2nd: Meet the Loner

97 5 0
                                    

Chapter Two

Meet the Loner

~~~

Nakita ko sya.

Nakatayo lang sya sa harap ko habang may nakatutok na baril sa ulo ko.

“Dylan.”maikli kong banggit sa pangalan nya. Ngumiti sya sa akin habang unti-unting lumalapit sa akin.

“Magpaalam ka na.”

*Bang

“Hoy !Gising ! Gumising ka na Lyk !”napabangon naman ako agad. Panaginip lang pala ang lahat pero pakiramdam ko nangyari talaga sya.

Napatingin naman ako sa taong nasa tabi ko. Nakatayo sya at nakapamaywang pa.Umagang umaga ang laki ng problema ng taong ito. Napahiga akong muli sa sobrang  antok at katamaran. Bakit ba sila nakikialam?

“LYK ! GUMISING KA NA!”napabangon ako muli pero hindi dahil sa lakas ng boses o dahil sa karaniwang gawain nila, ang mambasa ng malamig na tubig sa taong natutulog. Nagising ako dahil sa itlog na binato nya sa mukha ko. Nakakainis na Chester to!

Tinignan ko lang sya ng masama.”Ano bang problema mo?”mahinahon kong tanong sa kanya habang tinatanggal ang malagkit na bagay sa mukha ko.

“Anong problema ko?”pag-uuit nya habang nakaturo sa sarili nya.”IKAW.”sabay turo sa akin. Tinaasan ko lang sya ng kilay.

“Baka utak mo may problema. Magpatulog ka nga.”sagot ko naman sa kanya pero sinagot nya din ako agad.

“Alas siete na po kaya and for your information, kanina pa tayo late sa school at dahil sayo inutusan ako ni Ms.We na gisingin ka.”paliwanag nya.

Nagsalubong lang ang dalawa kong kilay. Sh*T !nakalimutan ko! Oo nga pala kasama iyon sa rules.”Pero di ba nakalagay naman sa rules na pwedeng hindi pumasok as long na mapapasa natin yung exam.”sagot ko.

“Yun nga eh. Kaso, may exam tayo ngayon tsaka nga pala, sabi rin sa akin ni Ms.We na dumiretso ka daw sa Red room. “matapos nyang magsalita ay agad naman na syang umalis, nainis na ata sa akin.

Aysshh! Umagang umaga nga naman oh. Kahit di ko gusto eh wala na rin akong nagawa kundi ang tumayo at mag-ayos pero hindi pa rin ako papasok. Boring.

Pagkalabas ko ng kwarto nakasalubong ko si Mokong .Sakto. Pumunta ako ng kusina para kumain ng umagahan teka..anong oras na nga ba ulit ? Tumingin ako sa relo. Mag seseven thirty pa lang pala.  Panigurado late na late na ako kung papasok pa ako pero dalawa na ang nagawa kong violation. Okay lang. Nakakatamad lang lalo kung papasok pa ako para lang sa isang exam.

“Hindi ka rin pala pumasok.”sabi ni mokong (si Uno, for short) habang umuupo sa tabi ko. Hindi ko sya pinansin. Obvious ba masyado na hindi ako pumasok? Imbis na ibaling sa kanya ang pansin ko,pinagmasdan ko na lamang ang buong dining room. Sobrang laki nito para sa aming labing tatlo. Tsaka ngayon ko lang din napansin itong mesang pinagkakainan ko ngayon. Napakahaba as in parang mga thirty na tao ang pwedeng umupo. Tapos may fire place pa sa harapan. Matutulala ka sa sobrang laki at ganda nya pero balewala na lang yan para sa akin. Sanayan lang.

Binaling ko na ang tingin ko sa kanya na tahimik ding nakaupo.”Hoy ikaw.”tawag ko sa  kanya. “Anong balak mong gawin dito? Umupo na lang forever.”patataray ko sa kanya. Ewan ko ba sa tuwing nakikita ko yung pamumukha nya eh para bang kumukulo agad yung dugo ko.

“Ano naman sayo?”sagot nya sa akin. Aba! Marunong din pala syang sumagot sa akin ng ganyan.

“Ang akin lang naman ay imbis na nakaupo ka lang dyan, bakit hindi mo subukan na tumayo at magluto sa kusina?”sagot ko with matching wide grin. Tumayo lang din sya. Good! Susunod din pala sya eh. Dami pang arte.

Meet IV-Einstein 2 (Dead or Alive) [ONhold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon