2
SHIN's POV
Buong baryo na namin ang pinuntahan ko para maglako pero wala talagang bumibili..
Kailangan kong mabenta to para sa pagkain namin!
Tama!
Di ko nga pa pala nababalikan si Aling Alicia!
Baka papakyawin na nya ito ngayon!...
Napagpasyahan kong pumunta sa Rest House na binabantayan ni Aling Alicia..
Tutok na ang araw pero sinusulong ko pa din..
Kaya't ang resulta..
Ang itim-itim ko na!
TT^^TT
Ilang sandali pa at nasa harap ng rest house..
"Tao po?"-Ako
Bukas naman ang gate..
Nakasanayan ko namang labas-pasok dito kasi suki ko na si Aling Alicia..
"Shin! Pasok ka!"-Aling Alicia
Nagpakawala naman ako ng malakas na buntong hininga ng maabutan ko sya!
'Salamat naman!'
"Pakilapag na lang iyan sa kusina Shin. Bibilhin ko lahat iyan?"-ALing ALicia
"maraming-maraming salamat talaga Aling ALicia! Hulog ka talaga ng langit sa akin!"-Ako
"Kaw talagang bata ka! Mamaya, aalis na muna ko"-Aling Alicia
"Po? Aalis kayo??"-tanong ko
"Oo. Dadating kasi ang amo ko bukas. Nilinis ko lang ang kwarto nya. Tsaka dalhan mo sya dito bukas ng mga pusit ah? Paborito nya iyon!"-Aling Alicia
"Talaga po?? Sana po pakyawin nya din ang ibebenta ko!"-Ako
"Tyak iyan iha! Oh sige na. Ilapag mo na dun at ako'y maghahanda pa"-Aling Alicia
"Sige po"-sagot ko
Pumasok na ko sa may kusina. Sa bandang likuran lang iyon kaya't hindi pa ko nakakapasok talaga sa loob ng bahay.
Natitiyak kong mas maganda pa sa loob..
Pagkatapos kong mailapag ay binayaran nako ni Aling Alicia at umuwi na...
Habang papalakad pauwi, napaisip na naman ako...
Bukas ko na makikita ang amo nya...
Ano kayang itsura??
Magugustuhan kaya nya ako???
Ilang hakbang pa, nakadating nako sa bahay naming malapit ng matumba..
hehe..
Yun ang ma dedescribe ko sa bahay namin!
Nadaanan ng bagyo at wala na kaming pera pang-ayos!
Pangkain nga namomroblema na??
Pang-ayos pa kaya!
Tch..
"Mano po, inay!"baling ko kay Nanay
"Pagpalain ka anak"-Mama
"Inay, ito po yung kita ko. Kayo na po ang bahala"-Ako
"Sige anak. Ibibili ko ito ng bigas at makakain bago pa makadating ang tatay mo"-Inay
"Sige po, Nay. Papahinga muna ko"
Mabuti na lang at nag-iisang anak lang ako..
Graduate high school lang ako at hindi nako nakapag-aral sa college dahil kapos kami sa pera..
BINABASA MO ANG
Sanay Mahalin Mo Rin Ako
Fiksi RemajaPlease Vote and Comment^^ Super THANK YOU :* Visit my Accounts: www.loraineaballa.weebly.com facebook.com/loraine.aballa twitter.com/loraineaballa wattpad.com/user/loraineaballa loraineaballame.tumblr.com loraineaballa@gmail.com