Sorry naman daw kung antagal ko nag upload, two weeks rin yun, kasalanan yan ng SlowBro.. Kasalanan din yan ng American Idol, talo si Jessica.. Grrr!!
Special mention to these following peeps: AndreaJean4, AnneAlkuino-Nunag, janggeum, CiaraCon-conUribe, lilpanget, IndyEpanag, essiralc. Bongga pa kayo sa mga bongga mga baks! Thanks!
And now on to our story..
---------------------------
Tatlong oras mula ng dumating kami sa condo ni Rico.
Two hours mula ng magsimula kaming mag-inuman.
Tatlong oras at trenta minutos din mula ng makasakay kami ng jeep.
Three hours and 10 minutes na rin kaming hindi nagkikibuan ni Chino.
Hindi ko alam kung ano problema nya, pero isang kalabit na lang ng payat sasabog na ko sa inis. Minsan lang nya ko kinausap, binara pa ko. Kanina sabi ko ayokong uminom. Wala kasi kong pera, wala akong pamatak, Lunes pa dating ng allowance ko. Aba, aba, aba at aba pa, ang Chino nag-galing-galingan. Naglabas ng Four Kwit (meaning: P4000) saka nagpabili ng beer at pagkain. Sabi ko hindi kako ako iinom, kasi hindi naman ako nag-ambag, sagot ba naman sa akin "wag kang masyadong maarte, lahat walang ambag. Sinagot ko na nga lahat nag iinarte ka pa" Aray ko! It hurts ha! Hindi lang kasi yung salita, pati delivery, masakit sa tenga. Sa bwisit ko, hindi ko sya kinausap. Pati tingin, hindi ko rin sya tinitingnan. Bahala sya sa buhay nya.
Kanina pa bumabangka si Chello, ang babaeng nadampot ni Joshua kung saan. Nakakatawa sya. Game sya sa mga kabalasubaan ng mga kaibigan ko. Meaning, balasubas din sya. Pero in a good way. Para syang babaeng Joshua. Tingin ko, alam nya na sa malamang bukas hindi na sila magkakilala ulit ni Joshua.
"Eto Chello sagutin mo, spit or swallow?" Tawanan lahat sa tanong ni Noel. Pucha bastos talaga tong si Noel, tama bang itanong kay Chello yun? Or kahit kaninong babae?
"Syempre swallow!" sumagot naman ang loka. Sigawan sila sa sinabi ni Chello. Tumawa lang ako. Bat naman ako makikisigaw?
"Pare! Swallow daw! Yum yum yum! Ping ping ping!" sigaw ni Noel kay Joshua habang tinutuktok-tuktok pa ng kutsara ang baso sa harap nya. Kilig na kilig!
Ang ngiti ni Joshua lumalagpas sa tenga. Akala mong nanalo sa jackpot. "Sure ka, swallow ha!" nanigurado pa si gago.
"Oo naman! Pinaghirapan ko tapos idudura ko lang?" tatawa tawang sagot ni Chello.
Lalong nagsigawan ang mga lalaki sa sinabi ni Chello. Napatingin ako kay Chino na tatawa tawa rin sa gilid. Nang mapatingin sya sa kin inirapan ko sya. Oo umirap talaga ko. Ang taray no?!
"Syet! Chello mahal na kita!" sabi ni Joshua na umaarte pa na parang napana.
"O kala ko ba hardcore kayo? Walang love! Sex lang!" wow sa statement si Chello. Nalowka daw akong bigla.
"Ayun! Panalo! Panalo ka Chello Baby! Akin ka na lang!" sigaw ni Rico.
"Eh ikaw Kat? Sa mga kabarkada mo sino masarap?" tanong ni Chello sa kin.
Napatingin ako kay Chino nakatahimik lang syang naka-tingin lang din sa kin. Umiwas ako ng tingin.
"Naku lahat!" Sabi ko naman.
"Lahat?!" shocked na sabi ni Chello. Nasa-shock din pla tong lukaret na to.
"Lahat masarap.. masarap sipain!" lalo na yung isang tao dito.
"Hindi! masarap sa" sabay kindat sa akin ni Chello. Kaloka sya talaga.
"Wala! Parang patatas yang mga yan" sabi ko na lang para matapos agad.
"Bat patatas?
"Mga ma-lupa yang mga yan eh.. puro libag" Nagtawanan lahat. "Saka respeto na lang sa sarili ayokong patulan mga yan. Puro manyak yan eh!" sabi ko pa.
"Yabang nito!" Sabi ni Maui habang naka-simangot sa kin. Binelatan ko lang sya.
"Wag mong tanungin yang si Kat. Parang si Jay yan, lalaki yan sa gabi" epal naman ni Noel.
"Tarantado! Rico buo ba microwave mo? Initin ko yung pizza" pag-iiba ko sa usapan.
"Oo buo yun. Eto Chello, helicopter o scissor?"
Hindi ko na pinakinggan kung ano ang isasagot ni Chello. Tumayo na ko at pumasok sa sala pra kuhain ang isa sa tatlong kahon pa ng pizza saka ako pumasok sa kusina. Sinalin ko ang pizza sa pinggan saka ko nilagay sa loob ng microwave. Naririnig ko pa rin ang sigawan at tawanan nila mula sa terrace. Habang hinihintay ko ang pizza, kumuha ako ng toothpaste at nilagyan ko ang daliri ko para mag finger toothbrush. Naghilamos na din ako ng mukha sa lababo. Naisip ko, dadalin ko na lang sa kanila ang pizza, pero ako matutulog na. Umaga na, sigurado absent na kaming lahat.
Nagpupunas ako ng tuwalya sa muka ng-
"Bat ka ba nagagalit?"
"Anak ng! Pucha ka Chino! Aatakihin ako sayo. Wag kang nanggugulat!"
"Hindi kita ginugulat, galit ka ba?"
TING!
Sabay kaming napatingin sa pinanggagalingan ng tunog. Signal ng microwave na mainit na ang pizza. Pupuntahan ko na ang pizza ng hatakin ako ni chino sa braso. Tumama tuloy ang siko ko sa refrigerator na nasa likod ko.
"Aray ko!"
Hinimas himas ni Chino ang siko kong tumama "Galit ka ba sa kin?"
"Tsk! Ano ba inaantay nila yung pizza!" Hinatak ko pabalik ang braso ko pero mas lalo nya lang hinigpitan ang hawak.
"Wag mo intindihin yan, matatanda na yung mga yun. Ano? Galit ka ba?" makulit nyang tanong.
"Bat ako magagalit? May dapat ba ko ikagalit? May ginawa ka ba?" Hmmm ano kaya isasagot nito?
"Trick question ba yan?" Hah! Hindi ko ine-expect na yun ang sagot nya.
"Tingin mo?" Bahala syang mag isip.
Inalis nya ang pagkakahawak sa kin at namulsa.
"Labo mo namang kausap.."
"Ikaw ang malabo! Kanina ka pa ah!"
"Oh eh di galit ka nga.."
"Ewan ko sayo!" Tinalikuran ko sya pero hinila nya ko ulit at isinandal sa ref.
"Sandali muna.."
"Ano?!"
Bumuntunghininga sya "O sige sorry na. Kung ano man yung kinakagalit mo, sorry na."
"Bat ngayon nag so-sorry ka? Kanina ikaw ang umaaway sa kin"
"May sumpong lang ako nun. Saka bat naman kita aawayin?"
"Yun nga eh! Bakit?"
Nagbaba sya ng tingin. Parang nag iisip. Bumuntunghininga na naman sya. Sa dalas bumuntunghininga nitong taong to parang napakarami laging problema.
"Kat.." pangungulit pa nya sa kin.
"Ayos na yung pizza?"
Napag igtad kami pareho sa gulat sa boses ni Rico.
"uhmm oo ok na, kunin mo na lang, matutulog na ko" sabi ko pili na pilit na nagpapa casual.
"Sige dun ka na lang sa kama ko, sa sala na kami" sabi ni Rico pero kay Chino nakatingin. Si Chino namulsa lang at tumingin din kay Rico.
"Ano ba drama nyong dalawa?" Nagdududang tanong ni Rico.
"Wala" mabilis na sagot ko
"Wala ba yun? Twing aabutan ko kayo lagi kayong magkadikit?" kunot nuong sabi nya sa amin. pakialam ba nitong si Rico?
"O eh ano naman? Bat sa inyo ba hindi ako dumidikit?" Naiinis na ko sa mga tanong nya.
"Hindi! May iba yung sa inyo eh" Nag-aakusa pang sabi nya.
"Nyak! Praning ka rin eh no" Tumawa na lang ako pra hindi na humaba ang usapan.
"Basta ang sinasabi ko lang pag tropa, tropa. Walang taluhan" sabi pa ni Rico. Honestly, what the big deal, magic seal?
"Ano ba problema mo?" Sabi ni Chino na ngayon lang sumagot, naka lamukos ang mukha nya, halatang naiirita rin kay Rico.
"Alam mo kung ano. O baka nakalimutan mo na?" matapang na sagot ni Rico. Ano kaya yun? Since highschool kasi magkakabarkada na si Chino, Rico at Maui. Hmmm intriga! Syohbeez!
Tumingin lang si Chino kay Rico. Parang nanghahamon. Ewan ko kung dine-dare nya na magsalita o huwag masalita. Don't ask me man, I dont know the inner workings of the mind of a brooding man. Naks spokening dollar. Dahil sa pizza to, nasayaran kasi ng keso dila ko.
"Baka lumamig ang pizza. Wag na kayong magtitigan jan at baka magka-in-love-an pa kayo." sabi ko na lang para masira ang kung ano mang tensyong meron sa kanila. Eh kung magsuntukan, tas tamaan ako? Puhleese puhleese na may uhm-uhm-ng matulis, ayaw!!
Tumingin lang si Rico sa kin at kinuha ang pizza. "Tara na Chino" aya nya.
"Mauna ka na, may sinasabi pa ko kay Kat"
"Tara na." Matigas na aya ni Rico. Oha sabihin ko kaya na hawakan nya sa ilong? Gagawin kaya?
"Wag ka ngang makulit tol. Sinabi ko susunod ako, ok?!" iritadong sabi ni Chino. Ahh dito ko lang kaya sabihin kay Chino? Gagawin kaya?
Tiningnan ni Rico si Chino ng matagal saka tumango at lumabas sa kusina. Syet! Napaka anti-climatic naman. Ganun lang?
"Ano bati na ba tayo?" Baling ni Chino sa kin. Here we go again.
"Ano ba yung sinasabi ni Rico?" Tsismosa on the loose watch out!
"Wala yun." hmmm secretive..
"Para kasing galit eh kulot na kulot ang kilay.."
"Hayaan mo sya. Sagutin mo ko, ano bati na tayo?" Naku ha parang nanliligaw.
"Naks para kang nanliligaw ah.."
"Bakit puede ba?" Ha? Ano daw? What? When? Where? How? What?
"Huh? Ano?" my gulay, kinabog naman akong bigla. Ano ba Chino, wag kang ganyan.
"Hirap mo naman kausap." Hindi ako makapag-isip, ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.
"Ang gulo mo kasi kausap." sabi ko na lang. Wala akong masagot sa kanya.
"Ang simple simple ng tanong ko sayo" Simple ba yun? Sa simpleng tanong nya napakaba nya ko ng ganito pano pa pag mahirap? Kaya nga ayoko sa math, sa sobrang hirap, napapanaginipan ko pa sa gabi na hinahabol ako ng numbers.
"Ang taas kasi ng level ng shock value ng tanong mo."
"Cge isipin mo na lang muna, basta bati na tayo" Yan mga ganyan lang. Keri dalin ng puso ko yan mga ganyang statement.
"Oo na.."
"Oo ang alin?" Tanga ba ito?
"Tanga! Eh di oo bati na tayo."
"Eh dun sa isa kong tanong?" Ha? Ano daw? What? When? Where? How? What? Ano ba. Hindi pa ko nakaka-recover sa shock ko kanina eto na naman sya.
"Yun ang trick question. Siyempre pag um-oo ko pra ko na rin sinabing oo tayo na.." Tubig! Asan ba ang tubig? Nauuhaw akong bigla.
"Bat ayaw mo ba? Ako kasi gusto ko." Ha? Ano daw? What? When? Where? How? What?
"Question overload. Andami mong tanong para kang test paper." Ano ba, nakatingin sya sa akin pero ako hindi ako makatingin, para kong nalulusaw.
"Umiiwas ka lang sagutin" sabi nya sabay hinawi nya ang buhok ko at sinabit nya likod ng tenga ko. Nanlambot ang tuhod ko bigla. Ano ba Katarina! Si Chino lang yan! Hindi mo kailangan kabahan. Mentally, gusto ko sabunutan ang sarili ko. Hindi ako dapat umarte na parang kinse anyos na ngayon lang naligawan. Hindi ko alam pero hindi ko mapigil ang kabog sa dibdib ko.
"Eh akala ko ba iisipin ko muna?" mahinang sabi ko. Nalilito ko. Gusto ko ba si Chino?
Natawa si Chino. "Cge isipin mo muna" Saka sya tumalikod at lumabas ng kusina.