Year end party mamaya. Buong section namin. Napagkasunduan naming at ng mga parents na mag tour sa northern part ng Luzon. This is the best year end party, I think. Mas Masaya pa to sa field trip.

Nag rent ng bus para sa buong section namin at ang saya dahil lahat kami kasama. May ilang parents lang ang sumama para bantayan kami. Kasama rin ang adviser namin.

Ilang oras rin ang biyahe dahil medyo malayo layo ang destinasyon namin. Katabi ko nga pala sa bus si Jane. At syempre, katabi ni Sab si Jerome.

“Selos ka?” biglang nagsalita si Jane

“Tao ako, ano ka ba”

"I-deny mo pa, selos na selos ka oh. Kanina ka pa tingin ng tingin sa kanila no!”

Isang tao lang ang nakakaalam ng sikreto ko. Si Jane Guevarra. Siya yung parang bestfriend kong babae sa tropa namin. Siya yung napagsasabihan ko ng problema ko kapag wala si Jerome, o di naman kaya, tungkol kay Jerome.

“Eh, kasi….” Tumungo ako sa balikat ni Jane

“Ayos lang yan. Marami pang ibang unggoy dyan” biro nya

“Anong nangyare?” napansin kami ni Sab

Bigla akong umayos ng pagkakaupo.

“Best, ayos ka lang?” sabi ni Jerome

“Huh, ako? Oo.” sabi ko sa kanila sabay ngiti

“Eh, di kaya! Ano kasi? Ginagaya mo nanaman si Sab eh!” sabi ni Jerome

Badtrip ah?! Oo na. Lahat na. Lahat nalang ng gagawin ko. ‘Sab’ lahat nalang ikikilos ko ‘Sab’.

Tumahimik nalang ako. Nag bisibisihan at nag laro ng Zombie Tsunami sa cellphone ko.

“Guys, Andito na tayooo!” sigaw ni Rommel, class president namin.

Bumaba na kami at… at…

Ang lamig.

May mga tour guides na sumalubong sa amin. Puro mga caves ata ang pupuntahan namin ngayon. Takot pa naman ako sa mga ganun. Feeling ko mawawala ako sa loob o kaya may bigla nalang mahuhulog na paniki sayo.

“Via!” biglang tumabi sa akin si Jerome

“Oh? Nasan na si Sab?” tanong ko

“Andun eh, kasama nila Phil”

“Wushuuu. Selos ka naman” pang asar ko. May gusto rin kasi si Phil kay Sab eh.

“Waaa. Oo. Hinde joke lang. Hindi ako nag seselos!” Ano ba ‘to fake smile nalang lagi.

“Eh ikaw! Anong problema mo ha!? Nag seselos ka din naman eh!” nagulat ako sa sinabi ni Jerome

“Selos? Kanino naman?” Oo nagseselos ako sainyo.

“Kay Ned at Trisha” Si Trisha Mendez, isa pang babaeng may gusto kay Ned, mag kaibigan sila. Close friends di tulad ko. Siya yung napapabalitang nililigawan ni Ned.

“Psh. Paki ko sa kanila.”

“Asus, ginagaya mo nanaman si Sab!”

“Nevermind…” bulong ko sa sarili ko, kunwari nalang di ko sya narinig. Naiirita na kasi talaga ako sa tuwing I cocompare ako sa kanya. Nakakasawa na. Binilisan ko nalang ang lakad ko.

Me As HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon