Chapter 2

121 5 3
                                    

Author’s Note:

Waaaaaah! Nakakaiyak naman walang nag cocomment at nag vovote ng story ko.. WAAAH! Huhu, vote niyo naman or comment para ituloy ko yung story na to. SALAMAAAAATS!

Jen’s Pov

Sa wakas nakarating din kami sa bahay nila Ayell.

Malayolayo din pala bahay nila, pero infairness maganda lugar nila.

Gusto niyo ba malaman?

HEHEHEHE *evil grin* Libre niyo muna ako Happy Lemon. HAHAHA! >:D

Sige na nga, kaawa awa naman kayo..hehe

Alam niyo ba hacienda? Yun nay un..HAHA

Pero pwera biro, hacienda nga tinitirahan nila.

Ayon sa kwento ni Ayell noon, Sa lolo at lola niya ang hacienda na ito. At dahil sa first born ang daddy niya ay sa kanila na ipinamana.

Malawak ang hacienda nila, may mga alagang hayop sila at may palayan medyo malayo sa bahay. Ang bahay naman nila ay dalawang palapag pero malawak ito.

Isipin mo nalang mga sina unang mansion ng mga amerikano.

Oh, Masaya na kayo?

Pag baba naming ng sasakyan may nakita akong matandang lalake,siguro daddy ni Ayell. Naka tayo lang siya sa may pinto at nakatingin sa amin.

“Ayell, sino yun?” nguso ko sa matandang lalake

“Ah, siya? Daddy ko. Wag kayo mahiya ako bahala sa inyo. ”Ayell

“Kelan pa nga ba kami nahiya? Eh FC nga kami dba? HAHAHA” Chel

“Mga loka talaga kayo. HAAHA, tara na nga ng makapag ayos na tayo ng gamit.” Ayell

Ayell’s POV

Haha sorry kong inagawan ko si Jen, di ko na mapigilan emosyon ko eh :D

Lumakad na kami papalapit kay daddy. Habang papalapit ng papalapit kami, mas nalulungkot ako. Namimiss ko na siya. Oo daddy’s girl ako kaya siguro mas nagalit sakin mga kuya ko. Katapat ko na si daddy at niyakap ko siya.

“dad”

“Baby Mariel, namiss ka ng daddy mo” daddy habang may lungkot saboses niya.

“mas na miss kita daddy, wag ka ng malungkot. Andito na po ako” sinubukan kong pasiglahin ang boses ko para di mas malungkot ang akingama.

“Daddy! Siya nga pala, sila Jen at Chel pala mga kaibigan ko, sila din kasama ko sa apartment” pagpapakilala ko sa kanila :D

“Ay Hello po tito Manuel!” (^^,) (^.^) sabay na bati nila

“Oh Chel, Jen mga anak,tara na sa loob at ng makapananghalian na tayo. ”daddy

“Tamang tama gutom na nga po kami tito Manuel! HEHEHE (feeling close:D)”Chel

“Aba anak, ginutom mo ata mga kaibigan mo?”

“Hala! Hindi kaya daddy, inubos nga nila baon naming pagkain e” Sabay pout at pa sad face effect haha. Nag papa baby lang naman.

“HAHAHA! Halina kayo at mag si upo na, lalamig na ang pagkain.” Daddy habang ginugulo ang buhok ko. Yep, ganyan ka sweet si daddy sa akin.

Wooooooah! (O.O) puro paborito ko ang nakahain.

Pakbet, Bicol express, Pritong tilapia, Okraaaaa, Kinilaw na isda, kamatis at onion na may toyo, at Dried Mangoes for dessert! Yummy hehe kakain akong bunggang bungga!

“Nanay Remyyyy Kuya Bong! Tara na po! Kain na po tayo!” Dito sa amin, di uso ang hinihiwalay ang mga kasambahay, sabay sabay kami kumakain kasama sila.

“Oh mga iha, kain lang kayo ng kain ha.Wag kayong mahihiya.”Sabi ni Nanay Remy.

“naku po, basta po pagkain wala na pong hiya hiya, sayang din po ang graysa. Hehehe” Chel

Masaya kaming kumain habang nag kwekwentuhan. Umakyat na kami at dumeretso sa kwarto ko total kasya naman kaming tatlo sa higaan ko. Nakapag ayos na kami ng gamit at humiga saglit.

“Ayell, ang ganda dito sa inyo. Sariwa pa ang mga gulay..Parang gusto kong tumira na sa probinsya” Jen habang naka tingala sa ceiling.

“Malungkot din dito lalo na pag wala kang kasama. Tara! May falls malapit dito, ligo tayo? Hahaha!”

Ganito itsura nilang dalawa --> (o.0) (*o*) HAHA

“TARA!” Sabay pa silang sumigaw..

Tumakbo na kami pababa hanggang sa likod bahay patungo malapit sa bundok. Nang makarating lahat kami namangha sa ganda ng falls. Di siya kataasan pero ang linis ng tubig at di gaanong malalim. Nag talunan na kami sa tubig! HAHAHA!

“Brrrr! Ang lameeeeeg! Wooh!”

“HAHAHA ang sarap ng tubig ang lamig!” Jen

“Masarap Jen?? Bakit Natikaman mo? Pagkain lang te??” Chel

“BOOM! HAHAHA barado”

“Gumaganyan ka Chel ha. Lumelevel up ka na.HAHA” Jen

At sa hanggang di na namin namalayan mag gagabi na pala. Umahon na kami at umuwi. Naligo na kami at bumaba para kumain. Pagkatapos ay umakyat na kami para mag handa paramatulog at hanggang sa nagkaayaan ng matulog.

Jen’s POV

Kinabukasan tinanghali na kami ng gising. Siguro pagod sa biyahe kaya bumawi sa tulog mga katawan namin. Nauna na akong bumaba sa kanila nauuhaw na kasi ako, habang sila naman e nakahiga pa din.

Hmm walang tao..

Lakad lakad.. kuha ng baso

Bukas ng ref, kuha ng malamig na tubig. Ni puno ko na ung baso para solb ang uhaw. Hehe *evil grin*

GULP. GULP. GULP. Ahhh sarap ng malamiiiiiig na tubig! Argh.. bitin, pinuno ko ulit ng tubig yung baso ko.

Babalik na sana ako sa kwarto bitbit yung baso ng pagikot ko may nakita ako at napako na sa kinatatayuan ko. Hanggang sa nabitawan ko yung baso.

(o.o)!! tingin sa nabasag na basa

(<.<) tingin sa kaliwa

(>.>) tingin sa kanan

(O.O) tingin sa harap at nanlaki mata ko sa nakita ko.

____________________________________________________________________________

Ano kaya yung nakita ni Jen? Multo? Aswang? Killer? J Abangan..

Hehe sorry kung nabitin ko kayo.

Please leave a COMMENT, VOTE or even become a fan :D

Silent readers kung meron man, litaw na kayo :) PUhleeeease? *puppy eyes* :D

Thanks for reading! 

LOVE MISS CHII <3

Mistaken IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon