ang tagal ko mag upload, kasi sa totoo lang, nakukulangan ako sa storya ko.. prang naka rewind, ang bilis ng mga eksena.. edit ko to paunti-unti.. for the meanwhile, bear with me, buoin ko lang yung storyline tas ska natin ayusin.. amen? amen.
---------------------
Simula ng mareceive ko ang text ni Chino kahapon, iniisip ko na kung ano ba gagawin ko para makaganti sa kanya. Madaming eksena na tumatakbo sa utak ko. May ma-drama, may ma-aksyon, may comedy. hinihintay ko pa yung may horror. Pero iisa ang ending, tumatawa ako palayo kay Chino na duguan, umiiyak, naglulupasay, kinakain ng hantik. Wala, walang maganda. Gusto ko kasi yung grabe ang impact. Yung hindi niya makakalimutan. Ang drama no? Pero kahit gano ka-drama ang inarte ko ngayon, hindi ko pa rin makalimutan na napahiya ako. Kay RIco, kay Jay, kay Maui (hindi kay Noel, walang kamuwang muwag yung isang yun) at higit sa lahat sa sarili ko. Yung ang mas mabigat eh, napahiya ako sa sarili ko.
Pabiling biling ako sa kama, hindi ako makatulog kakaisip. Hindi ulit pumasok si Chino kanina, kaya hindi ko siya nakita. Honestly, hindi ko pa din alam kung ano magiging reaksyon ko pagnakita ko siya kaya thankful na din ako na absent sya. Kung kasi sisigawan ko, parang ang OA ko naman. Kat Drama Special. Hmm... hindi bagay. Kung hindi ko naman papansinin, halatang apektado ko. Kung papansinin ko naman, baka hindi ko matiis, bigla ko na lang siya itulak sa bintana ng 8th floor ( tapos bigla ko sasabihin "huh?! bakit sya tumalon?" isa yan sa mga eksena na naiisip ko)
Natigil ako sa pagsisntemyento ng tumunog ang celfon ko.
ok ka lang? kahapon pa kita tinitingnan, tahimik mo
Galing kay Jay.
Ok lang. Reply ko.
sure ka? baka naman apektado ka. Narinig ba nya yung paguusap namin ni Maui?
san?
ed dun sa sinabi ni Maui. Syet. Narinig nga.
wala yun
wala yun eh kahapon ka p nagmu2kmok
Naisip ko i-tanggi. Pero naisip ko din si Jay to. Alam namin ang baho ng isa't isa. Kung meron mang tao na alam ko na hindi ako iiwan, si Jay yun.
nabwibwisit lang ako. napaikot ako eh Pag-amin ko sa kanya
para naman kasing hindi mo kilala yung si Chino. malaki sapak nun sa ulo. hindi kita masisisi guapo eh
y? type mo? hehehe
gago mas guapo ko dun. kung yun lang ang dinadrama mo eh di paikutin mo din sya
Huh? Hmm.. Bat hindi ko naisip yun? Pucha na-bobobo na talaga ko.
nice.. cge cge pagiisipan ko yan
basta wag mo intindihin. o kaya kung gusto mo change team ka na. dito sa team ko mas masaya.
ayoko sa mani. tinitigyawat ako hehehe
gago. matulog ka na nga.
hehehe nyt! lab u bestfriend
korni mo tanga
Inilagay ko sa ilalim ng unan ko ang celfon ko habang nangingiti ngiti sa usapan namin ni Jay. Siya lang nakapag pangiti sa akin since kahapon. Kahit nakokornihan sya (pati ako) pero alam ko deep inside, lab ko talaga bestfriend ko.
Siya naman ang paikutin mo. Tama. Two can play this game.
---------------
sensya na kung maigisi.