40

159 5 1
                                    

Taeyong

"Langya naman yan,Som! Tigilan mo na yang kaiiyak sa hype na yon!"

Sinusulyapan ko lang sila na nasa backseat gamit ang rearview mirror habang nagmamaneho ako.

Kahit di ako tumingin ay rinig na rinig ko ang lakas ng hagulgol pati na rin ng hikbi nya.

"Ano pa bang iniiyak mo? Huy!"

Napailing na lang ako dahil sa sinabing yun ni Seulgi.

"N-Naiinis ako sa sarili ko!" Muli syang napaiyak. "Para akong tanga a-ate."

"P-Pinagmukha nya akong tanga. Shit l-lang.",sabi nya kahit hirap na syang huminga.

Napabuntong-hininga na lang ako at napahigpit ng kapit sa manibela.

Kahit ako man ay nagagalit. Kahit kaibigan ko si Mark ay kahit kelan, hindi magiging tama ang ginawa nya kahit ano man ang rason nun. Kalokohan nila. Tss.

Ginago nya lang si Somi.

Di ko alam kung naapakan ba ang ego nya noon kaya sya pumayag sa suhestyon na yun ni Haechan para daw malaman kung may feelings pa ang ex nya sa kanya. Kingina. Nagpustahan pa nga ang mga lokong yun.

"T-Tama na,Som.",humina na ang boses ni Seulgi at kalmadong inalo ang pinsan.

"Kung h-hindi ko pa nakitang may kasama syang iba babae kanina ate,di ko pa malalaman."

"Ang lakas pa ng loob k-ko. Punyeta. Ako pa ang lumapit." Pilit syang tumawa na ani mo'y may nakakatawa talaga.

"Yun pala yung totoong girlfriend. Pakshet naman talaga. Hahahaha! Ang gago lang,ate. Ang tanga ko din eh!"

Huminga ako ng malalim habang nagpipigil ng galit.

Nahihirapan din akong makita sya ng ganyan.

Oy,Crush kita. [nct epistolary #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon