2

10 0 0
                                    

Titig na titig ako sa toasted cakes na nakahain sa lamesa ko. Hindi ako makapaniwala. Apat na cake ang nasayang. Ilang kilong harina. Asukal. Baking powder. Kuryente. At higit sa lahat, pera. Leche magbabayad ang may gawa nito. Tinignan ko si meng na tatawa tawa lang. Gusto kong maglupasay. Pero di ko ginawa. Thats too childish for me. Ingungudngod ko na lang tong babaeng to sa oven ko bwisit sya.

"Lumayas ka dito hanggat nakakapagtimpi pa ko."

With that, bumunghalit na sya ng tawa. Naiiyak ako.

"O teka relax lang ma'am. Bakit akong pinag iinitan mo wala naman akong ginagawa. I was busy talking to him, eh?" tinaasan nya pa ko ng kilay habang tumatawa. Alam kong wala syang kasalanan. Kilala ko kung sinong may kasalanan. At lalong hindi ako yon.

"Aurrgghhh! Go to hell!"

"Hoy ako?"

"Hinde. Siya. Bwisit sya kamo! Bwisit bukas at magpakailanman. Wag sya magpapakita sakin tutustahin ko syang mas tusta pa dito sa mga to!"

"Aru. Affected pa din. Masama to. Tsk tsk" Nakakalokong ngiti ni meng.

"Oo kaya kung ayaw mong maapektuhan din at masesante, lumayas ka dito. Iwan mo ko magisa. Mauna ka na sa shop at baka kinukupitan na ko ng mga tauhan ko don"

Oo isa din sa mga tauhan ko si Meng. Pero im not treating her like one. Kababata ko kasi yan. Mabilis syang nagayos at nagapply ng makapal na lipstick. Tumayo sya at isinukbit ang kanyang bag sa balikat at inirapan ako bago tumalikod at umalis.

"Hoy ichura mo. Mukha kang payaso lalo na pag nakairap!" Akala kinaganda ang pagtataray.

"Che! Hindi mo alam ang fashion kaya wala kang boyfriend e."

"Ikakayaman ko?"

"Ewan ko sayo. Puro pera nasa isip mo!"

"Yan ang ikakayaman ko!" Sigaw ko. Palabas na sya ng pinto at nagahabol pa.

"Alis na ko. Tigil mo na daw yang kahibangan mo sabi ni Thomas!"

Shet! That name again. Tuluyan na kong nawalan ng ganang magtrabaho. Magpapahinga na lang muna ako. Bakit naman kasi bumalik pa yung Tumas na yon. Kala nya naman may babalikan pa sya. Hay. Paakyat na ko sa taas nang muling magring ang phone. Sasagutin ko na sana pero napaisip ako. Pano kung si Tumas to? Tsk. bahala na. Inangat ko na ang aparato.

"Carrency cafe, goodmorning.." Naghintay ako ng response, wala naman. "Hello, goodmorning?" ulit ko.

"Hi. Pabili" Sagot nya na agad ko namang nabosesan.

"Bwisit ka anong kelangan mo! Busy ako. Bye"

Leche sya.

PabiliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon