When Love is Waiting (3)

215 14 21
                                    


'Huwag mong idamay si Archie dito.' Iyon ang huli kong text bago ako umiyak ng umiyak. Tawag pa rin siya ng tawag pero hindi ko sinagot. Kinabukasan, ganoon pa rin siya tawag ng tawag kaya nakamute lagi ang phone ko.

Good thing I was busy the entire week with my presentation in the company. Pero kahit na busy ako, kapag wala na akong ginagawa doon na papasok lahat ng nararamdaman ko in full force. I was trying so hard compartmentalizing my thoughts and emotions. I finished my company presentation but in the end it was a sloppy one. Napag-initan ko rin ng ulo ang ilang subordinates ko sa maliliit lang na bagay na pagkakamali nila. Pati kay Mae, naiinis ako dahil sa binalita niya kay Carl about sa lunch namin ni Archie. Ang akala raw kasi ni Mae ay alam ni Carl. Pero nakonsensiya ako sa pagkainis ko kay Mae. It was my fault; I mean not entirely my fault because we didn't do anything. It was Carl's because he was suspicious.

I received a lot of messages from Carl everyday. Hindi ko rin napangatawanan na iblock siya.

'Talk to me. I'll listen.'

'I miss you'

'Tell me what's happening.'

'I love you'

Paulit-ulit araw-araw ang mensahe sa akin ni Carl. Marami na akong narinig na advices galing sa barkada ko. Lahat sila nagpayo na mag-usap muna raw kami. Na bigyan ko raw ng tsansa na magpaliwanag si Carl. Ayoko talaga ng masyado madrama sa buhay pero simula ng pag-alis ni Carl naging drama na ang buhay ko. Ito pa naman ang pinakaayaw ko pa naman genre ng movie at novels.

Saturday ulit at nagyakag si Archie. Pinasya ko ng huwag na siyang sabayang kumain so kahit na mag-isa lang ako at mukha akong ewan na nakatunganga sa pagkain ko ginawa ko. Pagkauwi ko bumungad sa akin si Mama sa pinto pagkarating ko galing bahay. Niyakag niya akong kumain kahit na sinabi kong kumain na akong dinner. Gumawa kasi siya ng lasagna at alam ni Mama na hindi ako makakatanggi sa lasagna niya.

Busy akong kumakain noon at si Mama ay binigyan pa ako ng baso ng coke matapos ay naupo sa tapat ko. Naiilang ako na pinagmamasdan ni Mama na kumain. Alam kong may sasabihin siya at naghahanap ng tiyempo.

"Tumawag ulit si Carl." Tumango lang ako. Wala ng bago doon dahil palagian na siyang tumatawag kina Mama. "Kausapin mo na, Drey."

"Ma, huwag na kayong makisali."

"Too late kasi pinaliwanag ko na sa kanya bakit ka nagkakaganyan."

"Ano Ma?" Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi ni Mama. "Bakit kailangan mong gawin iyon?" Nawalan na ako ng gana tuloy kumain ng lasagna niya for the first time.

"Kasi maliit na problema lang pinapalaki mo. Kailangan niyo lang mag-usap. Kailangan mong pakinggan siya at papakinggan ka rin niya. Walang mahirap doon, Drey. Naman, anak, kilala mo na buong buhay mo na si Carl ngayon ka pa mag-iinarte na ganyan na hirap kang pagkatiwalaan iyon tao. Pinapatulog nga kita sa bahay nila at doon pa sa kwarto niya noon mga bata pa kayo at kahit noon teenager na kayo dahil malaki ang tiwala ko kay Carl. Get it, Audrey? Tiwala." Kinuha ko na lang ang coke at tumayo na.

"Alam mo Ma halatang-halata na masyado mong gusto si Carl." Salita ko. Ngumiti naman ng malaki si Mama.

"Ikaw lang eh." Napailing na lang ako. Ito ang mahirap kapag kilala ng buong pamilya mo ang taong karelasyon mo. Makikialam at makikialam sila sa inyo.

Pumasok na ako sa kwarto still contemplating what Mama said. Lahat naman sila pareho ng payo pero iba ang bigat kapag galing kay Mama. Alam kong hindi ako naging fair kay Carl. Sa gusto ko naman talagang hindi maging fair. Pero hindi lang naman iyong picture na iyon ang problema ko. Meroon na kaming issue na hindi pa nareresolba at ang magtrigger noon ay si Gemma.

When Love Is WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon