Chapter 1

190 7 0
                                    

Ayells’s POV

Sa Princeton Academy

“Okay class, this will be our last meeting for this semester. I hope you learned a lot from my lectures and good luck! Grades will be released after 3 weeks so check our school's student portal. Thank you and have a wonderful vacation” sabi ng professor

Haaay maka uwi na nga muna, mamayang 4pm pa tapos ng exam ni Chel at Jen. Housemates ko sila dito sa manila since di ako pumayag na sa bahay namin sa QC tumira kasi andun sila kuya. Pumayag si daddy na mangupahan ako ng apartment pero dapat kasama daw ang yaya ko. Syempre tumanggi ako, edi ganun din, edi sana sa QC nalang ako tumira kung magsasama pa ako ng yaya. Kaya nag hanap ako ng housemates and BOOOOM! Pumayag naman sila Chel at Jen makasama ako since naghahanap din sila ng matutuluyan malapit sa school.

Nilakad ko lang papuntang school na 2 kanto lang naman ang layo sa amin. Pag kadating ko ng bahay binuksan ko yung tv. Lipat ng channel, pindot pindot pindot. Haaaay! Nakaka bagot, makatulog na nga lang.Umakyat na ako sa 2nd floor kung saan may 3 kwarto, akin yung nasa kaliwa. Feeling ko na drain ng exam yung energy ko kaya pagkahiga ko bigla na akong nakatulog.

“Ayell! “ “Ayell gising na aalis pa tayo!”

Di ko namalayan kung ilang oras na akong natutulog, nagising nalang ako sa katok at sigaw ni Chel at Jen. Bumangon na ako, harap sa salamin at nag ayos ng sarili, pagkatapos binuksan ko na yung pinto.

“Waaaaah! Sorry, nakatulog ako, tara na!” sabi ko

“lez gow! Haha” sabay sigaw nila Chel at Jen.

“Ano, nakapag empake na ba kayo? Sa Sunday na flight natin.” Friday na ngayon at isasama ko sila sa probinsya namin dahil mapilit etong dalawa, gusto daw nila makapunta ng Bacolod kasi malapit lang daw sa Boracay.

“I’m half way done, may bibilhin pa ako later sa mall e” Chel habang si Jen naman busy kakatext. Haha lumalablayp ata ang lola niyo.

Bumaba na kami tapos sumakay na kami sa kotse ko. Yup may kotse ako, kahit papano mahal naman ako ng daddy. After 30mins nakarating na kami ng Mall, ikot ikot.. pasok sa department store. Bumili kami ng swim suits, sun block at kung ano ano pa. ilang oras din kami naglibot libot nakakapagod.

“Hey, di pa ba kayo gutom? It’s 7:30pm already, kain nalang tayo dito para d na tayo mag hugas ng pinagkainan mamaya.” Himala at nag reklamo ang lola niyo, minsan kasi tatahitahimik lang yan. hihihi (^.^)

“naiisip niyo ba naiisip ko?” tanong ni Chel, tinginan kaming tatlo.

Sabay..

“KFC!!” sigaw naming tatlo. Haha mga baliw lang, d naman naming paborito ang KFC hehe. Umorder kami ng tatlong fully loaded at Up-sized drinks.

“Nam nam namnam.. burp! Saraaaaap.” Nabusog kami dun ha. Buti nalang mom ni Jen yung may ari ng coffee shop na pinag tratrabahuan ko kaya pumayag na mag leave ako ng mataggal. Siguro nagtataka kayo kung ba’t ako nag tratrabaho. Simple lang naman, ayokong umasa sa pera ng daddy ko para wala ng masabi mga kuya ko. Kaya eto, barista ako sa coffee shop malapit sa mall.

 “Grabe kapagod! Makpag FB nga!” Nakarating na kami ng bahay past 8pm.  Umakyat na ako sa kwarto, binuksan ung laptop. Hmmm kalikot kalikot. haaaay wala namang bago, puro friend request ng mga d ko kakilala. Makatulog na nga lang. Pag kahiga ko nakatulog din ako kagad.

Kinabukasan maaga akong nagising. 6am plang bumaba na ako sa kusina para magluto ng makakain. At dahil pag priprito lang alam ko kaya sunny side up at fried rice niluto ko. Prito prito..

urk gurk “nag rarally na mga alaga ko >.< gutom na ako, 7am na tulog pa din sila!? grabehan naman tong mga to”

“Chel! Jen! Gising na! kakain na!”

"Chel! Jen! " wala pa ding sumasagot.. haaay makakain na nga lang..

Pagkatapos kumain nilagay ko na sa lababo pinagkainan ko at nanuod ng tv. Siguro tatlong oras na ako nanunuod ng tv ng marinig ko silang bumababa na.

“nauna na akong kumain, tagal niyo magising e”

“sige okay lang,madalingaraw na kaminakatulog ni Chel.” Jen

“bakit anu ba ginawa niyo?”

“nanuod ng koreanovela, Dream High, di na nga naming natapos sa sobrang antok” Chel

“Adik kasi kayo..haha kain na nga kayo”

Hanggang sa nag lunch na at nag dinner, buong araw kami nag ayos ng gamit at nag empake. Bukas na ng tanghali flight namin papuntang Bacolod. 12midnight na kami natulog kasi nakinuod din ako ng DreamHigh. Hehe gwapo kaya ni fafa Jayson dun.

Kinabukasan maaga palang gumayak na kami, 10:45am flight naming kaya dapat 7 palang nakaalis na kami sa bahay.  Pagdating naming ng airport nag check-in na kami kaagad para mas sure.  Kinuha ko camera ko, picture picture ng kung ano ano.

“Chel, Jen! Tara picture tayo para may souvenir kayo ng 1st flight niyo papuntang Bacolod. HAHA” tawanan kami. Hanggang sa Boarding Time na kaya nag ayos na kami at pumasok na sa plane. Nag take off na ungplane, naalala ko si mommy, babalik na naman ako sa bahay namin. Bigla akong nalungkot, makaidlip nga muna.  1hour and 45 mins din ang byahe nag touchdown na sa airport ng Bacolod yung eroplano. As usual, si Nanay Remy ang mayordoma at si Kuya Bong yung driver naming ang sumundo sa amin.

“Mariel anak! Namiss ka namin!” yakap ni Nanay Remy.

“Namiss ko din po kayo. Nay kuya, si Chel at Jen pala housemates ko sa maynila.”

“Ay kagagandang mga bata! Tara tara at inaantay ka na ng daddy mo sa bahay.” Lumakad na kami papunta sa kotse. Halos isang oras din ang byahe papunta sa bahay namin, sinadya talagang malayo sa kabihasnan ( HAHA! Ang lalim nun ha). At andito na kami, Welcome home Mariel Nikka De Guzman.

A/N:

Ngayon nagbalik na si Ayell, anong mga kaganapan kaya ang nag aantay sa kanya. ABANGAN sa next chapter :)

Please comment. nagmamakaawa po :( . It will be highly appreciated. Thank you! I'll post the next chapter if mabasa ko na po comments niyo :)

Mistaken IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon