3rd: Meet the P.A.

85 4 0
                                    

Chapter Three

Meet the P.A.

~~~

Charlie’s POV

“Good morning Charlie.”bati ng isang babae sa akin habang naglalakad ako sa harap nila.

“Good morning Char.” Habol pa ng isang babae na katabi nya.

“Good morning Charles.”sagot pa ng isa habang todo kaway sa akin. Isa na lang promise! Magmumukha na silang charlie’s Angels..

“Good morning-“ HINDI KO NA KAYA!

“ANO BA?!”sigaw ko habang dahan dahang nililingon kung sino yung nagbabalak bumati.

Pagkalingon ko ay sumalubong sa akin ang mataray at nakapameywang na Shannon. Patay. Agad ko naman syang nginitian baka kung ano pang gawin sa akin nito.

“Ikaw pala.”nakangiti kong bati. Whooo! Nakakainis kasi yung mga babae kanina eh. Ayoko naman maparusahan noh! Dahil lang sa pakikipag-usap sa iba. Hsss.

Hindi pa rin sya nagsasalita nanatiling nakapako ang tingin nya sa akin. Napakamot ako sa batok ko. Parang alam ko na tong eksenang to aa. Hindi pala parang. ALAM NA ALAM na pala.

Lumapit naman agad ako sa kanya.”Akin na yung bag mo.”sabay kuha ng malaki nyang pink na backpack pero nakatingin pa rin sya sa akin sabay tapik ng mga daliri nya sa braso nya. Lumapit uli ako sa kanya.”Sensya na. Akin na rin pala yung mga libro mo.”sabay abot ng mga libro nya sa akin. Nakahinga naman ako ng malalim nang umayos na sya ng tayo at ngumiti na sa akin.

“Samahan mo ako sa SM.”sabi nya sa akin. YES! Sa wakas matapos ang ilang taon ng panliligaw. Magdadate na rin kami.

“Magdadate na tayo?”masaya kong tanong. Humarap syang muli sa akin, nakangiti. Sabi ko na nga ba may gusto din to sa akin eh. Pakipot lang.

“Hindi. Sasama ka sa akin para bitbitin ang pinamili ko.”nanlumo naman ako sa narinig ko. Ang lakas pa ng self-confidence ko. Hsss sayang. Nagsimula naman na kaming maglakad papalabas ni Shannon pero napahinto rin kami ng biglang may tumawag sa pangalan namin.

“Shannon! Charlie !”napalingon kami kay Al na tumatakbo papalapit sa amin. Your my hero AL !

“Twelve na a. Di pa ba kayo uuwi?Sabay sabay na tayo.”pag-aaya nya. Napatingin naman si Shannon sa  relo nya saka tumango. Whoooo, muntik na yun aa.

Habang naglalakad kami papunta ng royals hall ay napagkwentuhan namin di sadya ang mga kumakalat na balita sa school namin dati pa. Yung tungkol sa isang section, 2 years ago.

“Guys, naalala nyo pa ba yung balibalita sa school dati. Yung nagpatayan daw.”napatingin naman silang dalawa sa akin.

“Shhhh! Di ba bawal nang pag-usapan ang tungkol sa bagay na yan? Tsaka ano naman ngayon? Dati pa yun Charlie, move on move on din pag may time.”sita sa akin ni Shannon habang si Al naman ay seryosong seryoso pa ring naglalakad parang walang narinig.

“Wala lang. Eh kasi balita ko, IV-Einstein din daw ang tawag sa section na iyon dati. Tsaka hindi pa naman sigurado kung totoo yung storya pero kasi parang alam nyo yun..Ay nakuu! Ang hirap iexplain.”napailing na lang ako sa mga pinagsasabi ko. Ang gulo pero parang meron sa loob ko ang nagsasabing mahalaga at totoo ang pangyayaring iyon. Kahit na hindi malinaw sa amin ang tunay na nangyari noon.

“Ano kayang gagawin nila sa atin?”napalingon ako kay Al. Tama sya. Ano nga bang balak nila sa amin? Panigurado naman hindi nila binuo ang section namin kung wala silang nais gawin sa amin. Sana lang…sana lang wala silang masamang plano sa amin.

Meet IV-Einstein 2 (Dead or Alive) [ONhold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon