NOV'Z POV
*prrrrt*
"Hoy! Anong ginagawa mo diyan? Bawal yang ginagawa mo!"
Muntik na akong ma out of balance sa kinatatayuan ko nung marinig ko ang pito at pag sigaw saken nung guard.
'Waaahh! Lagot nahuli ako'
Dali dali akong bumaba sa pader nung makita kong papalapit na saken si manong guard.Pagkababa ko humarap ako sakanya. I grinned playfully then nag peace sign.
"Hi po manong guard! Good morning! Ang gwapo natin ngayon ah." I cheerfully greeted at him, pinuri ko pa siya baka sakaling mag bago ang mood.
Pero hindi niya ako pinansin at masama parin ang tingin saaken. I gulped. Lagot! Kakainin niya yata ako ng buhay. Oh no! Dapat makaalis na ako dito. Bago pa siya makalapit kumaripas na ako ng takbo.
"Bye po! Hehe" sabi ko sabay karipas ng takbo. Hinabol niya naman ako.
'Waaahh! Tulong! May monster.huhu'
"Tigil! Tigil!" Sigaw nung guard habang hinahabol ako. Mas lalo ko naman binilisan ang pag takbo. Hindi niya dapat ako mahuli. Kundi lagot ako!
Naman kasi eh! Ilang beses ko na yung ginagawa tapos ngayon pa ako nahuli. Bakit ba kasi lagi na lang akong nalilate? Sinusubukan ko naman gumising ng maaga pero nakakatamad talaga bumangon.
Dahil nga first day of school ngayon syempre super excited akong pumasok. Sa sobrang pagka excite ko nga na late ako hahaha.
At dahil sarado na yung gate umakyat na lang ako sa pader kagaya ng lagi Kong ginagawa pag nalilate ako. Kaso malas yata ako ngayong araw kaya nahuli ako ni manong.
"Tumigil ka sabi!" Sigaw nanaman ni manong saken habang pumipito parin.
Napapatingin saamin ang mga estudyanteng nadadaanan namin. Tiningnan ko si manong at malayo na agwat namin. I smiled sheepishly.
"Manong guard! Wala na bang ibibilis yan? Bagal niyo eh. Palibhasa tanders na! Bakit di pa po kayo mag retire?" Sigaw ko rin habang tumatawa ng malakas. Tumatakbo parin ako ng mabilis. Wooooh! Exercise na rin to!
"Aba't! 'Tong batang to! Pag nahuli kita lagot ka saken!"
"Kung mahuhuli niyo ko! Bleh! Hahahaha"
Lumusot ako ng lumusot sa mga estudyanteng nakakasalubong ko. Sa dami ng estudyante ngayon imposibleng mahabol pa ako ni manong guard na uugod-ugod na. Hanggang sa umabot ako sa second floor, saktong pagliko ko nung may mabangga akong babae. Pareho pa kameng muntik matumba sa lakas ng impact.
"Ano ba! Look where you going!" Inis na sigaw saaken nung babaeng nabunggo ko.
BINABASA MO ANG
REAL FRIENDS(the crazy four)
Teen FictionThis story is about friendship, love, comedy, drama and crazyness.