Maitim ang mga ulap at umuulan naghuhudyat na hindi magiging maganda ang panahon.
Isa lang si Julia sa sandamakmak na taong nagmamadali at nagsisiksikan sa kalsada ng University belt.
Hawak-hawak niya ang kanyang itim na payong habang nababangga ng mga tao na papunta sa iba't ibang direksyon. Pinikit niya ang kanyang mga mata upang maalis ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Ang kanyang uniform ay basang basa na kahit na may payong siya.
Nag kulay berde na ang hugis ng stickman at sila'y pinatawid na.
Rinig na rinig ni Julia ang mga tawanan sa kanilang classroom. Mga babaeng nagchi-chismisan, mga lalaking nagkwe-kwentuhan tungkol sa NBA Finals, mga nerd na nagca-calculate ng empirical formula ng mga compounds.
College na sila pero wala pa rin nagbago. May mga popular, nerd, at jocks group parin.
Isa si Julia sa mga 'lucky' students ayon sa mga teachers.
Dahil palagi itong may kausap at hindi ito nabu-bully. Pero lingid sa kaalaman nila, pag wala na ang mga teachers nawawala na rin ang mga 'so-called-friends' ni Julia.
May mga taong nagsasabi sa kanya ng "Hi" pero hanggang dun nalang. Hindi nila tinatanong kung kamusta na ba siya o kaya'y inaaya para sumabay sa kanilang kumain tuwing recess o lunch.
Para sa kanila hindi nag e-exist si Julia pwera nalang kung wala silang ballpen (palagi). Si Julia ang takbuhan nila.
At sa bawat araw na ginawa ng Diyos wala man lang nag-isip na ibalik kahit isa man lang ballpen.
Isa lang ang tinuturing kaibigan ni Julia, si Kiray Celis. Likod palang kilalang-kilala na niya ito at nakita niya sa di kalayuan na may kausap itong isang matangkad na lalaki at naglalakad na sila palayo hanggang di na sila makita ni Julia.
Napabuntong hininga na lang ang dalaga at naglakad papuntang locker niya. Tinupi niya ang itim na payong at binuksan ang kanyang locker. Inilagay niya doon ang kanyang mga gamit at kinuha ang mga librong gagamitin niya para sa susunod na subject.
Umupo si Julia sa gilid ng classroom. Nang makumpleto na ang mga estudyante nagsimula nang magturo ang kanilang Professor tungkol sa Human Anatomy.
Wala pang sampung minuto ay nabored na si Julia dahilan upang mapatingin siya sa bintana. Pinagmasdan niya ang mga patak ng ulan at ang pagtama nito sa mga berdeng damo.
Pinigilan ni Julia ang pagsigaw at pilit niyang itinago ang bakas ng pagkagulat sa kanyang mukha nang makita niya ang isang taong nakatayo sa gate ng kanilang school at ito'y naka-hoodie at nakatingin sa kanya.
Nakaramdam ng takot si Julia kaya tumingin nalang siya sa kanyang Professor na nagdi-discuss.
Gumana ito ngunit panandalian lamang. Ramdam niya na may nakatingin sa kanya kaya sumilip siya ulit sa bintana.
Tumaas ang balahibo niya nang makitang nakatingin sa kanya ang lalaki at may usok na lumalabas sa bibig nito. Siya'y naninigarilyo. At kahit mata lang ang nakikita ni Julia alam niyang gwapo ang lalaking iyon.
Hindi namalayan ni Julia na tinititigan na rin niya ang lalaki. Wala na siyang marinig kundi ang tibok ng puso niya. Gusto niyang sumigaw, umiyak, tumawa, tumakbo lahat ay gagawin niya para tumigil na ang estranghero sa pagtitig sa kanya dahil alam niyang may kakaibang koneksyon sila ng lalaking ito.
"Julia, okay ka lang ba?" tanong ng Professor niya.
Lahat ng kanyang mga kaklase ay tumingin sa kanya.
Hindi ito nakayanan ni Julia kaya nagpaalam na lang siyang mag-cr.
Pagsarado ni Julia ng pintuan narinig niya ang mga tawa na kanyang mga kaklase dahil sa kanyang inasal.
BINABASA MO ANG
Red Letters (JulNiel)
FanfictionAng mga 'love letters' ay ginawa upang maparamdam ang importansya at pagmamahal sa isang tao, hindi para manakot. Simula nang makatanggap si Julia, ang Ms. Nobody ng paaralan, ng lingguhang 'love letters' wala na siyang ibang magawa kundi humingi ng...