1

24 0 0
                                    

Sa araw araw na ginawa ni Lord, pera ang hawak ko. At masaya ako, wala na kong ibang hihilingin pa kundi kayamanan! Hindi ko na hihilinging magka hacienda sa likod ng restaurant ko. Ayokong umabuso, tama na yong mansion lang.

"Hoy, maghugas ka naman ng kamay kadiri ka talaga!"

Pakelamera talaga. "Arte mo, kadiri kung dinidilaan. At baket mandidiri, love its taste, tho." Balewala kong sabi.

That stare again, di sya nanaman sya makapaniwala. Pa'ng baliw lang. "Ay. ewan ko sayo Caren, malala ka na talaga." kumuha na lang sya ng magazine sa magazine rack.

Ganyan si Meng. Number 1 hater ng loveteam namin ng boyfriend ko. Haha ewan ko ba jan, araw araw may nirereto sakin. Minsan nakaharap pa ang mahal ko, napaka imoral. Buti na lang hindi matampuhin bf ko.

"O pupunit ka nanaman jan ng page tapos sasabihin mo kakilala mo then irereto mo nanaman sakin? Why dont you help me finish this stuff instead. Bilisan mo na para magkapera na ko ulet, namimiss ko na sya."

"Oa mo! Kaya hindi ka pa nagkaka boyfriend e. Youre already what?"

"16." Bwiset to. Wala daw akong boyfriend. Kinapa ko sa bulsa ko ang boyfriend ko, may 3,000. Itinaas ko isa isa

"O anong tawag mo dito? Nagmamahalan kami at walang makapagpapahiwalay pa saamen. Not you nor your dukhang friends!"

"Neknek mo! You're already 28, mabubulok na yang matris mo wala ka pa ding ka exchange-an ng Iloveyou."

"Iloveyou!" Flinying kiss ko nga hawak kong precious things. "heard hat? It loves me too daw."

"Lukaluka! Kakatakot ka pramis!"

"Dibale na, mayaman naman." Pinasok ko na sa oven yung binebake kong cake. Maghihintay na lang ako ng ilang munuto then, poof! Yayaman nanaman ako! Hahay. Nitong nakaraan kasi medyo tumumal pastry shop ko, ilan na ba pinapasahod ko.. siguro kelangan ko muna magbawas ng--

Nagring ang telephone. Nagtinginan muna kami ni Meng. Ngumiti ako ng pagkatamis tamis. She just rolled her eyes then picked up the phone. "CARRENcy Cafè goodmorning. This is Merlyn, how may I help you?"

Ohhooohoooohhhh! Nakakaamoy nanaman ako ng tagumpay! Oh how I love this day baby!

"Thomas?!!!" Sigaw nya habang nanglalaking matang nakatingin sakin

Nagpantig ang tenga ko sa narinig. Hindi dahil sa pagsigaw ni Meng kundi sa pangalang binanggit nya. Who's Thomas

PabiliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon