8-That awkward moment

1 0 0
                                    


Madison's POV

Anak ng tokwa naman oh! Ang sakit na ng mga kamay at balikat ko. Gosh! Isama mo na din ang bewang at likod ko. Paano ba naman kase, after eating sumabak na agad ako sa sandamakmak na hugasin sa kitchen sink. Nakakaloka talaga si Roselia, tinotoo talaga niya na ako ang maghuhugas ng nasa lababo, inabot tuloy ako ng siyam-siyam.

"Oh! Anyare sayo day??" bungad na tanong sa akin ni Roselia habang bitbit niya ang basket na may mga natuping damit

"Heh! Don't ask me that way Roselia! Kasalanan mo toh, pinaghugas mo ako ng pagkarami-rami, ansakit na tuloy ng katawan ko." I said while massaging my shoulders.

"Ang OA mo Madi ah! Ang liit lang kaya ng hinugasan mo. Halika nga rito at dalhin mo tong basket sa kwarto ni sir Kaizer."

What?? At humirit pa siya ah! Uutusan pa talaga ako.

"Anong-- Bakit ako magdadala niyan??"

"Eh sa may mga lalabhan pa ako dun noh, tsaka tapos ka naman na maghugas day! Kaya sige nah!" inabot niya sa akin ang basket. I have no choice kundi ang kunin ito dahil tama naman siya na tapos na ako sa gawain ko.

"Eh bakit sa kwarto ni Sir Kaizer ko ilalagay mga toh? "

"Hayys! Malamang mga damit yan ni Sir Kaizer, alangan namang ilagay mo sa kwarto ni Sir Hendrick?? Bobo mo din fren!"

"Wow Roselia! Makabobo ka naman. Talino mo. Coming from you hah??"

"Dami mong satsat Madi! Dalhin mo na nga kase, may i chichika ako sayu mamaya day!"

"Oo nah!"

Nagtungo na si Roselia sa likod at ako naman ay umakyat na sa taas. Ang bigat din pala nitong basket na hawak ko. I'm sure mas dodoble ang sakit ng kamay ko after this. Mukhang na torture na nga ng bongga! My precious hands! Omoh!

Pagkarating ko sa harap ng kwarto ni Kaizer ay agad kong binaba ang basket at saka kumatok pero wala akong narinig na sagot kaya kumatok ulit ako ng kumatok ng bigla nalang bumukas at bumungad sa akin yung itsura ni Kaizer na basa ang buhok. Mukhang katatapos lang maligo dahil tumutulo pa ang mga butil ng tubig mula sa kanyang buhok. Nakasilip lang siya at half open lang ang pinto kaya ang ulo lang niya ang nakikita ko.

"Oh! Betty, ikaw pala. May balak ka bang sirain ang pintuan ng kwarto ko?" bungad niyang tanong.

"Malapit na Sir!" Prangka kong sagot.

"Haha. You're so funny talaga. So what brings you here??"

"Ano sir, ilalagay ko lang sana tong mga damit mo." sabay turo ko sa basket na naglalaman ng mga damit niya at mukhang plantsado na din.

"Okay, pasok kana." Saad niya saka linuwangan ang bukana ng pinto. Nakita ko tuloy ang kabuuan niya.

Syeeeeet! NAKATAPIS LANG SIYA NG TUWALYA! HALF NAKED AMPUTSS!! OHMYYYY! THOSE 1-2-3-4---- 8 PACKS ABS! ANG HOT NIYA---

NO! ANO BA TONG NANGYAYARI SAKIN. WHAT THE HELL MADISON! BAKIT TITIG NA TITIG KA SA KATAWANG YAN! INSTEAD OF STARRING AT HIM! WHY DON'T YOU COVER YOUR INNOCENT EYES! HINDI DAPAT MASAKSIHAN YAN NG MGA MATA MO!!

PERO ANG SARAP TITIGAN EH--- AY! ANAK NG PUCHA NAMAN OH!! ANONG MASARAP MASARAP NA SINASABI KO.

"Hey! Betty! I said come in! Tulala kana diyan."

"H-hah?? Eh sabi ko nga sir! Papasok na ko." Syeet! Natulala ba talaga ako?

Biglang bumalik ako sa ulirat ng nagsalita si Kaizer. Pero what the hell lang! Kailangan talaga ibalandara niya sa aking ang half naked niyang body?? Well, I can't deny the fact that he had that so awesome and hot body but Duhh! Babae lang din ako, marupok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss HypocriticalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon