Chapter 6 First day of class

1 0 0
                                    

Angel POV

"Anak ready na ba yang gamit mo sa school?"

"Opo ma," magalang kong sagot habang ipinapasok sa school bag ang mga nabili kong gamit .

"Oh? Ano pang hinihintay mo? Maghanda ka na at baka first day of school late ka," biro sa akin ni mama. Alam naman niya napaka-aga pa.

Bumaba na si mama kaya sumunod na ako.

"Na na na hmm!" kanta ko habang papunta sa banyo. Nasa baba ang banyo kaya kailangan ko pang bumaba.

"Hi Angel."

Natulala ako sa bumati sa akin ng ganito ka aga.

"Ahh! Jerald? Anong ginagawa mo dito?" gulat ko sabay talikod dahil napaka-pangit ko pang tignan.

"Nandito siya para sunduin ka," si papa ang sumagot. Nagbabasa siya ng diyaryo sa sofa kaya sigurado ako na nag-usap sila.

"Maliligo pa ako e.."

"Willing to wait naman ako," sweet niyang sagot. Halos kiligin naman ako doon pero si Jerald ang kausap ko. Wala siyang gusto sa akin.

"Punta na ako..."

Ngumiti lang siya kaya mabilis na akong pumunta sa banyo.

Ang aga niya para sunduin ako.

***********

Jerald POV

Nahuli ko na lang ang sarili ko na nakangiti sa pagkandarapa ni Angel magpunta sa banyo.

She's totally cute.

"May gusto ka ba sa anak ko?"

Mabilis na napalitan ng pagkagulat ang mukha ko dahil sa tinanong ni Tito Dan sa akin.

"Ho?"

"Ang mga ngiti mo sa anak ko ay kakaiba," wika niya kahit may tinitignan sa dyaryo.

Napalunok na lang ako ng laway dahil hindi ko alam kong Ano ang isasagot.

"Jerald? Pagpasensiyahan mo na lang 'tong bahay  namin...ito o magkape ka muna," offer sa akin ni Tita Janet. Malugod ko naman itong tinanggap.

"Hi nako! Ang gulo na talaga ng mundo," wika ni Tito habang binabasa ang isang article na nasa dyaryo.

"Bakit po Tito?"

"Billionaire Saga killed by a gun man..ang masaklap parang kinagat siya ng hayop dahil may markang natagpuan sa kanyang leeg..like a vampire?"

The big one Where stories live. Discover now