CHAPTER ONE

37 2 1
                                    

LHES POV

"Tabi! Dadaan ako!" inis kong sigaw sa mga estudyanteng nakaharang sa daraanan ko. Agad naman silang napalingon saakin na para bang ngayon lang sila nakarinig ng sigaw. I raised my left eyebrow.

"What? Ngayon lang kayo nakakita ng magandang sumisigaw?" I asked sarcastically. Agad naman silang napaiwas ng tingin at humawi para makadaan ako. Mga pangit na to! Alam mo ng daanan dito pa napiling mag daldalan. Psh. If I know nag papayabangan na naman yan ng mga lugar na pinuntahan nila nung bakasyon. So cheap!

Taas noo akong nag lakad sa gitna ng daan at ramdam na ramdam ko na naman ang mga matang nakatingin saaken. Akala mo naman ngayon lang nakakita ng maganda. Palibhasa mga lahi sila ng unggoy kaya ang papangit at ako naman lahi ni maganda at malakas kaya maganda ako. MAGANDANG DIYOSA! ano angal ka?

I stopped in front of the bulletin board and looked for my section this year. I hope magkaroon na ako ng normal na classmate, not like before na super tahimik. Like duh? Mukha bang patay na yung teacher at pinaglalamayan na nila? Tss.

Kakaiba kasi dito sa school. Para siyang Catholic school na nag tuturo ng 'kagandahang-asal' kaya mababait daw at 'respitado' daw kuno ang mga pumapasok dito. Respitado their face! Ang sabihin mo mga PLASTIC. Santa-santina ang peg nila ganun. Yun bang pa enosente. Yung akala mo hindi marunong gumawa ng kalukohan. Yung mga friendly. Friendly kapag may hinihinging pabor tch.

In my 4 years of studying here in this school alam na alam ko na ang pag uugali ng mga estudyante dito. Wala silang ibang ginawa kundi ang mag payabangan, mag payamanan at mag plastikan.

Kaya kahit isa wala akong naging kaibigan dito dahil hindi ako marunong makipag plastikan. Totoo akong tao, pinapakita ko kung ano ang tunay na ako.

After kung malaman ang section ko nag lakad na ako papunta sa classroom.

Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito at akmang titingnan nung biglang may pesteng bumangga saaken na naging dahilan upang mabitawan ko yun at tumilapon sa sahig.

Sakto pang patihaya yun bumagsak kaya nabasag yung screen. WTF! Ang mahal pa naman nun. Tiningnan ko ng masama yung bumangga saaken at mas lalo akong na inis nung makilala ko kung sino ito.

"What the hell! Looked what you did bitch!" Sigaw ko kay Beabitch I mean Beatrice na ngayon ay nakayuko na para bang natatakot saaken.

Meet Beatrice Callante, ang pinaka kina-iinisan kong tao dito sa school.Ang pinakamabait daw,matalino, masipag, SUPER friendly, responsible at kung anu-ano pang magandang katangian na di naman totoo. Dahil para saken isa lang naman siyang plastik na pakalat-kalat kaya dapat tinatapon sa basurahan.

"s-sorry. hindi ko s-sinasadya." Nakayukong paumanhin niya saaken. I rolled my eyes. Oh here she goes again. Paawa effect na naman siya dahil maraming nakatingin saamin ngayon.

"Sorry?! Mabubuo ba ulit ng sorry mo ang nabasag kung celphone?!"

"N-no. Pasensya na talaga L-Lhes. I didn't mean it." Hinawakan niya pa ang braso ko habang nakayuko parin na para bang sinasabi na hindi niya talaga yun sinasadya. Agad kong hinila ang kamay ko at tinulak siya. Sinadya ko talagang lakasan yun kaya natumba siya at napaupo sa sahig.

REAL FRIENDS(the crazy four)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon