ANGEL'S POV
Tahimik akong kumakain dito sa loob ng cafeteria. Nasa pinakadulong table ako nakapwesto at ako lamang ang mag isa. Mukha ba akong loner? The hell I care tss.? mas pipiliin ko pang mag isa kesa makisama sa mga taong maiingay. Ayuko kasing may nag iingay habang kumakain ako.
Kasalukuyan akong umiinom nung biglang bumukas ang pinto at may pumasok na masamang hangin. Biglang nawala ang ingay at napalitan ng bulung-bulongan.
"Oh my gosh girls! He's here."
"He's so gwapo talaga."
"OMG! Papunta siya dito. Wait! How do I look? Maganda ba ako?"
Bulung-bulongan pa lang ng mga babaeng to. Alam na alam ko na kung sino ang pumasok. Walang iba kundi si Renzo Natividad. Ang tinaguriang campus badboy nitong school. Wala siyang ibang ginawa kundi ang makipag-away at mambully ng mga estudyante. Anak kasi siya ng may ari nitong school kaya malakas ang loob niyang gawin ang mga iyon. Kahit ganun ang image niya dito marami pa ring babae ang nahuhumaling sakanya.
Napaismid ako nung makita kong inagaw niya yung tray nung lalaking kakatapos lang umorder. Tss bully talaga.
Inalis ko ang tingin ko sakanya at nag patuloy sa pagkain. Wala akong pakialam sakanya.
Napatigil ako sa pagsubo nung biglang may bumagsak na tray sa may table ko at may lalaking walang pakundangang umupo sa harapan ko.
Kunot noo ko itong tiningnan at napasimangot ako nung makita ko ang nakangising pagmumukha ni Renzo. WTF! Sa dami ng pwedeng maupuan dito pa talaga sa pwesto ko napili.
"Hi babe. Do you mind if I sit here?" Nakangisi niyang tanong saakin.
Walang gana ko lang itong tinapunan ng tingin at nag patuloy ulit sa pagkain. I heard him cussed atsaka bumulong ng "shit! Did she just ignored me?" Napangisi ako ng kunti. Hindi kasi siya sanay ng hindi napapansin. KSP kasi siya.
"Aren't you going to answer me?" Hindi ko ulit siya pinansin.
"Oh well, bakit pa nga ba ako nagtatanong? Alam ko naman na gustong-gusto mo akong makasamang kumain eh."
Ang kapal talaga ng lalaking to. Ang sarap ingudngod ang pagmumukha sa salamin para malaman niyang hindi naman siya kagwapuhan.
"Anyways, How are you babe? Almost two months din tayong hindi nagkita eh. I've missed you babe, did you missed me too? Oh, why am I even asking that? I know that you've missed me--"
"Will you shut up?! You're so annoying! At ilang beses ko bang dapat itatak diyan sa maliit mong utak na wag mo akong tatawagin niyan." Singhal ko sakanya. Peste! Mukha ba akong baboy para tawagin niya akong babe?!
"Bakit ba ayaw mo? Ang dami daming babaeng nangagarap na tawagin ko niyan tapos ikaw ayaw mo?"
"Wag mo akong itulad sakanila dahil iba ako."
BINABASA MO ANG
REAL FRIENDS(the crazy four)
Teen FictionThis story is about friendship, love, comedy, drama and crazyness.