PIA'S POV
Sabi raw ng iba,masarap daw yung feeling kapag may nagmamahal sayo na sobra pa sa hinihingi mo.Well,di ko panaman talaga alam kung anong feeling nun eh.excuse me,12 years old palang po kaya ako..wala pa PO akong kaalam alam dyan eh..
Ako nga pala si Apple Gwenison Pie short for ''Apple Pie'' cute noh?Pero ang tawag nila sakin Pia wala kong magagawa eh yun gusto nilang tawag saken eh haft filipino haft canadian..Sabi ko nga 12 years old palang ako ,first year high school sa Ridgeway Academy. Hindi kami mahirap pero pinagpapart time ako ng parents ko sa pag momodel kaya sinusunod ko nalang dapat daw kasi gayahin ko si ate.
"Pia"
"Pia"
"PIA!!".sigaw sakin ng kasama kong si Cheska.
"Oh?!Ano ba?!!"Kita mo ng may iniisip ako eh.."naiinis kong sabi sakanya.
"Asus! Sino nanaman yang iniisip mo?Aber?" Pang-aasar nya sakin.
"Ano ba kasi yang sasabihin mo?ha??At parang di ka mapakali dyan!". Ako.
Nandito kami ngayon sa Mcdo nag memeryenda kasa nitong babaeng toh na walang ibang ginawa kundi ang makiwifi nalang..
"Tingnan mo to oh! Dba s - -"
"Excuse me kids..pwede po ba kaming makishare ng table..la na kasi ibang bakante eh?"sabi ni kuya na katabi ngayon ni Cheska.
"Sure". mabilis na sagot ni Cheska.Ito talagang babaeng toh,di man lang inisip kung mga masamang tao yun. Anyways,parang makikishare lang..diba?
"Oh..ano pala yung sasabihin mo?" sabi ko.
Parehas kami ngayong may katabi ni Cheska magkaharap din yung pagkaayos nila tulad ng samin.
"Oh? Ano nanaman tinitingin tingin mo dyan..ha??" nagtatakang sabi ko.Sigurado kong gagawin nya nanaman yung palaging binabalak nya.Yun kasi, kapag may katabi ako na guy pinipichuran nya, AT pinopost nya pa ito sa facebook.Yun yung trip nya eh..haay kaylan ba mawawala kakulitan nito?
Tama nga ako ng hinala.Nag lean forward ako ng konti at pinilit nakinuha yung ipad nya kaso ang higpit ng pagkahawak nya eh..
"Ok ka lang?" tanong ni kuya na katabi ni cheska.
"A-ahh ok lang po..Hehe" nahihiyang sabi ko.
Umupo nalang ako at napakamot ng ulo.Wa la kong kuto ha?. Ito nanaman si cheska,tumatawa nanaman.NAKAKAINIS NA HA?!! De joke lang sanay na ko dyan eh..
"Stop it.." mahinang sabi ko.
"OK. I will post it na..Yehey!!" pang-aasar nya.
Sa inis ko sakanya nya di na talaga ako nagatubili na higitin yung ipad nya..kahit na pagtinginan pa kami dito..Higitan lang ng higitan kami dito.
Hanggang sa...
Hanggang sa natabig ko este NAMIN yung isang softdrinks at natapunan si kuya na katabi ko.Oh My?! At ito namang si Cheska nanlaki na yung mga mata sa pagkabigla nya.o_o
"Ay kuya,sorry po,sorry, sorry po talaga..di namin sinasadya.." Ako.Halos na luluha na ko dahil sa pinagtitinginan na kami dito ng mga tao.Artista na ba ko??Kinuha ko na rin yung lahat ng tissue na nakita ko sa table namin para punasan yung natapunan.
Hala!Tumayo bigla si kuya..at parang.. parang galit ata sya.
"A - -" bat naputol yung sasabihin nya
"A- ahh..ok lang.."
"S--sigurado po kayo..kuya??pasensya na po talaga..sorry..sorry".nauutal na sabi ko.
Anung nangyari dun kay kuya??kanina halos parang tatayo palang sya,alam kong magagalit na sya.Huhuhu.T_T
"Halika na nga Cheska.."sabay tawag ko kay cheska para umalis na.
"Ahhh..Pasensya na po ulit..s-sorry po.." nauutal na sabi ko sabya nag bow.Eh feeling nasa korea lang ako eh..
Hindi umimik si manong este kuya na pogi ,tumango lang sya at nagsmile ng konti.
Pagkalabas na pagkalabas namin agad kong pinagsabihan tong si Cheska.
"Alam mo di ko alam kung bakit nga ba kita naging kaybigan?noh?" sarcastic na sabi ko.
''Alam mo FRIEND wala ka ng magagawa..eh sorry ka nalang tayo tinadhanang mag "FRIEND'' eh..saka masama bang hanapan ka ng love life?Ha??"sabi nya.
''Ano ka ba?!Dose anyos palang tayo..o kung di mo naiintindihan 12 years old palang tayo tapos lumalablayp ka na agad dyan..kala ko ba matalino ka??Saka nakita mo bayon?matanda yun as in KUYA..ok?"sabi ko.
''Whatever..''walang ganang sabi nya.
''Bahal ka nga dyan uuwi na ko.."naiinis na sabi ko
''Kj naman nito oh..''
Parehas na kaming umuwi ni Cheska kasi nga baka pagtripan nanaman ako nung babaeng yun baka masabunutan ko na yun.
De joke lang FRIEND ko nga iyon diba?kaya di ko masasaktan yun .Halos 3 years ko na ring kaybigan actually apat kami kaso nga lang may mga ibang ginagawa yung iba.Sumakay na ko ng kotse.Pero hindi ako yung nagdadrive kasi nga bata pa ko so it means may driver ako
Pagdating ko ng bahay agad akong dumiretso sa kusina para uminom ng tubig.Nakita ko naman si ate na nakahiga sa sofa habang gamit gamit yung laptop nya,
''Aba!aba!nandito na pala ang aking sister..so sino nanaman tong lalaking to?"sabi ni ate.
Si ate Venice nga pala ang aking kapatid,17ears old at ang pangalawang anak .Taken na yan,pero secretly lang ayaw kasi ng parents namin eh dapat pag 18 na daw kami.Sya rin palagi ang nakakasaksi ng mga pinagpopost ni Cheska na pictures ko with other guys nga.
''Wala yan ate..di ko nga kakilala yan eh..''sabi ko.
''Walanjong babae ka..dinaig mo pa boyfriend ko..''malakas na sabi nya.
''Haay nako ngayon ka pa nagpapaniwala dyan sa pinagpopost ni cheska..hilig akong pagtripan nun eh..''
''Pero infairness ha pogi sya..''sabi nya.
''Ewan ko sayo ate..'' walang ganang sabi ko.
''Dami ngang naglike oh..''sabi nya.
''Patingin mga..'' Oi di dahil sa gusto ko yun ahh..curios lang kasi ako eh..
''Ayieee..Crush mo noh?" pang-aasar nya sakin.
''Bahala ka dyan..matutulog na ko..'' inis na sabi ko.
''Ayan nga o..199 likes na ay hindi pala 200 na kasi naglike narin ako.''pang-aasar nya sakin.
Hindi ko sya pinansin at dumiretso nalang ako paakyat sa kwarto.
''Sige ate bahala ka dyan..Gud nyt na..''
''Gud nyt my little sis..'' sabi nya.
Bat ba palagi nalng maynangingi alam sa lablayp ko?
Sige kayo pag ako nainlababo dyan..
MAKIKITA NYO.
_________________________________________________________________