12 - Jealous?

3 3 0
                                    


Frezien Kyle Zein delos Santos also known as Freeze is my older brother who went abroad to sustain our financial problem. And I really can't believe he's here now in front of me. After how many years longing for him, I can finally have him in my arms.

"I missed you little sis." Compare to Mico, mas close ako kay kuya Freeze. Si Mico kasi panget ang ugali, bipolar.

"Ako din kuya! Mas tumangkad ka ata ah!"

"Konti lang." Kuya laughed. Actually, kuya Freeze is so handsome. Papasa na siya bilang Model ng kahit anong magazine. And I am sure all of the girls here will drool if they see him.

"But seriously, sino yung naghatid sayo?" Kuya's faces turned serious. Ganito talaga si kuya sa akin. Over protective.

"Ahhh, m-manliligaw ko po." Nahihiya kong sagot.

"Manliligaw?" Kuya's eyebrow rose and looked at me intently. "He can't court you officially. Dadaan muna siya sa'kin bago ka niya mabingwit. Now if you excuse us, let's get inside now." Napanguso naman ako sa sinabi ni kuya at sumunod na rin sa kaniya.

-

"Flare Wilhelm?" Natigil ako sa pagbaba ng marinig ang pangalan ni Flare kay kuya.

"So, you're my sister's suitor?" Nanlaki ang mga mata ko at dali daling bumaba at tumungo sa salas.

"Hi Monique, good morning!" Masayang mukha ni Flare ang bumungad sa'kin.

"Kuya..." Kuya gestured me to come closer so I obliged and sat beside him.

"So, siya ba ang manliligaw mo?" Seryoso niyang tanong na tinanguan ko.

"Seryoso ka sa kaniya?" Baling sa kaniya ni kuya.

"Of course I am. She's the most perfect girl I've ever seen." Flare winked at me. Napakagat naman ako ng labi para pigilan ang ngiti.

"You'll not break her heart?"

"Oh, believe me ... she's the one who has the capability to hurt me. I can never hurt a perfect girl." Hindi naman siya bolero ano??? Perfect girl daw.

"Then..." Kuya's eyes roamed around the living room. Ganyan siya pag mag-isip. "Bro, sige payag na 'ko. Tara basketball!"

At laking gulat ko ng higitin ni kuya ang kamay ni Flare at hinila palabas. Natatawa na lang si Flare at kinindatan ako bago sila makalabas ni kuya.

Natawa naman ako, ang baliw ni kuya.

"Nakakainis." Nabaling naman ang attention ko kay Mico na gulo gulo ang buhok habang nakahalukipkip sa single sofa namin habang masamang nakatitig sa pintuan na nilabasan ni kuya at Flare.

"Problema mo kapatid?" Tanong ko pero inirapan niya lang ako at iniwan. Seriously??? Ang baliw talaga ni Mico.

-

"Your kuya is funny." Ani Flare habang kumakain kami sa cafeteria.

"Baliw eh." Natatawa kong sabi.

Destiny's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon