3-My Boss

0 0 0
                                    


Madison's POV

Pinili nalang naming maglakad Nina Mylet at Lynette dahil walking distance lang naman daw ang pupuntahan naming mansion kaya sumang-ayon na din naman ako.

"Ate Madi, ang ganda mo naman pala eh, pero bakit kailangan mo pang maglagay ng mga ganyan sa mukha mo para pumangit?" tanong sa akin ni Mylet.

"Oo nga ate Madi, bakit ayaw mo ba sa itsura mo?" Dugtong ni Lynette habang ngumunguya ng damo. Teka! Bakit kumakain siya ng damo? Saan niya nakuha yun? Talaga naman tong si Lynete eh. May lahi siguro tong kambing?

"Kasi ganito yun. Gusto kasi akong ipakasal ni papa sa anak ng business partner niya, pero ayaw ko. Kaya naglayas ako sa bahay."

"Mayaman pala kayo ate." Wika ni Lynette

"Eh anung connect ng pagpapanggap mong pangit ate?" Tanong ulit Ni Mylet.

"Bago ako maglayas, binalaan ako ni papa. Bibigyan daw niya ako ng 6 na buwan para magtago at makahanap ng lalaki para ipakilala sa kanya. Dahil pag nakita niya agad ako at wala pa akong naipapakilala sa kanyang lalaki na siyang tunay kong mahal, ipapakasal niya ako dun sa lalaking yun. Kaya nagpapanggap akong pangit, para hindi agad ako mahanap Ni papa at wala agad makakilala sakin at para narin mas may time pa ako para mahanap ang lalaking tutulong sa akin sa problema ko. That's why I'm here." Mahaba Kong saad.

"Paano ate kung gwapo pala yung mapapangasawa mo? Edi sayang!" Nanghihinayang pa si Lynette habang sinasabi yun.

"Ano naman silbi ng gwapong asawa Lynette kung hindi ka naman mahal at hindi mo din mahal? Pinapahirapan niyo lang sarili niyo." saad ko.

"Tama ka ate. Ito kasing si Lynette eh, ang hilig sa gwapo kala mo naman kagandahan." Pambabara ni Mylet sa kapatid.

"Kung hindi ako kagandahan, bakit crush ako ng crush mo, hah ate?" Singhal naman ni Lynette at mukhang napahiya naman si Mylet. Palibhasa, mas maganda kasi ng di hamak ang kapatid niya kesa sa kanya.

"Whatever Lynette." Taas kilay pa nitong sabi.

"Oh! Shut up nah. Wag na mag away okay? Saka alam niyo Mylet, Lynette. When it comes to love puso mo ang pairalin hindi mata. Kasi puso natin ang tumitibok hindi Mata, okay?" Pangangaral ko sa kanila.

"Okay ate." Sambit nilang dalawa.

"Kaya ikaw Lynette..." Baling ko Kay Lynette "Kung ang mata mo parin ang tumitibok at hindi yang puso mo, aba'y magpacheck up kana! Baka nagkabaligtad pala yang puso mo sa Mata mo." Litanya ko at nagtawanan kaming tatlo.

"Paano naman ate kung wala kang mahanap na lalaking maipakilala? E di magpapakasal ka din dun sa lalaking pinili ng papa mo?" Tanong ni Mylet.

"Hindi ko alam, bahala na." Saad KO. Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin ko. Basta ang alam KO lang, madami pa akong oras para masolusyonan ang problema ko and I need to start now kahit gulong-gulo parin ang utak ko.

"Ate andito na pala tayo!!!" Putol nung dalawa. Paglingon KO ay nasa harapan na kami ng malaking bahay. Mansion nga ang dating. Mas malaki nga lang ang mansion namin ng konti kesa rito.

Agad naman kaming nag doorbell at may lumabas na isang matandang babae.

"Magandang Hapon po." Masiglang bati ko sa kanya.

"Ay!!! Susmaryosepp! Betty La Fea is that you??" Gulat na tanong niya. Napagkamalan pa akong si Betty. At tong dalawang kasama ko ay mukhang nagpipigil pa ng tawa.

"Ay naku hindi po." Tanggi ko "ako po si Madi, naghahanap daw po kasi kayo ng katulong, mag-aaply po sana ako."

"Ah, oh siya sige pasok ka, eh yang dalawang kasama mo, mag-aaply din ba?" Baling niya kina Mylet.

Miss HypocriticalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon