9th: Meet the Girl with a Big Heart

26 2 0
                                    

Chapter Nine

Meet the Girl with a BIG Heart

~~~

Jill's POV

Nahuhuli na ata ako sa balita. Halos bawat araw eh may tsismis dito sa Einstein. Lalo na sa kapag nasa school kami. Dati hinahanggaan kami pero ngayon ewan ko ba kung bakit pero minsan makikita ko na lang na ang daming nang-iirap sa amin.Tapos kung minsan pa nga eh maririnig ko na lang silang may sinasabing masama tungkol sa amin.

Eh ako naman ay walang magawa. Hindi ko alam pero takot ako sa kanila. Hay, siguro di lang talaga ako sanay sa atesnyon.

Naglalakad sa maycorridor namin at napahinto lang ako sa nakita ko. OMG ! napatakip ako ng bibig at napatalikod agad sa nasaksihan ko. Mabilis akong napatago sa may isang classroom.

Hindi ako makahinga sa nakita ko. S-si Willow at si Yuri...

SI WILLOW AT SI YURI MAGKAHALIKAN !

Gosh !

Sumilip akong kaunti. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong wala na sila doon. Lumabas na ulit ako para makalayo. Kunwari na lang walang nangyari...

"Anong walang nangyari?"halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang boses ni Dainah.

Sinabi ko ba talaga iyon ng ganoon kalakas? Tss. Nginitian ko na lang sya at umiling. Nagpatulyo naman na ako sa paglalakad at sumunod naman din agad sya sa akin.

"Wala ka bang napapansin?"tanong nya sa akin habang naglalakad kami pababa ng hagdanan. Bigla naman akong kinabahan sa sinabi nya. Naaalala ko na naman yung kanina.Ugh !

"Wala naman masyado bukod sa mas lalo pa akong gumaganda. Bakit mo naitanong?"biro ko sa kanya. Hinampas nya naman ako ng mahina sa braso.

"Haha. Nakakatawa."asar nya rin sa akin. Tinawanan ko lang din sya. "Hindi mo ba napapansin yung mga sabi-sabi tungkol sa section natin. Hindi ko alam kung sino nagpapakalat pero narinig ko na lang na..."napahinto sya sa balak nyang sabihin.

"Na ano?"taka kong tanong. Pasuspense naman tong babaeng ito.Hindi na lang kasi sabihin ng buo.

"Anong pinag-uusapan ninyo?"napatingin kaming dalawa kay Charlie. Nginitian nya kami at sumabay din sa amin sa paglalakad.

Umiling lang ako."Pinagkukwentuhan lang namin yung tungkol sa...sa ano ba yun.."shit ! ngayon pa ako naubusan ng sasabihin.

"Teka lang. Napansin nyo ba-"hindi natapos ni Charlie yung sasabihin nya dahil sa pagsinggit ni Dainah.

"Hay salamat may nakapansin din! Oo , napansin din namin na sinisiraan tayo ni Lyk sa buong school."nanlaki ang mata ko sa gulat. Si Lyk? Sinisiraan kami? Parang gusto kong matawa sa sinabi nya pero hindi ito yung tamang panahon para doon.Napakunot na lang ng noo si Charlie.

"So, totoo pala ang usap-usapan dito sa school. Pero kasi...iba sana yung itatanong ko."sabi nya sabay kamot sa batok nya.

"Eh Ano?"sabay naming tanong ni Dainah.

"Si ... si Willow. Kasi gusto ko sanang.."huminga sya ng malalim at napayuko na lamang.

"Gusto ko sanang makipagbalikan sa kanya."nakakainis lang kasi naalala ko na naman ulit yung nakita ko kanina. As in schocks talaga nung makita ko si Willow tsaka si Yuri na magkahalikan. Akala ko si Chester ang gusto nya kaya pinaalis nya si Lyk.

Nagulat ako nang bigla akong hawakan ni Charlie sa magkabilang braso ko. Pati si Dainah ay gulat din ang ekspresyon sa mukha. May ginawa ba akong masama?

Meet IV-Einstein 2 (Dead or Alive) [ONhold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon