CHAPTER FOUR

6 0 0
                                    

LHES POV

Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nakaganti ka sa kaaway mo. Hanggang ngayon nga ay di pa rin mawala-wala ang ngisi sa labi ko kahit na nag lalakad ako ngayon papunta sa Dean's office. Kanina kasi habang nagtuturo yung first subject teacher namin pagkahapon biglang pumasok yung secretary ng Dean at pinapapunta daw ako sa office. Malamang nalaman na ng mga iyon yung ginawa kong karumaldumal kay bitch.

Ano na naman kaya ang parusang ipapataw nila saakin? Oh well, I'm sure malulusutan ko nanaman yun. Ako pa ba?

After a few minutes nandito na ako sa tapat ng Dean's office. Hindi na ako nag abalang kumatok at nag dire-diretso na ako papasok. Bakit ba? Magalang ako eh.

Halata ang gulat sa mukha ng mga taong nandito sa loob  nung makita ako. Naramdaman ko agad ang masamang tingin saakin ni Dean Balnea. Ang Dean naming ubod ng taba.

"Don't you know how to knock miss?" She asked while glaring sharply at me. I smiled at her sweetly.

"Sorry Dean. I forgot." Iniripan niya lang ako. Kapal ng tabachoy na to umirap, akala mo naman kung sinong maganda.

Okay Lhes, relax! Wag mong patulan yan. Dean yan, tandaan mo!

"I believe you already know why I asked you to come here in my office." Panimulang tanong niya saakin.

"Hindi ko nga po alam eh. Bakit po ba?" Maang-maangan ko habang naglalakad papunta sa upuang  nandoon sa mag kabilang gilid ng table niya. Nilibot  ko ng tingin ang paligid at doon ko napansing hindi lang ako ang estudyanteng naririto sa loob. Sa right side nitong office may tatlong babae ang naka-upo sa couch.

Yung isa nakasandal lang at naka cross legs. Naka headset pa siya at nakapikit. Kung titingnan mo siya parang wala siyang pakialam sa paligid niya. Yung nasa gitna naman ay nakahawak lang sa cellphone niya. Halatang naglalaro siya dahil medyo malakas yung sound ng cellphone niya at mukhang dalang-dala siya sa nilalaro niya dahil di niya man lang napapansin ang masasamang tingin sakanya ni Dean. Yung isa naman ay palingon-lingon sa paligid. Mukhang hindi siya mapakali at halatang kabado. Mukhang ngayon lang yata siya nakapasok dito.

Sino naman kaya ang mga babaeng to? Transferee kaya sila? Parang ngayon ko lang sila nakita, pero parang pamilyar saakin yung isa.

Tumingin naman ako sa left side at may tatlo ring naka-upo doon. Yung isa. Yung matandang teacher na namumula ang mukha at ang sama-sama ng tingin doon sa babaeng naglalaro sa cellphone niya. Yung pangalawa naman ay yung lalaking may black eye at pasa sa mukha. If I'm not mistaken siya yung pamangkin ni Dean Balnea  na sobrang hangin. Kanino naman kaya ito nakipag-away?

Sunod kong tiningnan ay yung katabi niya. Napatakip ako bigla sa bibig nung makilala ko kung sino ito. Nanlilisik ang mapupula at namamagang mga mata nito habang nakatingin saakin ng ubod ng sama at doon ko na talaga hindi napigilan.

Napatawa ako bigla ng malakas.
Napahawak pa ako sa tiyan ko dahil sumasakit ito sa sobrang pagtawa ko. Kulang na nga lang ay gumulong ako sa sahig. Nakita ko kasi si Beabitch.

Basang-basa ang damit niya at sobrang gulo ng buhok, namamaga ang mga mata dahil yata sa kakaiyak. Kung titingnan mo siya ngayon mukha siyang bruhang nirape ng pitong kapre. Sobrang sama pa ng tingin niya saakin na para bang gusto na akong patayin sa kinatatayuan ko ngayon. Natigil lang ako nung biglang mag salita yung Dean.

"What are you laughing at miss Carranza?" Nakataas kilay niyang tanong saakin.

Gosh! Sumakit ang panga ko doon ah. Ngayon na lang yata ako nakatawa ng ganoon kalakas. Nawala yata yung poise ko dun ah. Oh well, maganda pa rin naman ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

REAL FRIENDS(the crazy four)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon