Chapter 5~ I thought...

32 2 2
                                    

“Nice to meet you Belle and...” di ko na natapos ng biglang humarap si Ken

Humarap yung Ken and natulala ako. Ken?  So hindi talaga ako nag hahallucinate at andito nga siya. Bigla akong nakaramdam ng lungkot at galit.

PAAAAAAAAAAAAAAAAAAK!!!

Isang malakas na sampal ang ginawa ko sa kanya. Kitang kita sa pisngi niya ang bakat ng kamay ko.

Tinitigan ko siya sa mata..

Ba’t ganun, ba’t iba ang nababasa ko sa mga mata niya. Parang naguguluhan at may galit. Ang galing din niya umarte ha. Ganun nalang ba yun, mag papanggap siya na inosente? Ganun nalang ba kadali sa kanya? Ganun ganun nalang ba?

Nararamdaman ko ang pag init ng mata ko, at bago pa ako maluha tumakbo na ako palabas.

Narinig ko sila Jen at Chel na tinatawag ang pangalan ko. Pero hindi, gusto kong mapag isa. Kaya binilisan ko pang tumakbo.

Takbo..

Takbo ..

Takbo..

Di ko na napigilan maiyak. Umupo ako malapit sa isang malaking bato at dun inilabas lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko. Di ko na kayang balewalain ito, Akala ko okay na ako. Akala ko ba time heals all wounds. Pero bakit ganun?? Nararamdaman ko pa rin yung sakit na binigay sakin ng pesteng pagibig na yan! It has been 3 years nung iniwan niya ako. Akala ko tanggap ko na na wala kami. Akala ko matatag na ako at kayang ipamukha sa kanya na kaya ko kahit wala siya. Na kahit ipinagpalit niya ako sa ibang babae. Akala ko kaya kong panindigan yun lahat.

Flashback:

“Happy Anniversary baboo!” all smile kong bati sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi.

Nag smile siya pero hindi umabot sa mata di tulad ng karaniwang niyang smile. Wala na yung dating smiling eyes.

“May problema ba baboo?” tanong ko

“I have to tell you something Ayell”

Kinabahan ako nung tinawag niya akong Ayell. Feeling ko may hindi magandang mangyayari

“Bakit Ken, may problema ba?” tinitigan ko siya sa mata pero siya di na ako matitigan. I know there is something bad thats going to happen.

“I know I should have told you this before..”

Tapos tinitigigan niya ako sa mata

“Let’s break up.”

Parang nabingi ako sa narinig ko. Tinitigan ko ng maigi baka naman nag jojoke lang siya at sinusubukan niya sa aking ang galing niya sa pag dradrama.

“College na tayo next school year at kelangan ko mag focus sa studies.”

“Ganun ba?”

 Alam ko kasi na ganun kahalaga yung studies niya at ganun siya kaseryoso para makamit niya yung pangarap niya. Ang maging doktor. Ewan ko ba at parang sincere siya sa sinasabi niya.

“Naiintindihan kita. Kung dyan ka masaya di kita pipigilan.” At naglakad na ako palayo.

Ilang araw makalipas, pumunta ako ng bakeshop sa bayan para bumili ng paborito naming cake ni daddy. Pagkatapos ko mag bayad saktong papasok si Ken ng bakeshop...

Na may kasamang babae. Kitang kita ko kung paano hinalikan nung babae sa lips si Ken. Although smack lang naman pero it explains all. Hindi maitatangging may relasyon sila.

Mistaken IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon