3

7 0 0
                                    

Bago pa man ako makakurap, tumunog ulit ang phone. Ano tingin nya saken, tange? Dati yon. Wais na to ngayon. Hindi porke gwapo sya, mayaman, matalino, mayaman at matalino, mayaman at gwapo, gwapo at matalino, at gwapo at gwapo, e pagbibigyan ko na sya. Dati yon. Wais na to. Kab--

"Holdup to!"

Naputol ang paglalamyerda ko ng bigla na lang kumalabog ang pinto ko at iniluwa si Tumas. Ang bwiset, nakatutok pa mga kamay sakin na hawak ang cellphone. Walang duda, pogi talaga. Tinignan ko lang sya at naghikab. "Oh? K"

Hindi naman na ako nagulat dahil inaasahan ko na ang pagdating nyan. Kilala ko na yan mula talampakan nyan hanggang sa buhok.

Tumawa lang syang humakbang papasok para maupo sa katapat ng table ko. "Bakit mo ko binabaan, nakatanga ka lang naman jan. You said you were busy. Guess you're lying again." Sabay kindat pa.

"Neknek mo. Ano nanamang kelangan mo? Sabihin mo na at ng matapos na."

"Date tayo." tumaas taas pa ang dalawang makakapal nyang kilay habang sinasabi iyon.

"K. Magkano?"

Tumingin lang sya sakin at umiling. "Alam mo grabe ka na talaga. Sobrang ganid mong babae ka. Anyways, magbihis ka na, 2pm yon."

"Oh? 2pm.. hindi ako pwede." Inirapan ko lang.

"12K?"

"Higher." Kuripot. Hirap kaya magpretend. At mahal masyado ang oras ko para sa offer nya ha.

"13.2K last price."

"Hmm.. pag iisipan ko."

"Hoy!"  Nakakagulat naman to haha. "Ano ba yang oras mo? Ikaw masyado ka na talaga! Hindi ka naman na magpapagod dun Carengkeng, lugi pa nga ako kung tutuusin- Hay! Sige kalimutan mo na nga! Dati kuntento ka naman sa 5k lang ha?! Abusado to parang tanga."

"Andami mo namang sinabi. Magbibihis na boss, masyado kang atat lumandi! At excuseme lang ha. I'll just defend myself. Abusado ako pero sinong mas tanga satin? Ako?! Funnehh ka boss!" Binuksan ko ulit oven ko at kinuha yung isang sunog na cake at inihagis sakanya.

"O! Namnamin mo yang kalahati ng bayad mo, maliligo lang ako."

"Bilisan mo. Salamat! Labyu"

----

Ano bang susuotin ko? Hay! Nakakatamad talagang lumabas ngayon. Tss kung hindi lang ako kikita dito nunkang sundin ko yung Tumas na yon. Saksakan naman kasi ng kalandian tung lalakeng to. Eh sabagay bakit ba ako nagrereklamo dito e bayad naman ang oras ko. Haha! Kinuha ko na ang Tshirt na nahawakan ko at isinuot na ito. Hay ang yaman ko talaga ang ganda ko pa. Ang swerte ng future ko. Nagulat ako nung kumalampag ang pinto ng kwarto ko.

"Hoy iha, ano, di ka pa tapos mag cross stitch ng isusuot mo jan? Ang tagal tagal mo."

"Hindi ko pa nga napapasok sinulid sa karayom. Wait ka lang there boss, we still have 2hrs to petiks. Relax ka muna sa sala ko!" Ang atat atat. Kinuha ko na ang cap ko at ipinatong sa ulo ko. Pinihit ko na pabukas ang pinto at bumungad sakin ang nayayamot na mukha ni Tumas na agad namang nagliwanag pagkakita sakin. Syempre sabi ko sainyo maganda ako e.

"You're wearing that shirt again?" Tanong nyang nakangiti. I rolled my eyes.

"You're asking that again? Baket, ilan ba binigay mong tshirt saken?" Tumawa lang sya at tinanggal ang cap ko sa ulo. Sinipat sipat nya ito at saka nya isinuot, di naman kasya sa ulo nya.

"Ang dami mo ng pera hindi ka man lang makabili? lahat na lang iaasa mo saken? Grabe ka talaga."

"Yaan mo next time pag tumaas talent fee ko sayo. Akin na nga yag cap ko! Di mo naman kasya mukha kang jejemon." Tumingkad ako at inabot ang sumbrero ko sa ulo nya pero inagapan nya ang kamay ko.

"Akin na lang to, bili ka na lang ng bago. Baho baho na parang di babae may ari."

"Okay." Inilahad ko ang kamay ko sakanya.  "You can have it, 465 pesos." Nginitian ko sya. Umiiling lang syang dumukot sa bulsa nya ng limandaan at iniabot saakin.

"Galante mo talaga, boss! Kaya mahal kita e. Keep the change?"

"Keep the change. Pakiss nga?"

"Mamaya na yung 35 pesos mo, wala pa kong barya. Tara na malelate ka na, san nakapark?" Sinapok ko ang braso nya at naglakad palabas. Narinig ko pa ang halakhak nya bago ko nakitang sumunod na syang lumabas

PabiliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon