Chapter 2 Missing piece

7 0 0
                                    

Ring! Ring!

Oh! Ang aga pa! Sino ba tong isturbo?

"Hello!"

"Hello Lian? Saan ka ngayon?" boses ni Sandro ang narinig ko sa kabilang linya.

"Bakit?" sarcastic kong tanong.

"We have a friends outing tomorrow. Don't tell me you can't go like the party last night."

Hindi ko na sinagot ang sinabi niya at ibinaba na lang ang telepono. Nakakawalang gana ang araw ngayon.

"Good morning Sir."

"What's good in the morning Ange– Sorry what's your name please?" 

Bati sa akin ng bago na pa lang katulong pagkalabas ko ng pinto. Gusto ko kasi na paglabas ko may nauutusan akong katulong at si Angel ang naka-assign sa akin kaya siguro nasanay na ako. Si Angel lang rin ang kakilala ko ng husto sa lahat ng katulong.

"Mercy po Sir," magalang na sagot nang bagong naka-assign sa akin. Tumango na lang ako at dumiretso ng ibaba. Wala akong maiutos ngayon. Parang wala ako sa mood ngayon.

Sa dinning table ako dumeretso at umupo. Nakahanda na lahat ng pwede kong kainin. Lahat masasarap at sosyal na pagkaluto.

"Si mommy?––Daddy?"

"Naka-alis na po sila Sir."

"Hindi ko na naman sila naabutan," bulong ko.

"Gumising ka kaya ng maaga para maabutan mo sila."

"Anong––" Napasigaw ako sa likod ko na tila may bumulong pero walang tao doon maliban kay Yaya Gina. Boses ni Angel yun.. Nasisigurado ko dahil siya lang naman ang katulong dito na bumubulong ng masama tungkol sa akin. Akala niya siguro hindi ko naririnig ang malakas niyang pagbulong, siguro nasanay na ako sa bubuyog niyang bibig kaya kahit wala na siya naiisip ko pa rin.

Kumain lang ako ng kaunti. Pagkatapos isinuot ang mamahalin kong polo.

"Yaya Gin, where's the key of my Mercedes?"

Wait! Saan ba ako pupunta?

"No yaya, Just the key of my bike."

***************

Broom! Broom!

Saan ba ako pupunta?

Nalalagpasan ko na ang limang mall, dalawang bar at tatlong plaza pero patuloy pa rin ako sa pagpa-andar ng motor bike ko.

....

The big one Where stories live. Discover now