2 Sincerely Yours

211 22 17
                                    

Nakatayo si Julia at Kiray sa corridor, at ayaw paglagpasin ng dalaga si Kiray. Pinagtitinginan na sila ng ibang mga estudyante.

"Ano ba Julia! Magkikita pa kami ni James!" may halong inis na sabi ni Kiray.

"Kailangan ko ng advice." bulong ni Julia.

Halatang-halata ang pagkagulat sa mukha ni Kiray, sa tagal ng pagkakaibigan nila ngayon lang humingi si Julia ng advice.

"Bakit? Dali chika mo na!" sabi ni Kiray. 

"Hindi ko kailangan ng advice mo kasi nga bestfriend kita baka maging biased ka sakin. So I need someone who's good in advicing." sabi ni Julia.

"Ay kala ko pa naman its my time to shine, sandali lang may kilala ako pero.." napaisip si Kiray, matutulungan ba talaga nung tao na yun si Julia?

Parang hindi.

"We-well, may kilala ako na makakatulong sayo.." sabi ni Kiray na may pag-aalinlangan pero nang nakita niya ang ngiti ni Julia nagbago na ang isip niya.

Hinila ni Kiray si Julia at pumunta sila sa isang bakanteng classroom. Nilock kagad ni Kiray ang pinto.

"Ang pangalan niya ay Daniel Padilla." bulong ni Kiray. Kitang-kita ni Julia kung gaano ka-uncomfortable si Kiray.

"Feeling ko naman hindi mo siya kilala, at dapat lang yun. Dahil hindi siya mabuti para sating lahat. Umiinom siya at naninigarilyo at sa tingin ko nagda-drugs din yun. Tas minsan lang siya pumapasok sa klase niya pero hindi siya kini-kick out kasi lahat kailangan siya pati nga rin yung mga head teachers humihingi ng tulong sa kanya." mahina at nanginginig na kwento ni Kiray.

"Pero kailangan ko talaga 'to." wika ni Julia, kahit na natatakot siya sa kwinento ni Kiray.

Kailangan niya ito para matapos na ang kababalaghan na nangyayari sa kanya at matapos na ang kabaliwan ng kanyang secret admirer.

"Okay ka lang Julia? Parang namumutla ka." tanong ni Kiray.

"Sorry Kiray, pero sabihin mo sakin kung saan ko siya pwedeng makita. Promise I will stay safe. Mag-iingat talaga ako." pagmamakaawa ni Julia.

"Araw-araw siyang nasa music room tuwing 6 pm. I warned you, Julia." sabi ni Kiray.

"Thank you." sabi ni Julia at nagbell na.

Nagmamadaling lumabas si Kiray sa classroom baka kasi malate siya.

Nakaramdam ng ginhawa at kaba si Julia, sana matulungan nga siya ni Daniel sa problema niya at mahuli nila ang pesteng admirer niya.

Hindi na siya makapaghintay na makilala si Daniel Padilla.

Hindi makapag-concentrate si Julia sa tinuturo ng professor nila, paulit-ulit lang niyang binibilugan ang pangalan ni Daniel sa kanyang papel. Kung sinuman ang makakakita sa ginagawa niya ay iisipin na inlove siya, pero hindi.

Yung nararamdaman niyang kaba ay katumbas ng pagsalubong sa iyong minamahal na nalayo sayo ng mahabang panahon.

Hindi napigilan ni Julia ang pag-ngiti dahil natatawa siya sa kanyang sarili, para siyang hopeless romantic.

Nakita ito ng kanilang professor at minabuting hayaan nalang ang dalaga sapagkat minsan lang niya itong makitang ngumiti. Pati rin ang kanyang mga kaklase ay nagulat. Anong nangyari sa mahiyaing si Julia?

Mas kinagulat pa nila ang pagmamadali ni Julia palabas ng classroom, isa kasi ang dalaga sa mga huling lumalabas tuwing uwian.

Ilang minuto nalang bago mag-6 o'clock at papunta na si Julia papuntang music room. 

Red Letters (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon