"Alam mo na ang gagawin mo later, alright?"
"Oo na." Nakatutok lang ako sa pagmamaneho.
"Basta pag napansin mong nanananching na, pumasok ka na sa eksena ha?"
Kapal talaga ng mukha ng isang to. "Sira talaga ulo mo, no." Sakto namang natapat sa redlight kaya inihinto ko ang kotse. "Bat hindi mo pa kasi tigilan yang kamanyakan mo? Aba'y maawa ka naman sakanila. Babae pa din mga yan. Tanga nga lang talaga."
"Woah!" Tumawa lang ang hitad. "Easy there, keng. I'm not the bad guy here youknow? Pinagbibigyan ko lang sila." Sabay kindat niya.
"Neknek mo." Pinaharurot ko na ang sasakyan nya nung mag green. Maflat sana to.
"Hoy babae dahandahan din minsan ha?"
"Ayomo yon? Mapapadali paghatid ko sa dapat mong kalagyan." diniinan ko pa lalo ang paa ko sa accelerator dahilan para mapakapit sya sa pinto ng kotse nya.
p
"Di naman ako nagmamadaling makarating ng langit, Keng. dahan dahan lang, mas exciting yun." Tinaas taas nya pa ang dalawang kilay nya para magmukhang manyakis.
"Di ka tanggap don, wala kang karapatan."
"Aw. Harsh mo talaga." Tumawa lang sya at nahiga sa backseat ng kotse. "Ahh. This is life. Keng idlip lang ako."
"Ge. Pag gising mo ka face to face mo na si kamatayan."
"Wala kang awa." Bumalikwas sya ng bangon ng nakasimangot. Lumipat sya sa frontseat sa tabi ko ng hindi bumababa at bumaling sa direksyon ko. "Magkalinawan nga tayo Keng, ikaw ba may problema ka ba sa mga tulad kong pogi? Mahirap tung ganto e"
"Wala akong problema sa mga pogi. Sa mga gaya mong mahahangin meron. Matulog ka na nga bumalik ka na don kakabwisit ka."
"Promise me wala kang gagawin sa sasakyan ko."
"Oo na."
"Hayyy. Mahirap sanang maniwala pero inaantok talaga ako. Hehe just remember this keng, hindi kita minamadali ha? Walang nagmamadali dito. Take your time, and enjoy Kengkoy." sabay kindat bago tuluyan ng pumikit ng nakangiti.
I sighed. Kung kumilos parang hindi isa sa mga popular na persona. Oo, he's a superstar model. Mahilig sa babae, walang patawad basta natipuhan nya idedate nya at "paliligayahin" nya in his own way. Tumingin ako sa direksyon kung nasaan sya. Nahagip ng paningin ko ang isang bagay na nakaipit sa bulsa nya. Napailing na lang ako. Sinipa ko ang kinahihigaan nya dahilan para maalimpungatan sya. Kumilos lang sya para tumalikod sa direksyon ko at nanatiling tahimik. Sinipa ko ulit
"Ano ba Keng. Please.."
"Bakit hindi mo sinabing si Farly ang nakaschedule sayo ngayon."
He just chuckled.
BINABASA MO ANG
Pabili
RomanceBibili ka? Kung hindi, sige may bawas pa. Tawad ka lang. Kung wala ka talagang pambili, LAYAS!