When Love is Waiting (4)

328 21 34
                                    

Isang taon na nasa Sydney si Carl. After noon 'almost'break up nag-usap kami ng masinsinan tungkol sa amin at sa plano namin sa buhay. Nasa, Australia ang pangarap niya samantalang ako ay sa Pilipinas. Pero pareho namin pangarap na magkasama at wala kaming balak na bitawan ang isa't isa. It took me time to think and rethink. Inabot ako ng matagal na panahon para ideliberate ang mga options. Kung uuwi si Carl dito hindi ganoon kaganda ang career niya. Lalo na ngayon na maganda ang career progression niya sa kompanya at siyempre iyon kinikita niya. Kung ako naman ang pupunta roon maiiwan ko ang career ko rito. Maganda pa naman ang company ko sa Pinas at masasabi kong mabilis din ang career progression ko. Isama mo pa ang pagtatapos ko ng master's at gusto kong ipursue ang P.H. D. Alam kong may-isa na dapat magsacrifice. Matinding battle sa sarili ko iyon at palagay ko rin sa kanya. Binigay na sa akin ni Carl ang desisyon na sa tingin ko ay hindi fair sa kanya.

Binilhan niya rin kami ng ticket papuntang Sydney dahil may nakita raw siyang sale sa airlines at para makita raw namin ang bansa at maging 'at home'daw kami. Alam kong taktika ni Carl iyon para maengganyo ako. Pero okay lang naman dahil I'm exploring options. Kasama ko sina Mama at Papa. Tuwang-tuwa naman iyon dalawa.

Si Carl at Tita Zeny ang sumundo sa amin sa airport. The first time na nakita ko ulit siya sa personal natulala ako. Parang iyon feeling na first time mong nakita ulit ang crush mo. Ganoon ang feeling. Nagmano siya kay Mama at Papa tapos noon ako na ay nginitian ako ng nakakaloko kasi nakatingin lang ako sa kanya. Pero saglit lang iyon kasi niyakap na niya ako.

May dala silang SUV at si Carl ang nagmaneho. Nasa likod kami nila Mama at nasa passenger seat si Tita Zeny. Pasulyap-sulyap pa si Carl sa rear view mirror at kumindat-kindat. Hindi niya ata alam na nakikita siya nila Mama at hindi na lang kumikibo.

Nakarating na kami sa bahay nila. May kalakihan ang bahay at malaki ang open space. Tinulungan kami ni Carl sa mga bagahe namin. May pinagamit silang dalawang kwarto. Pinaghanda rin kami ng pagkain ni Tita Zeny at Carl. Kumain kami at as usual kwentuhan ng kwentuhan sila Mama at Tita Zeny. Si Papa nakikisama na lang. Nakikisama lang din kami sa kwentuhan nila pero hindi ko mapigilan kiligin dahil kinuha ni Carl ang kamay ko sa ilalim ng mesa at nilaro-laro iyon. Maraming napag-usapan tsismis sila Mama, ang plano sa seventeen days stay namin at kung saan kami pupunta bukas. Hindi na rin kakayanin ngayon dahil pagod na sa biyahe. Binigay na nila Mama ang mga pasalalubong sa kanila at nagpatuloy ulit sila sa kung anu-anong pag-uusap.

Nagpaalam na ako para tumuloy na rin ako sa kwarto ko at sumama si Carl. May mga ibibigay rin kasi ako sa kanya na sa palagay ko ay namiss niya. Pero pagpasok na pagpasok palang namin sa kwarto bago pa ako makarating sa maleta ko, hinapit na niya ako at hinalikan. Nagulat ako kasi hindi ko inaasahan. Ramdam kong sabik na sabik siya kung paano niya ako halikan. Nanggigil pa nga kasi pinipisil pa niya ang bewang ko. Unang beses pa lang niya ako nahalikan ng ganoon. Mainit at nakakatunaw. Alam kong miss na namin ang isa't isa pero para atakehin ako ng ganoon. Itong si Carl talaga!

Maga at medyo masakit na ang labi ko ng tinigilan niya. Pinalo ko siya sa braso dahil sa ginawa niya. Tinawanan niya lang ako. Miss na miss na raw niya kasi ako. Pinalo ko siya ulit ng manghahalik na naman. Tinulungan na niya lang ako sa pag-aayos ng gamit ko dahil ayoko ng magpahalik. May cabinet doon na walang laman at tinulungan niya akong i-hang ang mga damit ko. Binuksan niya rin iyon Clover na bitbit ko. Favorite niya iyon kaya para siyang batang tuwang tuwa na kumakain.

"Namiss kita ng sobra." Niyakap ako nito ng mahigpit na may kasamang halik sa pisngi.

"Ginusto mo ito...am I mean ginusto natin to." Ngumiti siya sa sinabi ko at aktong manghahalik at mamimisil na naman kaya pinagpapalo ko sa braso. Ngumuso pa ito.

"Marami kang utang na kiss." Natawa ako sa pagnguso niya. "Kailangan makaquota tayo bago kayo umuwi." Tinawanan ko nalang siya sa sinabi niya. May mga quota pang nalalaman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Love Is WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon