10th: Meet the Man of Confidence

19 1 0
                                    

P.S. Short update ahead ----->>>>

Chapter Ten

Meet the Man of Confidence

~~~

Try's POV

Pagkapanuod ko sa kanya sa tv ay hindi na ako nagulat sa mga sinabi nya. Simula pa lang naman eh alam ko na mangyayari ito. Isang dahilan kung bakit hindi ako umalis sa section na ito ay dahil kailangan ko syang tulungan. Alam kong hindi lang ako ang hiningan nya ng tulong pero ginagawa ko lang din ito para sa sarili kong kaligtasan.

Hindi man sabihin sa akin ng iba. Si Ana, Yuri, Willow, Celestine lalo na si Al, alam kong alam na nila ang tungkol sa Einstein dati. Hindi naman ako tanga katulad ng iba kaya nga nananahimik lang ako at inoobserbahan ang bawat isa sa kanila.

Noong sinabi ni Mrs.Kringe na dapat makuha namin ang susi sa loob ng 30 mins ay napansin ko na agad na may binabalak sya. Umupo lang ako sa isang tabi at hinintay ang trenta minutos na matapos. Wala naman syang sinabing babala bukod sa walang magbubukas. At katulad nga ng inaasahan ko, matapos ang tinakdang oras ay bumukas ng kusa ang pinto saka sya muling nagpakita sa tv at tuwang tuwa sas reaksyon ng mga kasama ko.

"Walang kwenta."bulong ko sa sarili ko. Pinaglalaruan lang nya kami. Agad naman akong lumabas ng pinto dala lamang ang itim na papel kung saan kailangan daw naming patayin kung kaninomang pangalan ang lumabas pati na ang mapa. Tss, katulad pa rin ng dati. Walang pinagbago.

Sa labas ay sumalubong sa akin ang isang malawak na kagubatan. Okay, ibang venue na sila ngayon. Kala ba nila maloloko nila ako katulad ng nagawa nya sa mga tanga kong kaklase? Matalino kaya ako.

Ilang minuto pa ng paglalakad ay nakakita ako ng isa pang maliit na bahay katulad ng sa akin kanina.Ang tanong na lang ay kung kanino iyon. Patago akong lumapit dito. Sumilip ako ng kaunti mula sa mga halamang nakaharng sa akin.Si Daniel kasama nya si Uno.

Napangisi ako sa nakita ko. Ito na ang pagkakataon ko. Umupo muna ako at kinuha ang itim na papel. Kailangan kong malaman kung sino ang target ko. Pagkabuklat ko naman ay nabasa ko kagad ang pangalan nya. Sayang pero ayos na rin. Madali na lang para sa akin na tapusin ang buhay nya.

Muli ko silang sinilip at nakita kong nag-aaway sila. Lumapit pa ako ng kaunti pero bigla akong nadapa. Tinignan ko ang dahilan ng pagkadapa ko.

"Wag kang gagalaw."bago pa man ako makabangon ay naramdaman ko na may nakatutok na sa aking isang baril.

"Shannon."banggit ko sa pangalan nya. Binaba nya naman agad ang baril at tinulungan akong bumangon.

"Ano ba kasing ginagawa mo?"tanong nya sa akin.

"Sinusubaybayan ang taong papatayin ko. Ikaw ba? "

"Katulad mo hinihintay ko lang din syang mahulog sa bitag ko."

"Sino bang target mo?"

Natahimik sya saglit at tinignan ako mata sa mata. "Malapit lang sya sa akin."bigla akong napangisi.

"Ako ba ang tinutukoy mo?"hindi nya ako sinagot. Pero kung ako nga iyon bakit hindi nya na lang pinutok ang baril sa akin kanina?

"Hindi ikaw. Sya."sabay turo kay Uno na nakikipagtalo pa rin kay Daniel. Sa tingin ko'y wala pa ring kaalam alam si Shannon sa mga tunay na pangyayari. Pero pwede ko syang gamitin para matulungan kami.

Hinila ko sya at nagtago kami kung saan maaari na naming marinig ang pinag-uusapan ng dalawa.

"HINDI  AKO NANINIWALA SA'YO! SINUNGALING !"sigaw ni Daniel. Lumapit naman si Uno at hinawakan ang dalawang kamay ni Daniel kahit nagpupumiglas ito.

"Sorry. Sorry kung pinapaniwalaa ka ng pinsan mo sa iasng kasinungalingan pero maniwala ka sa akin. Ikaw si Daniel hindi si Lyk."natahimik saglit si Daniel at napaupo na lamang habang nakahawak sa ulo nya.

Akala ko noong una ay nagkukunwari lamang sya sa mga kinikilos nya pero mukhang mali ako. Tumayo muli si Daniel at tumalikod. Napatago agad kami dahil nakaharap sya sa direksyon namin.Tinignan ko naman si Shannon.

"Tutulungan kita pero dapat tulungan mo din ako."nakatitig lamang sya sa akin. Pero ilang minuto lang ay tumango din sya.

"Kung ganoon, totoo pala lahat ng sinasabi ko noon at hindi ako nababaliw. Pero bakit nya ginawa iyon? "narinig naming sabi ni Daniel.

"Para sayo. Pero saka na natin ito pag-usapan. Kailangan nating makaalis dito."nakuha ni Uno ang atensyon ko dito kaya lumapit pa ako ng kaunti.

"Paano? Panigurado mamamatay tayo lalo na't hindi natin kilala kung sino ang nakabunot sa atin."

Inilabas ni Uno ang mapa nya. "Alam ko kung ano ang huling lugar na ititira nila. Pumunta na tayo agad doon."hawak hawak ang kamay ni Daniel ay tumakbo sila. Pero hindi dapat sila makalayo.Tumayo naman agad ako para habulin sila pero pagkatayo ko ay hinila ni Shannon ang kamay ko.

"Ano bang ginagawa mo?! Tanga ka ba? Nakakalayo na yung target mo."Hindi ko malaman kung anong dahilan pero napahiga na lang ako bigla. Lumapit sa akin si Shannon habang nanginginig nyang hawak ang baril nya. Nakatutok pa rin ito sa akin.

"BAKIT MO AKO BINARIL?! BALIW KA NA BA?! "sigaw ko habang dahan dahang tumatayo. Tuloy tuloy ang agos ng dugo sa binti ko.

"N-narinig ko kayo."napakunot ang noo ko. Hindi ko sya maintindihan.

"Hindi kita maintindihan. Ibaba mo na lang iyang baril mo at tulungan mo ako dito. Iisipin ko na wala kang ginawa at tutulungan kitang patayin si Uno."hindi ako papayag na mamatay na lang basta basta sa kamay ng isang babaeng wala namang alam sa mga nangyayari.

Hindi pa rin nya binababa ang baril habang ako naman ay hirap na hirap pa ring tumayo. Habang tumatagal ay dumadami na ang dugong nawawala sa akin.

"Narinig ko kayong nag-uusap ni Chester. Humihingi sya ng tulong para...-para..patayin nyo si Lyk."napangisi lang ako sa sinabi nya. Kung ganoon alam nya pala ang tungkol doon. Sinubukan kong lumapit sa kanya pero pinutok nya pa ulit ang baril dahilan para matumba ulit ako. Tinamaan nya naman ako sa kabila kong hita.

Hindi ko na kaya pang tumayo. Lintik na babaeng ito! "Akala ko ba si Uno ang target mo?! Bakit parang ako pa yung gusto mong patayin!"

Binaba nya na ang baril at natumba na lamang sa lupa. Aysh ! Hindi ko na kayang gumalaw. Nakatingin lang sya sa akin habang nanginginig sa takot.

"Anong tinitingin-tingin mo?! Tulungan mo ako dito."gumapang sya papalapit sa akin. Napapikit na ako sa sobrang sakit.Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi nya pa rin ako tinutulungan. Dumilat na ako muli. Nakatayo na sya at hawak hawak na ulit ang baril.

"Sorry.Pero ikaw talaga yung kailangan kong patayin. Sana mapatawad mo pa ako. "matapos noon ay tanging malakas na putok ng baril na lamang ang narinig ko.

Ito na ba talaga ang katapusan ko? Di bale may anim hanggang pitong minuto pa ako para makapag-isip. gganito pala ang pakiramdam ng isangtaong malapit ng mamatay. Nakakapag-isip ka pero hindi ka na makakagalaw. Malas ko lang kasi masyado akong nagtiwala sa kanya pati na rin siguro sa sarili ko. Mukhang kailangan ko nang magpahinga.

Goodbye...Chester.

Aking pinakamamahal.

~~~

-End

Next Chapter: Meet the Poisonous Snake

Meet IV-Einstein 2 (Dead or Alive) [ONhold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon