CRAZY FOUR ang grupo na binubuo ng apat na babaeng puro kalukohan ang laman ng utak. Meet LHES, the antagonist, hilig niya ang kontrabida role. Ayaw niya kasi sa mga babaeng mahihina at inaapi api lang. Gusto niya yung siya yung nang-aapi. Wala pa siya ni isang naging kaibigan sa school. Mataray kasi siya at harsh mag salita kaya walang nagtatangkang makipagkaibigan sakanya. Well, wala rin naman siyang pakialam dahil wala siyang panahong makipagplastikan sakanila. ANGEL, the tough girl. Wala siyang inuurungang laban, kahit hamunin mo siya ng suntukan hinding hindi ka niya aatrasan. Prangka siya kung mag salita at ayaw na ayaw niyang kinakaawaan siya. NOV'Z, the childish one. Tahimik kung tingnan ngunit may kalukohan ring taglay. Hindi mo maiisip na kaya niyang gumawa ng kalukohan dahil may pagka-isip bata siya. She loves playing games and doing pranks. JHOY, the drama queen. Kung si Lhes gusto ang kontrabida role siya naman gusto niya yung bida role. Sabihin na lang natin na siya ang medyo mabait sa grupo.
Mag kakaiba man sila ng pag uugali hindi yung naging hadlang upang magkasundo sila at makabuo ng matibay na samahan. They are always happy, sama-sama sa kalukohan. Walang pinoproblema, walang drama, talagang masaya lang sila. Walang sino man ang makakatibag sa samahang nabuo nila.
Ngunit paano kung makatagpo nila ang PRINCE JOHN's? Apat na lalaking mag kakaiba rin ang pag uugali. Si JB, the silent type. Mas pipiliin niya pang mag basa ng libro kaysa kausapin ka. Si REIGH na ubod ng sungit na akala mo palaging may PM's. Si JAX na daig pa ang babae sa kaartehan. At si JK na ubod ng yabang at puro pang lalandi ng babae ang nasa utak.
Paano nila pakikisamahan ang bawat isa kung sa una pa lang nilang pagkikita ay hindi na nila magawang magkasundo? Ano kaya ang papel na gagampanan ng PRINCE JOHN'S sa buhay ng CRAZY FOUR? Sila ba ang magpapatino sa mga utak nitong walang ibang maisip kundi ang gumawa ng mga ka lukohan. Sila kaya ang magpaparamdam ng mga emosyong hindi pa nila nararamdaman? O sila ang magiging dahilan upang mabuwag ang magandang samahang nabuo ng apat?
BINABASA MO ANG
REAL FRIENDS(the crazy four)
Teen FictionThis story is about friendship, love, comedy, drama and crazyness.