Chapter 5 The revelation

1 0 0
                                    

Naguguluhan habang pinagpapawisan ako kahit naka full ang air con ng kotse ni Jerald. Katabi ko si John na patuloy lang sa pagbabasa habang si Jerald ay nagmamaneho ng kanyang kotse.

"Sino kayo?!" pasigaw kong sabi kaya napatingin si John sa akin habang sa front mirror ng kotse niya si Jerald. "Anong pinagsasabi mo na Sino tayo? Bakit ka tinawag na White Captain ni Katrine?" matutulis na salita kong tanong kay John.

Sinirado niya ang binabasa niya at tumingin sa akin. "Nakilala mo na pala si Katrine Relovander, queen of Bloody hunters."

"Isa pa yan! Yang bloody--- bloody hunters na yan. Ano ba talaga yan?"

"Patahimikin ko na kaya 'tong ex-best friend ko? Atat e!" sarcastic niyang tanong pero napatawa lang si Jerald.

"Akala mo ba hindi ako marunong lumaban? Kaya ko kayo!" palaban kong wika.

"Easy bro," sambat ni Jerald.

"Dahil equipped na sayo ang bagay na yan," napatingin ako kay John. Meroon talaga silang hindi sinasabi sa akin. Alam ko yun.

"Saan ba namin sisimulan? Ah OK sige sa Bloody hunters na lang. Bloody Hunters awooh," kwento niya tila ang kausap ay mga bata sinamahan pa ng takot na boses.

"Ayusin mo John para maintindihan naman ni Lian."

"Sorry sorry. Bloody hunters, sila ang mga rent hunters dahil binabayaran sila ng may pera na pumatay ng tao. Siyempre dipende ang bayad kong gaano ka importante ang taong papatayin. Five hundred million sa ulo ni Jerald," wika niya sabay lagari ng leeg ni Jerald gamit ang kamay niya.

"Hahaha! Shut up John!"

"One lop naman sa akin."

"Are you kidding me?! One lollipop?" pagtataka ko. One lollipop? Hahaha patawa siya pero hindi nakakatawa.

"LOP! Hindi lollipop!"

"Lop is a kind of money that can buy powers in Qwerty Company."

The big one Where stories live. Discover now