1- The Arrange Marriage

3 0 0
                                    

"Weather you like it or not Madison! You need to marry the son of Mr. Felipe and you have nothing to do with that!." madiing saad ni papa sa akin pagpasok ko palang ng Private Library dito sa bahay.

"Whaaattt??? No! Papa!" Marriin kong tanggi sa kanya. "Hindi ako papayag sa desisyon niyong yan. I won't marry that guy. Wala kayong karapatang gawin sakin toh? Wala kayong karapatang ipagkasundo ako sa lalaking hindi ko man lang kilala!" Mala essay kong tanggi sa kanya.

"I have the right to do that Madison! I'm your father at papakasalan mo ang lalaking yun!"

"Your talking nonsense papa! Bakit niyo ginagawa to? Kung magpapakasal man ako, dun sa lalaking mahal ko papa! Hindi sa lalaking pinili niyo lang para pakasalan ko dahil lang sa pera!"

"And tigas ng ulo mo Madison!! This is my decision! This is for your own sake!" Ramdam ko ng galit sa akin si Papa dahil nagtatagis na ang kanyang bagang.

Siya kasi yung tipo ng taong lahat ng gusto nasusunod.

"You're wrong Papa! This arrange marriage is not for my own sake. This is for your own sake! Ginagawa niyo lang toh para sa sarili niyo! Sarili niyo lang ang iniisip niyo papa. Your selfish and--" hindi KO na natuloy ang sasabihin ko dahil dumapo na ang palad niya sa mukha KO.

Tuluyan na ding tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit! Ang sakit ng sampal ni Papa. Ngayon lang niya ako sinampal. Ngayon lang talaga. Nagka blush on tuloy ako ng di oras. Ganito pala ang feeling ng masampal. Ang sarap! Ang sarap ng impact.

Tumingin ako sa salamin at nakita ko pa ang bakat ng limang daliri ni Papa sa mukha ko. Imagine yung sign ni De Lima na limang daliri! Ganun na ganun yung nasa mukha KO ngayon.

"Sampalin mo din sa kabila papa! Hindi pantay yung blush on." Sasabihin KO pa sana sa kanya, pero wag nah. Mas lalo lang dadagdag sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

"You've changed a lot Papa! Hindi na ikaw yung kilala kong ama! I hate you! I really hate you!!!" Sigaw ko sa kanya at dali-dali akong tumakbo papunta sa kwarto KO.

Nagbago na talaga si Papa. Nagbago na siya simula nung namatay sa aksidente sina mama at ang twin sister kong si Maxine, ibang-iba na siya.

He's blaming me for that. At sa pagbabago niyang yun, ako ang nagsa suffer. Ako ang sumasalo sa poot at sakit na nararanasan niya ngayon. It's been two years when that accident happened and still my father haven't move on yet at ang masakit, ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ng mama at sa kakambal ko.

Well, tama naman siya eh. Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi sana ako nagpumilit na sunduin ako nina mama at Maxine  sa mall nang araw na iyon, sana hindi sila naaksidente, sana buhay pa sila ngayon, sana masaya parin kami, sana hindi ako nag sa suffer ng ganito. How I wish! Sana ako nalang ang nawala at hindi sila.

Iyak lang ako ng iyak habang naglalagay ng mga damit ko sa maleta. I've decided na lumayas na sa pamamahay na to. I'm tired of everything. Pagod na kong makinig at maging sunud-sunuran sa mga sinasabi niya. And this is the right thing to do. Kailangan ko ng umalis. This is not a home anymore. I don't belong here. This is hell!

"Where do you think you're going Madison?" Bungad niya sa akin pagbaba ko ng hagdan. Hindi ko inaakalang gising pa siya sa ganitong oras. Hindi kaya siya uminom ng pampatulog niyang bearbrand na choco na gatas? Fav. Niyang inumin yun bago matulog eh.

Hinila ko ang dala kong maleta at tuloy-tuloy sa paglalakad patungong pintuan. Narealize kong isa lang yung hila-hila kong maleta. What the? Asan yung isa? Ay! Tanga lang Madison! Naiwan ko pala sa kwarto ko.

"Madison! I'm still talking to you!"

"Kukunin ko yung maleta kong isa papa. Nakalimutan ko sa taas eh." Honest kong sagot at nakita kong nagsalubong ang dalawang kilay niya. Malamang! May tatlo bang kilay? Hah? Madison? Hinayaan KO nalang siya at tuluyang umakyat sa kwarto at kinuha ang isa pang maleta.

Miss HypocriticalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon