Chapter Two

121K 2.2K 79
                                    

CHAPTER TWO

            KANINA pa siya yamot na yamot sa pagmumukha ng sekretaryang kaharap niya, paano ba naman kasi si Weena nagleave of absence for two days babalik din naman ito bukas pero wala talagang makakapantay sa galing ng isang iyon. Hindi na niya kailangan pang utusan dahil alam na nito ang gagawin nito samantalang ito replacement na nga lang hindi pa magawa ng tama.

            “You are fired! Kahit gaano kasimpleng instruction hindi mo magawa? Don’t show your face infront of me.” Galit na sigaw niya dito kumibot-kibot ang mga labi nito na para bang ito pa ang galit kapag pumalag pa ito swear makakakita na talaga ito ng tiger… mas malala pa sa eye of the tiger.

            Nagmamadali itong lumabas dala ang mga gamit nito napahawak nalang siya ng kanyang ulo. Kailan ba titino ang mga tao sa mundo.

            “Mainit na naman ang ulo mo.” Parang nawala ang init ng ulo niya ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Ang tanging tao na pwedeng makapagpakalma sa kanya sa oras na nasa height na siya ng kanyang emosyon ay walang iba kundi ang kanyang kakambal. Napatingin siya kay Kissa na kasasara lang ng pinto at saka yumakap dito ng mahigpit. Ito lang rin ang nag-iisang tao na wala siyang tinatago kahit na ang pinakapangit na ugali niya.

            “Kissa.” Naiiyak na tawag niya dito habang sinusuklian siya nito ng yakap.

            “Bakit ka na naman malungkot?”

            “I am so stress out and I just received news I can’t accept. Isipin mo makakasal ako sa isang Pierce Madriaga na hindi ko alam,” napa-iyak siya nakakastress naman kasi ang kakulitan ng taong iyon tapos wala pa si Weena na magaling siyang itago kaya ayon nakakalusot pa rin. Kaya nga napagalitan niya kanina ang bagong replacement secretary niya dahil nabato nalang itong bigla ng makita si Pierce, she can’t blame her dahil gwapo naman talaga ang lalaking iyon but she can’t feel anything when she is with him not even the simplest sparks or chemistry.

            “Pierce Madriaga isn’t that bad.” Napasimangot siya sa sinabi nito at pumalahaw ng iyak.

            “Anong isn’t that bad? Nakakatakot siya, hindi nga siya marunong ngumiti. Para siyang tuod o kaya naman ay bato. I can’t bear to be with him any time or any day.” Asar at buong emosyon ang pagkakasabi niya dun.

            “Pwede mo ba siyang kausapin?” kumalas siya ng yakap sa kakambal at saka tiningnan ito… tinitigan ito sa mga mata. “Why don’t you give him a try? You can date him and try to know each other.” Napansin niya ang pag-iiba ng kislap ng mga mata ng kapatid ng sabihin iyon, ibig sabihin pala ay nagkikita na ang dalawa. And since Kissa said he isn’t that bad it means nagkakasundo na ang

dalawang iyon. Bigla niyang naalala ang sinabi nito Weena siguro nga dapat mawala muna siya sa eksena. So, she started her convincing powers.

            “I did, we did. We’ve been constantly dating for three days now and the truth is wala talaga. Wala iyong sparks. Kung sinuman ang nagsabing pwede ko siyang pakasalan if he wanted to mapapatay ko talaga siya.” Nanggigil na hinampas pa niya ang mesa.

            “Di ba noong tinulungan tayo ng pamilya niya nagkaroon ng connection between us?” tanong nito agad naman siyang umiling because she knew Kissa might forget about that.

            Umiling siya. “Hindi iyon a part of it actually. Wala ako ng mga panahong iyon baka nakakalimutan mo I am on vacation during the family crisis. Ikaw ang nagpanggap bilang ako noong mga oras na iyon. You solved the problem I don’t know how.” Paliwanag niya na naging dahilan kung bakit ito natigilan. Ayaw sana niyang ipaalala iyon kaya lang para din naman ito sa kapatid niya.

Royale Series 8: Jailed Hearts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon