Prologue

17.2K 210 66
                                    

Author’s Note: Hello! New story ko po ito! :D Eto po ay nasusulat sa Filipino/English/may konting Korean. Hope you’ll enjoy this one! ^______________^ Ang Kuya kong Sikat! Tantantaran! :D Eto pa ay isang fanfiction. FAN FICTION! FICTION. Okay? ^________^ Hihi. Kahit hindi ka k-pop fan, i'm sure ma-eenjoy mo 'to! Kakaiba ang plot! (Whe? LOL) ^____________________________^

Prologue

 

                Hello! Ako si Yvette Diaz! Incoming college student, at hanggang ngayon wala pa akong balak kung saang school na talaga ako matutuloy na mag-enroll! TT_____TT Hindi ko alam kung dito na lang ba ako sa probinsya mag-aaral o sa Manila?! >3<  *sigh* Bahala na nga si Batman.

                “Yvette!” tawag sa akin ni mommy.

                Agad akong bumaba at pumunta sa sala.

                “Bakit po Ma?” tanong ko.

                “May tumatawag sa labas natin, tingnan mo nga kung sino”

                Siya nga pala ang mommy ko. Si Mommy Yolly! Masipag na nanay yan! Ayaw na napapahinga! Lagi e gustong may ginagawa o kaya kinakalutkot sa bahay! Clean-freak e! Haha!

                “Ah, sige po” sagot ko at agad lumabas ng bahay.

O_O

                Hala! At bakit may magandang sasakyan na naka-park sa harap ng gate namin?! Sino naman kaya ‘to?

                May bumaba mula sa sasakyang magara. Hala! Ang puti puti naman niya! Halatang hindi pinoy e! Pero yung isa niyang kasama, pinoy talaga! Sino sila?! O_O

                “Magandang hapon. Dito ba nakatira sila Yolly at Yves Diaz?” tanong ni Manong Pinoy.

                Tumango ako, “Sino po sila?”

                “Ah, ako nga pala si Gio Hernal and he’s Park Dong Soo” sabi ni Manong Gio at nag-bow yung Dong Soo.

                Ah! Sabi ko na nga ba e Koreano yung kasama ni Manong Gio e! Ang puti tsaka singkit!

                “Pasok po kayo, tatawagin ko lang po si Mommy” sabi ko at mas binukas yung gate para makapasok sila.

                Sinundan nila ako at pinaupo ko sila sa terrace.

                “Ma, kayo po pala ni daddy ang hinahap nila e. Tara na po sa labas!” sabi ko at hinihila ko na kamay ni mommy.

                “Sino ba ang naghahanap sa amin ha?” tanong ni mommy habang hila ko siya at nakalabas na kaming terrace.

                Natigilan si mommy ng agad na tumayo yung Dong Soo at nagsalita sa Korean kay mommy. O_O Hala! As if namang makaintindi ng Korean ang nanay ko! Pinoy kami, Pinoy! >3<

Ang Kuya kong Sikat (A CN Blue Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon