7- Questions

2 0 0
                                    

Madison's POV

"Come in. Ililibre kita because you did a great job for today maid." saad ni Kaizer sa akin pagkapasok namin sa isang turo-turo. We are here in the same place where my Twinny and her boyfriend met before.

After kong magbihis kanina as Kaizer mandated me ay dito kami tumungo. Ewan ko ba at parang mabait si Kaizer ngayon.

"Ililibre mo talaga ako Sir??" I asked.

"Yup." Tipid nitong sagot.

"Yeyy! Thankyou boss! Gutom na ako eh."

"Patay-gutom kamo." Pambabara nito sa akin saka na siya pumunta sa place kung saan mag-oorder kaya naupo narin ako.

Grabe siya ah! PATAY GUTOM TALAGA? DIBA PWEDENG HINDI LANG PINAKAIN! Buti nalang naisipan niyang manlibre noh! Grabe kayang effort ang paglilinis ko sa library kanina. Natagalan tuloy ako sa paglilinis ng katawan dahil lahat ata ng dumi napunta sa akin.

After 5 minutes of waiting ay nakita ko na ang boss ko na papalapit sa mesa na may hawak na pinggan. Self-service pala tong pinuntahan namin. Walang waiter. Iniisip ko tuloy kung nagtitipid ba tong amo ko at mas gustong kumain dito sa mumurahin o sadyang kuripot lang talaga siya. Pero infairness ang gwapo niya parin kahit nakahawak na siya ng plate at nagmumukhang waiter in that situation. Kyaaaah!!!

What the hell! Ano ba tong iniisip ko. Pinagnanasaan ko na naman ba siya?? This can't be Madi! Remember! Siya padin ang walanghiyang lalaking nagnakaw ng first kiss mo. And worst, there is a connection between Kaizer and my twin sister that I need to find out.

"Kumakain ka naman siguro ng mga toh???"  Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala si Kaizer. Linatag niya ang pinggan sa lamesa na naglalaman ng puro street foods pero ang ikinalaki ng mata ko ay ang dalawang balot na naroon.

"Ano??? Tutunganga ka lang diyan? Common, let's eat Maid. Wag ka ng choosy diyan! Hindi sosyal ang bituka mo." saad nito at sinimulan ng lantakan ang nakahain sa mesa.

"Hindi pala ako gutom sir." Saad ko.

"Akala ko ba gutom ka? Sige na. Kumain kana. Wag ka ng mahiya. If you don't eat that babawasan ko sweldo mo."  Here we go again! 'Babawasan ang sweldo mo' thingy. Tss. Blackmail lang.

"K.fine." I have no choice kundi ang sundin ang inuutos nito sa akin. Well! He's the boss and I have nothing to do with it. Ayaw kong mawalan ng sweldo.

Pero seriously! Ipapakain ng Kaizer na toh sa akin yung Balot??? Eewwy! Isaw nalang ako. Agad kong kinuha yung isaw sa pinggan pero pinigilan ako bigla ni Kaizer.

"Who told you to eat that one? That's mine only, yung balot sa iyo?"

What??? Seriously?? Nag jo-joke ba ang lalaking toh!? Balot kakainin ko? No freaking way!!!

"A-ayaw ko po ng balot." I answered him honestly. Kesa masuka pa ako diyan noh. Ramdam kong namumula na ako at feel ko nagtaasan bigla ang dugo ko pataas. I don't know why. Basta ayaw kong kumain ng balot. Never in my life pa kaya ako kumain ng ganyan. Only to think that there is a little freaking chick inside that shell. OmG! I can't imagine myself eating those species.

"Ano? Tititigan mo lang ba yan hanggang sa maubos? You know what maid, hindi ka maganda, kaya kainin mo na yan at wag ka na mag-inarte."

Sigurado ba siya?? So pag maganda, pwede mag-inarte na hindi kumakain ng balot! ganun? Grabeng discrimination naman ng lalaking toh.

"Hindi na po ako gutom sir. Nahiya naman ako sa libre niyong itlog na may instant sisiw pa sa loob." wika ko.

"Arte talaga, di naman maganda."

"Hoy Sir! Narinig ko yun."

"Narinig mo ba? E di mabuti at hindi ka pala bingi. Dali na kasi! Kumain kana." Pagpupumilit pa nito at talagang hinarap pa sa akin yung sisiw na nasa loob pa ng shell. Matatadyakan ko na talaga tong hinayupak na toh. Kung hindi ko lang talaga siya amo eh.

"Eh ayoko nga talaga yang itlog sir. May sisiw kaya. Eww!"

Lumapit ito sa akin at ngumingisi-ngisi pa. "Ayaw mo ng itlog na toh? How about my egg!? You want it?" bulong nito na mas lalong ikinapula ng mukha ko. Syete! Anong egg ang pinagsasasabi niya.

"Oy! Sir ang bastos niyo. Sa inyo nalang eggs niyo noh.! Kaloka!"

"Bahala ka diyan. Hindi naman ako ang magugutom." saad pa nito sa akin at talagang pinamukha pa niya ang paglamon niya ng isaw na parang nang-iinggit. Bwisit na toh! Napapalunok nalang tuloy ako habang tinitingnan siyang kumain.

The hell! I'm hungry already. Pero hindi ko naman maatim na kumain ng balot dahil hindi talaga kaya ng sistema ko. Buti sana kung isaw, pero tong walanjong amo  ko, mukhang pinagdadamot pa.

I made myself busy watching my boss na takam na takam sa paglamon, samantalang ako ay lumunok lunok nalang ang ginagawa habang tinitingnan siya sa bawat subo niya ng kutsara. Lechhee!

After that, naisipan na din namin umuwi. At yun nga, naghihingalo na nga ang tiyan ko kaya sa kusina ang diretso ko. Buti naabutan ko pa si Roselia na lumalamon.

"Pahingi ah!" Pag-agaw ko sa kanya sa hawak niyang hita ng lechon manok na isusubo na sana niya.

"Grabi ka naman day! Gutum ako, baket yan pang hita kinuha mu? Peborit ko yan eh!" pagmamaktol pa nito at kumuha ulit ng kapirasong karne ng manok sa platito, pero wings na ngayon ang hawak niya.

"Shensya nhia Roselia hah, gushtom much lang kashe."

"Saan ka ba kase galeng day?? Baket mo kasama si Ser Kaizer kanina? Saan kayo nagpunta?" Out of the blue na tanong nito sa akin.

Bago ako sumagot ay uminom muna ako ng tubig dahil feel ko ay mabibilaukan na ako.  "Well, Roselia! Pumunta lang naman kami sa turo-turo dun sa bayan, tapos etong si Sir, bumili ng isaw tapos ipakain ba naman yung balot sa akin, ewww!"

"Ay! Choosy si ate girl!? Di naman pretty?"

"May sinasabi kah?"

"Wala day! At ano yung sinasabi mo? Turo-turo ba kamo? Yung malapit sa mini park sa bayan?" Tanong nito sa akin.

"Oo! Yun nga. Akala ko naman kung sasamahan ko lang si sir mag grocery eh, yun pala ginawa lang niya akong audience sa pagkain niya ng streetfoods. Tss" pagmamaktol ko saka na naman ngumuya ng lechon. Gosh! I'm so hungry na talaga.

"Malamang hindi pa rin yun naka move on." saad ni Roselia kaya napatingin agad ako sa kanya.

"Ano namang ibig mong sabihin sa hindi naka move on hah?"

"Kase day! Dun sa turo-turong pinuntahan niyo eh dun din ang favorite na puntahan ni Sir at ang girlpren niyang si Ma'am Jam. Kaya malamang nasa refinishing the past pa si sir."

"Refinishing the past ka diyan Roselia! Reminiscing the past kamo! Babaeng toh!"  Makapag-english naman kase eh.

"Ah basta yun na yun! Diyan kana nga." At iniwan nalang niya ako sa kusina.

"Hoy maghuhugas ka pa ng pinggan!" sigaw ko pero inirapan lang niya ako at nagmartsa na palabas ng mansion.

Ang babaeng yun talaga! Ipapasubo talaga niya ko dito sa kusina. Napangiwi nalang tuloy ako ng makita ko ang tambak na hugasin sa sink. The hell! Mapapasabak talaga ako nito. Gusto ko na tuloy umuwi kina manang Lily. Now na!

Nagpatuloy naman na ako sa pagkain. Pero hindi parin maalis sa isip ko yung sinabi ni Roselia. Kaya ba pumunta kami ni Kaizer dun sa lugar na yun dahil  nagrerefinish-- este nagrereminisce siya sa past niya? Takte! Nahahawa na ata ako sa mga out of the dictionary words ni Roselia! Myghad!  Pansin ko lang kase kanina habang kumakain siya, parang ang saya naman ng aura niya pero kung tititigan mo sa mata, makikita mo ang lungkot at pangungulila. Mas lalo tuloy akong naguluhan. Hindi kaya yung kambal ko ang tinutukoy ni Roselia na girlfriend ni Kaizer?? Whyyy??? And how??

Paano sila nagkakilala? When and where? Wala namang kwinekwento sa akin si Maxine noon. Aside from that, never niyang binanggit sa akin si Kaizer. May hindi ba ako nalalaman sa kanya before she's gone. I want to know the reason behind. Oh! Nooosss! Am I being paranoid now? Bakit naman ako macucurious???

Pero there is an eagerness in me na gusto kong malaman about sa past nila ng kapatid ko. Ang gulo mo Madison!

Miss HypocriticalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon