Matangkad, Gwapo, Matikas, at higit sa lahat mayaman. Perfect boy sa tingin ko. Yan ang makikita sa isang katulad ko.
Nakatira sa isang malaking Mansion na may malawak na bakuran. Nagmamay-ari ng limang mamahaling sasakyan, mapahimpapawid, tubig o lupa. May mga katulong sa mansion na gumagawa ng lahat. What a perfect life?
Pero ang pag-iisip na perpekto na ang lahat ay biglang nahaluan ng pag-aalinlangan ng minsan akong nasigawan ng isa sa aming katulong.
"Mayaman ka lang! Pero walang tunay na nagmamahal sayo! Lahat sila pera lang ang habol sayo," halos makalimutan ni Angel na ako ang kanyang boss. Nagsimula ang galit niya ng hindi sadyang nasabihan ko sila ng masasakit na salita.
May katwiran siya. Lahat ng gusto ko nakukuha ko pero hindi ang mga bagay na hindi nabibili ng pera. May mga kaibigan ako, marami, Mas dumadami sila kong magkayayaan na mag-bar.
Knock! Knock!
Tinignan ko ang monitor ng CCTV sa pinto na nasa lamesa ko lang para malaman kong sino ang kumatok.
Anong ginagawa niya dito?
Bakit may mga dala siyang bag?"Pasok," wika ko at saka bumukas ang pinto na siya namang pagpasok niya. Dala niya ang bag na siyang dala niya ng pumasok siya dito bilang kasambahay.
"Sir-"
"Angel? Bakit ka nandito?" putol ko sa kanyang sasabihin na sana. Alam kong magpapa-alam siya. "Oras na para magpahinga ang mga katulong diba?"
Nakayuko lang siya at hindi tumitingin sa akin.
"Sir. Lian- patawad po sa nasabi ko sa inyo....nandito po ako para mag resign," mangiyak-ngiyak na wika niya.
Baliw ba siya? Akala ba niya galit ako dahil sa sinabi niya?
"Hahaha! Ang sigawan ang boss ng isang kasambahay? Alam mo bang ikaw pa lang ang gumawa sa akin nun?" Sandali akong huminto at nagkunwaring may binabasang documento, "Sa tingin mo hahayaan kong basta-basta lang umalis ang taong gumawa sa akin nun?"
"Pero Sir.. Hindi lang po ito tungkol dun-- Pinapatigil na rin po ako ng mga magulang ko dahil sa susunod na pasukan, papasok na po ako."