When Love is Waiting (1)

461 20 22
                                    

Note: Kung hindi niyo pa po nababasa ang 'Why do we always fall in love with our bestfriends' at 'In a bacterial relationship' huwag niyo po muna basahin ito. I encourage you to read the abovementioned stories for you to know more about Carl and Audrey. Thank you.

...

We were just one year in our relationship when his migration to Australia was approved. Nandoon na rin naman ang nanay niya at kapatid at tanging si Kuya Chris at Carl na lang ang naiwan sa Pinas kaya minadali na rin ni Tita ang pag-ayos sa papeles niya which is sabi nga nila ay long overdue. Dapat primary school pa lang ay nandoon na si Carl pero si Carl lang naman daw ang may ayaw na pumunta roon. Biniro ko pa nga siya na dahil sa akin kaya ayaw niyang umalis ng bansa at pagngiti lang ang tanging sagot niya sa akin lagi. Gusto kong maniwalang dahil sa akin nga kaya ganoon. Masyado kasi akong clingy sa kanya kahit noon mga bata pa kami.

Anim na buwan na rin ng umalis siya. I cried so hard a day before his departure. Nakakainis! Kung kailan kasi nainlove ka na ng sobra sa tao saka pa mangyayari iyon. Para pa talagang nanadya. Nang huling araw bago siya umalis ay hindi talaga ako nagpakita sa kanya. Way na rin iyon para sabihin ko sa kanya na nagpoprotesta ako. I even tried to break up up with him on the phone. Nasa isip ko noon dahil sinaktan niya ako sa pag-alis niya kaya sasaktan ko rin siya. Napakaimmature kong tao. At thankful ako na hindi ako pinapatulan ni Carl.

Araw ng alis niya noon. Gabi pa ang flight niya pero wala talaga akong balak makipagkita sa kanya. I was still in bed, my eyes were swollen and my nose clogged. Kanina pa ako kinakatok ni Mama pero hindi ako sumasagot. Ayokong bumangon at dahil nag-iinarte ako noon naisip ko na ayoko ng mabuhay. Inis na inis ako sa sitwasyon namin ni Carl. Naisip ko kung bakit pa niya ako pinasagot kung iiwan niya lang ako! Parang ganti niya lang ata iyon dahil sa pagpapahirap ko sa kanya noon nanliligaw pa lang siya sa akin.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko noon. Wala pa akong tulog. Pero nagulat na lang ako ng magbukas ang pinto ko. Binantaan ko si Kuya Ron gaya ng dating pagbabanta ko na manghihiram siya ng mukha sa aso ko na si Momo pero walang pagtawa akong narinig. Sumilip ako mula sa comforter at nakita ko ang taong may dahilan bakit ako nasasaktan.

"Drey." At on cue, pinagbabato ko siya ng mga unan ko. Dahil siguro sa maga na ang mata ko kaya hindi ko siya natamaan.

"Get out!" sigaw ko sa kanya. "Get out!" Pero bingi talaga si Carl kaya imbes na umalis lumapit pa sa akin at naupo pa sa tabi ko. I kicked him out of my bed. Nahulog pa nga siya sa sahig. "Di ba sabi ko sayo ayoko ng makita ang pagmumukha ko. Umalis ka na. Aalis ka na naman di ba?" Galit talaga ako. Kung hindi ko lang mahal ang lamp shade ko ay naibato ko na sa kanya.

"Huwag mo naman akong pahirapan sa pag-alis ko." Pinanliitan ko siya ng maga kong mata. Tutol talaga ako sa pag-alis niya at vocal ako doon. Pero may sinasabi siya sa akin na about sa future namin na hindi ko pinapakinggan. Bingi ako sa sound reasons kasi nasasaktan ako. "Babalik ako after two years."

"Wala ka ng babalikan."

"Drey naman."

"Ikaw naman ang may kasalanan nito. Kung hindi mo ako nilligawan at nanatili lang tayong magbestfriend eh di sana walang ganito. Kaso ginawa mong komplikado. Naging girlfriend mo ako at dahil girlfriend mo na ako ay may commitment ka sa akin at isa sa mga commitment na iyon ay palagi kang nasa tabi ko."

"Para naman sa atin ito. After kong maestablish lahat doon susunod ka na sa akin. Doon na tayo titira at doon na tayo magkakapamilya." Napailing ako. Iyon mga ganitong pag-iisip ni Carl ang hindi ko maintidihan. Lagi na lang about sa future ang iniisip. Kakabeinte dos ko palang pero puro future at pamilya na ang lagi niyang bukambibig. Minsan natatakot ako kapag ganoon siya kaseryoso dahil sa totoo lang marami pa akong plano sa buhay ko. Masyado pa akong bata para magsettle down. Ang dalawa kong kuya nga wala pang girlfriend tapos ako mag-aasawa at magkakapamilya na. Napakadvance talaga mag-isip ni Carl. Akala mo matanda na. Dalawang taon lang naman ang tanda nito sa akin.

When Love Is WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon