Indie for In Denial

7.6K 16 3
                                    

Wow wowwee sinong di mawiwili.. Kinilig naman ako! Thanks ng marami kay AqcYOBO, GhelCalma, TheHeartOfSandy, icanCEEyou  for liking/adding my story. And isang special shout out to NadzraleenHasim, for being my first fan. Isang siksik, liglig at umaapaw na thank you sa inyo mga baks.. at sympre dun sa mga bumasa. Bibigyan ko kayo ng tig-iisang sakong bigas bilang pasasalamat ^^,

I uploaded a short story entitled Ninja, isang chapter lang sya. Hope you guys could check it out =D

and now, on to our story.. may mga eksena dito na totoong nangyari talaga. Hulaan nyo na lang kung alin jan hehehe

- V


=============

"Areku! Anak ng.." hinanap ko yung tumama sa tenga ko. Yosi. Alam ko hindi masakit tamaan ng sigarilyo, pero kung isang pakete aba eh ibang usapan na yun. Pag-angat ng tingin ko, padating sila Rico, Joshua at Noel, nakatingin na parang mga nakakaloko.

"Hoy ano inarte nyong dalawa jan ha?!" Sabi ni Noel.

"Pare sweet-sweetan sila, tween harts daw!" hirit ni Joshua. Nagtawanan ang mga impakto. Pati si Chino nakikitawa. Nakitawa na rin ako. Awkward!!

"Gago kayo.." sagot ni Chino sabay tayo sa kinakaupuan nya. "San ba kau galing? Joshua asan yung kasama mo? Hiniram nya yung pick ko, baka itakbo nun." sabi pa nya.  Wow hanep sa segway. Ang bilis ng ikot. Parang walang nangyari lang. Sabagay, may nangyari nga ba? Baka naman nag gaganda gandahan lang ako, kaya feeling ko ganun, pero wala naman talaga. Baka naman imagination ko lang.

"Itatakbo? eh ginupit na sim card lang yung pick mo. Ambisyoso ka naman masyado tol" tumatawang sabi ni Joshua.

"Gago, Zildjian yun" sabi ni Chino. "Hanapin ko lang si Mauricio" sabay alis. Naiwan akong nagtataka habang tinitingnan syang paalis. Hmm. Ano ba yun? Kaloka.

"Sama kami!" Humahabol na sabi ni Joshua at Noel. Pinanood ko silang tumakbo papunta kay Chino.

"Kat wag." Bulong ni Rico sa kin. Hindi ko napansin katabi ko na pla sya.

"Wag ang alin?" kunot nuong tanong ko.

"Wag kang magtanga-tangahan, alam mo kung ano sinasabi ko. Yung inabutan namin kanina"

"Ano ka ba, wala yun. Sus" sagot ko, hindi ako makatingin sa kanya.  Na-guilty ako bigla. Alam ko sa kin nagkaron ng epekto. Hindi ko masabi kung meron kay Chino. Parang wala naman. Sa Guilty Party ako na ang host, ang caterer, ang nag-iisang umattend.

"Sinasabi ko lang sayo. Ayokong magkasira sira tayo. Tatlong taon na tayo magkakasama, ang pangit naman kung dahil sa libog nagkawatak watak tayo." seryoso pa ding sabi ni Rico

HardcoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon