Bago ang lahat ate charo, nais ko po munang pasalamatan ang mga taong ito: yohjiko
AppleGraceAntimaro, youthgonewild AT *drum roll please* kay BitterSweetStrange sa nakakakilig nyang feedback.
At siempre sa mga readers na hindi ko nabanggit, thank you din sa inyo. Sorry hindi ko alam mga username nyo eh. Mag like kasi no pra mabanggit ko din ahahahaha!
And now with our story..
-------------------------------------------------------------
Kanina pa ko nakatingin sa professor ko pero wala akong maintindihan sa sinasabi nya. Una, nadi-distract ako sa namumuong bula ng laway sa gilid ng bibig nya. Pangalawa, lutang ang isip ko sa paulit ulit na pag rereplay sa eksena namin ni Chino nung Sabado. Yung paguusap namin
minamalat na kaka-replay. Kung nai record sa CD, tumatalon na.
Inuulit-ulit ko sa isip ko ang eksena, at wag ka hindi nawawala yung kilig. Napaka-kiri ko, promise. Para kong timang na ngumiti, tumatawa mag-isa. Kilig na kilig naman daw ang pechay ko.
Habang inulit-ulit din ang tanong ko sa sarili ko kung ano ba isasagot ko sa kanya. Oo, alam ko, guapo si Chino, minsan malambing, pero mas madalas na masungit. Sanay na ko sa mood swings nya. Kung sa type ko, oo type syempre.
Sino ba ayaw sa guapo, mataas, magaling mag-gitara? Bakit gusto mo ba ng pangit na, bansot pa? Ewan ko lang ha, pero parang nae-excite akong makita sya gusto ko syang kurutin sa pisngi na madiin na madiin sa pangigigil ko sa kanya. Gusto ko sya makita. Now na! Agad-agad! Tsk pero.. pano naman ang sinasabi ni Rico? Yun ang kinakalito ko. Pano kung totoo ang sinasabi ni Rico. Matagal na kaming magkaibigan baka instead na maging advantage sa relasyon namin, maging liability pa. Ang nakaka-intriga pa dito, ano yung dinadrama ni Rico? Ay naku! Nahi-his-stress ako.
Oo, talagang may H.
Kung hindi pa nagtayuan ang mga kaklase ko, hindi ko pa mapapansin na tapos na pla ang klase. Paglabas ko ng classroom, sinalubong ako ni Jay na nakasimangot.
"Ilang oras break mo? nakasimalmal nyang tanong.
"Mga one and half hour, bakit?" Patingin-tingin ako sa paligid, hinahanap si Chino.
"Tara kain tayo, depressed ako" ah kaya pala nakasimalmal..
"Depende. ililibre mo ba ko?" pa-cute na tanong ko sa kanya.
"Tigas ng muka mo." Ayay Yay hindi sya natawa.
"Joke lang! Sensitive mo naman. Saka bat yang mga gerlat mo naililibre mo, ako ni malabsang fries hindi mo maibili?" bawi ko sa kanya.
"Depressed nga.. Ikaw mukang ligayang ligaya ka" napansin din pla ni Jay na parang nai-guntucker ang ngiti ko.
"Masaya lang ako" pinipilit ko na wag ngumiti para sabayan ko ang pagka-depressed nya. Syempre dadamayan ko di ba.
"Cge mmaya kwento mo" sagot naman nya. Kaya mahal ko tong si Jay eh, kahit may problema sya handa pa rin sya makinig sa iba..
------------------------
"Alam mo may tama si Rico eh" sabi ni Jay sakin habang winawagayway nya sa muka ko ang french fries. Feeling nya siguro pag dinutdot nya sa muka ko ang fries, mage-gets ko agad kung ano man ang sinasabi nya.
"Alam ko. Pero pipigilan nyo ba ang dalawang taong nagmamahalan?" Arte ko sa kanya na mala tele-nobela. Santa Marijuana Byuda de Shabu! Kinikilabutan ako sa mga sinasabi ko, ang mushy!